A/N: Dedicated to Ate Mae. Thanks for inspiring me!! I really love reading your one shot stories.
---------------------------------------------------------------------
Maraming tao sa mundo ang alam nang masasaktan lang subalit patuloy pa din sa pagtitiwala at pagmamahal. At sa huli, anong sasabihin? “Ito na ang huling beses na masasaktan ako. Pangako ‘yan!” Pero ano? Mababalitaan mo na lang na nainlove na naman. Katulad na lang nitong kaibigan ko.
“Shiela, pasensiya ka na ha. Iniiyakan na naman kita.” sambit ni Leisa. Medyo sumisinghot pa siya at pulang-pula na ang mga mata at ang ilong niya. Kalma lang din naman ako. Isa si Leisa sa mga pinakamalapit kong kaibigan. Siya ‘yung tipo ng babae na parang hindi natatakot magmahal. Ilang beses na ba ‘tong nagkaboyfriend at nasaktan dahil iniwan? Well, hindi naman sa lahat ng oras siya ‘yung iniiwan kasi marami din namang pagkakataon na siya ‘yung nang-iwan.
“Shie, may kadate ka na ba bukas?” Biglang tanong niya naman sa akin. Kahit medyo mahina lang ang pagkakasabi niya, dinig na dinig ko pa din ‘yun dahil na rin siguro sa napakatahimik ng kwarto namin ngayon sa dorm. “Shie, may kadate ka na ba bukas?” nagplay ulit sa utak ko ang tanong na ‘yun ni Leisa.
Date? Halos ‘yan na lang palagi ang naririnig ko nitong nakaraang mga araw. Halos hindi ‘yan nawawala sa Newsfeeds at texts na nababasa ko.
“Wala.” Kaswal kong sagot kay Leisa.
“Eh kung ganun, dapat pumayag ka nang sumama kay Vince.” Sabi niya naman. Si Vince. Palagi na lang. Bakit ba kasi palagi na lang nilang pinagtutulakan si Vince sa akin?
“Leisa, alam mo na ang sagot ko diyan. It’s a big NO.” Sagot ko na tila nagpatameme sa kanya.
“Bakit ba kasi ayaw mo sa kanya? Gwapo naman siya ah? Matalino naman kasi Dean’s Lister nga at –“
Pinutol ko na ang pagsasalita ni Leisa. Paulit-ulit na lang kasi.
“That’s the main reason why.” Sagot ko.
February 14 na naman bukas at Valentine’s Day na daw. The truth is, napi-pressure na din ako dahil sa media at sa mga taong nasa paligid ko. Sa panahon ngayon na halos karamihan ay may mga love life na, medyo nakakapaghikayat na din subalit, magiging firm ako sa desisyon ko. Hinding-hindi ako makikipagrelasyon ulit kung alam kong hindi pa ako handa.
“Why don’t you give him a try, Shie? Magtatatlong Valentine’s na ring ikaw ang niyayaya niyang date.” Dagdag pang sabi ni Leisa.
Magtatatlong Valentine’s na din pala akong patuloy na umaasa sa kanya – sa ex-boyfriend kong hanggang ngayon, hindi ko pa rin basta-basta makalimutan.
Maraming bitter kapag Valentine’s at isa na ako sa kanila. Bakit? Sino bang hindi magiging bitter kung sa mismong araw ng Valentine’s narinig mo ang mga salitang, “Break na tayo” mula sa taong minahal mo ng sobra? Sino ba ang hindi magiging bitter kung sa mismong araw ng Valentine’s, naranasan mo ang unang heartbreak mula nang mabuhay ka sa mundo? Higit sa lahat, sino ba ang hindi magiging bitter sa katotohanang imbes nang kasiyahan ang maramdaman mo, puro kalungkutan at pagluha ang nararanasan mo sa mismong araw na ‘to?
Yes. I’m bitter. I’m still broken. I’m weak and I’m weary. Gustuhin ko mang makaalis sa ganitong sitwasyon, hindi ko pa rin magagawang manggamit ng ibang tao para magmove on, para makalimot. Valentine’s Day should be one of the happiest days of the year but not for me.
“Leisa, hindi pa rin talaga ang sagot ko diyan. Matulog ka na kaya.” Sumimangot lang siya sa akin. “At bakit ba sa akin naman natuon? Di ba ikaw ang broken-hearted diyan?” Sabi ko pa sa kanya. Lumungkot na naman tuloy ang mukha niya. I just rolled my eyes.
Lumabas na lang ako sa kwarto at pumunta sa terrace habang dala ang Laptop para magpahangin at magsurf sa internet. Dating gawi. Pupuntahan ang profile ni ex at titingin-tingin ng mga bagong updates sa timeline niya.
