Chapter Twenty One

7.4K 160 2
                                    

-Nina-

Alam mo ba yung kutob or gut feeling na may mangyayari sa buhay mo? That's how I felt or maybe paranoia ang tawag doon. Nararamdaman ko may mangyayari na magbabago ang buhay ko any day from now. As it turns out, I was right. We were out shopping and Felicity was calling non stop na although lumalayo siya ay di ko maiwasang marinig nang lumapit ako habang busy sa kaka-dada si Felicity.

"Yes, it's all been taken cared of. Oo, I am sure sasagutin ka niya, Marco. She loves you. Wait may another caller sa line... Hi! Yes, ready na ba ang food para sa engagement party ng mga Dela Rosa? Nina, that's her name and asawa niya si Marco. Yup, he's proposing."

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong vase dahil nasa decorations section kami ng mall.

Sasagutin ka niya. She loves you. Engagement party. He's proposing.

Kinapa ko ang puso ko kasi bumilis ang takbo niya. Ang isang kamay ko ay hinahaplos ang malaki kong tiyan feeling our baby.

"Narinig mo ba iyon baby? Magpopropose ang daddy mo. Anong sasabihin ko?" I whispered to myself at muntik nang mapasigaw nang hinawakan ni Felicity ang balikat ko.

"Naku magugulatin ka pala! Oh siya let's go. May gagawin pa kasi ako. Bukas ha? Susunduin ka namin ni Trixie para sa date natin." Sabi ni Felicity at inihatid niya ako pauwi ng bahay.

Pagkadating ko, usually andun si tatay or si Marco nag-aantay sa akin pero ngayon wala sila pareho na ipinagtataka ko. Kasabwat kaya sila lahat ni Marco?

Aaminin ko na natutuwa ako pero may pag-alinlangan pa rin. Kailangan ko muna mag-isip bago ko siya sagutin at kung magtatanong ako kina tatay baka maguluhan lang ako ng tuluyan. I need to decided on my own and I just knew the place where.

Kinabukasan ay tinawagan ako nila Trixie to remind me of our date at sinabihan ko sila na sunduin ako pero I had other plans in mind. Binuksan ko ang maleta ko at kinuha ang pinakaunang bagay na binigay ni Marco.

His jacket. From the first time we met. Suot-suot ko ang jacket habang nagmamaneho patungo sa mansyon ng mga Tan.

Yes, I will be going to the garden by the man-made lake ng mga Tan. Iniwan ko ang aking cellphone para walang makakaalam kung saan ako.
Kailangan kong mapag-isa at maramdaman ulit ang ligaya ng una naming pagkikita.

Nang makalapit ako sa gate ng mansyon ay kumaway ang security guard.

"Ma'am Nina? Ikaw po ba yan?" Tanong niya sa akin at tumango ako.

"Oo, gusto ko sanang makausap si Yaya Sabel."

"Ah sige ho. Tatawagan ko lang." Sagot ng security na pumasok sa may guard house para tawagan ang main house.

"Andito po ba ang mga Tan?" Tanong ko at umiling siya.

"Lagi pong umaalis mula nang..." Di na tinapos ang salita niya at tumango ako.

"Naku! Nina! Ikaw ba yan iha?" Sigaw ni Yaya Sabel mula sa gate kaya bumaba na ako.

"Yaya Sabel!" Tawag ko naman at niyakap ako ng matanda. Siya ang yaya ni Trixie ever since she was small and also became our instant lola ni Felicity. Super spoiled kami kapag nag-oovernight kami sa bahay nila Trixie.

"Buntis ka din! Naku magiging nanay na mga alaga ko. Babae o lalaki? Miss ko na kayo pati ang alaga ko. Kamusta na si Trixie?"

"Babae po. Mabuti naman po. Sa susunod na buwan ay manganganak na siya. Lalaki po ang magiging anak nila." Malungkot kong tugon dahil alam kong di na nagparamdam si Trixie mula nang itinakwil siya ng magulang niya.

The Trinity Sorority Series: The Arranged Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon