Dear K,
Kumusta ka na? Yan yung palagi kong gustong itanong sayo. Ano na kayang nangyayari sayo? Ano na kayang ginagawa mo? Nararadaman mo? Mga plano mo kahit alam kong di na ko kasama dun. Hanggang ngayon gusto ko pa ding malaman ang lahat sayo. Tagal na, 2years na pero heto pa rin ako di pa rin tapos sa pagmomove on. I am still holding the possibilities na baka isang araw bumalik ang lahat sa dati. Alam mo kung bakit? Sobra akong naniwala, naniwala na baka nga tayo na tayo talaga. Kasi di na tayo nagkita dati eh, nawala ka na pero bumalik ka. Tapos natatandaan mo yung sinabi mong tayo pala talaga, yung di mo, natin akalain na magiging tayo na magkalapit lang pala. Natatandaan mo din ba yung 9 months na pagitan natin sa pagkapanganak natin? Sinabi mo pa nga nun na nung pinanganak ako sinabi ng Diyos kailangan ko ng partner kaya yun after 9 months ikaw naman ang ipinanganak? Kaya pinaniwala ko talaga ang sarili ko na nakatadhana tayo talaga mula pagkabata. Nakakapagod isipin pa ang lahat na baka sa huli tayo. Pero ayokong nang maniwala dun, gusto ko nang tigilan to kasi for 3years kasama na yung naging tayo, tumigil na yung mundo ko. Sayo ko na lang binuhos lahat. Alam mo yan. From the very start na 2012.2013.2014.2015. I lost everything. I lost the opportunity to be successful. I lost it coz a only spend texting, calling and talking to you. di kita sinisisi kasi ito naman yung naging desisyon ko. I almost lose my family when I decided to work away from them, to be independent kasi alam nating ayaw nila sayo but still I chose you.I lost friends coz I am so guilty with what I did and what happened last January 25,2015. I slept with other guy and I felt raped, I was crying but he still did.I tried to cope up na hindi ako narape but I was. I was depressed then diagnosed that I have bipolar disorder. Sobra talaga akong nadepress. Bakit nangyari yun? Nagkukwento ako ng tungkol sayo, umiiyak na ko pagkatapos nangyari na. Natakot na ko, nagulat na ko, di na ko makakilos, di ako makapagsalita at wala na ko nagawa kundi ang umiyak na lang. Nagkasakit ako, napraning, di na ko nakakatulog. I lost everything. Nagsunod sunod na. All I want is to leave, wala nang dahilan para magstay pa ko. I am loosing my job. April 30 is my last day. I lose you. Wala nang natira sa akin. Kaya ayoko na. Natrauma na ko, ayoko na nga tumabi sa lalaki eh kasi nasa isip ko hanggang ngayon, lahat ng mga lalaki manyak. Lahat sila yun lang ang gusto, ang makuha ka. Nakakapagod. Pero sinusubukan ko pa ding maniwala na hindi. Ayokong paniwalaan ang mga pinaniniwalaan ko ngayon. I still want to believe that I still deserve to love and to be loved. Pero ang hirap hirap iconvince ang sarili. Sobra. Natatakot ako na baka mangyari ulit saken yung dati nung umalis ka. Kaya ngayon gumagawa ako ng paraan para di na maulit yun. Alam mo ba pati si God nasisi ko na. Kasi lumapit ako sa kanya pero inilapit pa rin nya ko sa kapahamakan. Kasalanan ko lahat , oo, pero ito ba talaga ang nakatadhana sa akin? ang palagi na lang nasasaktan? pagod na ko. Pero wala na ko magawa. Kailangan ko nang tanggapin. Kaya nga ngayon wala na din akong karapatan paasahin ang sarili ko na balang araw tayo. Wala na akong mukhang ihaharap sayo. Sumusuko na ko. Siguro ito na din ang dahilan ng lahat para tumigil na ko at gawin ko na ang lahat ng mga dapat kong gawin. Pero pano ako magsisimula, natatakot ako. Puro pagdududa ang pumapasok sa isip ko, ayoko na magtiwala ulit. Kasi yung mga taong akala ko mapagkakatiwalaan ko sila pa yung nanakit sa akin. Bahala na kakayanin ko to. Andyan naman si Jesus kahit minsan nawawalan na ko ng tiwala sa Kanya. I love you and i will always love you. Pero di na tama. Kailangan ko nang tigilan. Napahamak na ko dahil sa pagmamahal na to. Ngayon, nagpapagaling ako. Pero magiging okay din ako. Sana. Sana mawala na rin yung takot ko yung trauma, sana kaya ko na ulit makipag usap ng maayos sa ibang tao. Sana maging maayos na ang lahat. Mag iingat ka parati.