Maraming tao sa mundo na kahit alam na din namang wala nang aasahan, patuloy pa rin sa pag-asa at paghihintay. May mga taong nasasaktan na nga, patuloy pa din naman sa ginagawa. ‘Yun ang katotohanan. Many people are blinded by love that even though doing something for their love one hurts them much, they still keep on doing so. It might be a sad reality but it’s a fact that I’m one of those people. Foolish as it is, foolish as I am.
Masakit mang makabasa ng mga status niya na nagsasabing masaya na siya sa pakikipagrelasyon sa iba, masakit mang makakita ng mga photos niyang may kayakap ng iba at masayang-masaya, pero heto pa din ako – patuloy sa pakikibalita tungkol sa kanya. Ako ‘yung bitter at naiinis sa mga kaibigan ko kapag umiiyak ng dahil sa love na ‘yan. Ako ‘yung madalas magsabing, “Wag ka na niyan. Masasaktan ka lang”, “I told you. With Greater love comes a greater pain.” Subalit ang totoo, ako itong pasekretong umiiyak at umaasa ng dahil sa taong minahal ko at sinaktan lang naman ako ng sobra.
Binuksan ko na ang Facebook account ko at marami na naman akong nababasang mga bitter status about Valentine’s Day at mga status na excited na daw para bukas. Ilang minuto na lang pala ay 12:00 AM na subalit marami pa rin ang naka-online. Ilang sandali pa, may biglang nagchat sa akin.
“Happy Heart’s Day!” Hindi ako agad makagalaw ng mabasa ang message niya – message ni Ex. Ito ang unang Valentine’s mula nang magbreak kami na binati niya ako. Hindi ako agad nakareply. Nagtatype na ako ng sagot para sa kanya nang magmessage ulit siya. At ewan ko ba ngunit, daig ko pa ang nauntog at nagising sa katotohanan dahil sa simpleng message niya na ‘to.
“Sana masaya ka na ngayon kasi ako, oo na. Good night Shiela.” Hindi ko na lang namalayan na umiiyak na pala ako. Sunod-sunod ang pagdaloy ng mga luha ko. It is as if he’s now saying his final goodbye to me. Two sentences lang ‘yun pero ang laki ng impact nun sa akin. Kung gaano ako katapang sa pag-advice sa mga kaibigan ko, ganun din ako kahina pagdating sa sarili ko.
Hindi na ako nakareply sa kanya dahil sa bago ko pa man mai-send ang mga tinype ko kanina, nag-offline na siya. Tahimik akong humihikbi sa terrace. Siguro nga sign na din ‘yun para tuluyan na akong bumitaw. Panahon na din siguro para bitawan ko na lahat ng pag-asa ko sa relasyong matagal nang tapos. All this time, ako lang naman ang nananakit sa sarili ko dahil noon pa man, I was already given all the reasons and chances to move on and to forget all the pains and sad memories. Pero, hindi ko ginawa.
“Shie..” Nasa tabi ko na pala si Leisa. Hinagod niya ang likod ko at niyakap ako. At ito ang unang beses na umiyak ako sa harap niya. Ito ang unang beses na naipakita ko ang katotohanan kung gaano ako kahina. This time, wala na akong nagawa kundi ang humagul-hol na lamang. It’s another Valentine’s Day that started with pain and tears.
But from now on, this I promise myself – this would be the last Valentine’s that I cry because of the same person. Bakit pa ba ako mananatili sa sitwasyong nasasaktan lang naman ako? Bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko kung nandiyan na din naman mismo sa harap ko ang kaligayahang hinahanap ko? Bakit ko ba sinosolo ang kalungkutang nararamdaman ko kung may mga kaibigan lang din naman akong handang makinig? Bakit ba nagtatapang-tapangan ako samantalang ang totoo, napakahina ko?
“Why would I consider love like a toxic that slowly makes me weak, when in fact, love is meant to be the best feeling that one can feel and experience?”
“Shie, move on. Common phrase man pero, you deserve someone better than him. Hindi mo man sinasabi at ipinapakita pero ramdam at alam ko na di mo pa rin siya nalelet go. It’s time for you to be happy na.” Sambit ni Leisa.
Yeah. It’s time for me to finally let go and move on.
Ilang sandali pa, may mga natanggap na akong text messages at isa sa mga ‘yun ay ang text ni Vince.
“Happy Valentine’s Day, Shiela! I might look stupid again but I want to let you know that I’ll still wait. Same place. Same time.”
Ngumiti lang sa akin si Leisa. And suddenly, I just find myself smiling, too. After all these years, ito na ang reply ko sa kanya.
“See you.”
-----------------------------------------------------------------------------------
Any comment?
BINABASA MO ANG
Valentine's Day of Letting go (Special One shot)
Short StoryCover by @EijeiMeYou. "Why would I consider love like a toxic that slowly makes me weak when in fact, love is meant to be the best feeling that one can feel and experience?"