Anong araw ba ngayon? Sa pagkakatanda ko naman hindi naman Friday the 13th ngayon di ba? Ugh!
"What hell is your problem?" sabay kuha ng kamay ko sa pagkakahawak nya. Bakit ba hindi ako tinatantanan ng lalaking to, tigas ng bungo eh. Hindi pa nakuntento at nanghihila pa yung girlfriend naman nya may kasalanan sakin ah!
"What? You'll just stand there and look at me? Please lang. Kanina pa ko badtrip. Lubayan mo ko" sabi ko sa kanya. Pero sya? Nakatulala lang. Ugh. Makalayas na nga. Lakas ng trip ng mga neto.
"Hey! Can please just stop." Napatigil ako sa paglalakad ko ng narinig kong magsalita sya. So marunong pala sya magsalita. Hinarap ko sya at tinitigan.
"Are you still planning to class wearing that? Are you nuts?"
"You don't care if papasok ako sa klase ko ng ganito. Well, if you just go away and stay away from me sana hindi na nangyari to. Ikaw naman ang may kasalanan neto, kaya ginawa to sakin ng girlfriend mo."
"She's not my girlfriend. She's just my friend." Oh I knew it, itsura pa lang nya alam ko nang playboy sya.
"Well, whatever." Inirapan ko sya at maglalakad na sana ako palayo ng biglang naramdaman kong bumaliktad ang paningin ko. Huli ko na nang napagtanto na binuhat ako netong siraulong to ng pabaliktad.
"Ano ka ba? Pwede ba ibaba mo ko!!!!!!" Sigaw ko sa kanya at pinagpapalo ko yung likod nya. Hayy! Ang tigas ng likod nya, pati ba naman likod nya may abs din? Errrr!!!
"Can you just stay still?"
"Pwede ba!!! Ano ba!!! Help!!!" Sigaw ko pero nakatingin lang silang samin lahat. Oh great. Thank you guys.
Hindi ko na namalayan na nasa parking lot na pala kami at binaba nya ko sa gilid ng isang itim na benz car.
"Wooh. Ang bigat mo." Wow. Nagsasalita pala sya ng tagalog? Well, ang sexy nya magsalita ng tagalog may pagkaslung kasi eh. But wait, ano sabi ko? Sexy? Ewww.
Tinitigan ko lang sya at tinaasan ng kilay. Ano bang problema neto? Mukhang nakadroga eh.
"Now, get in the car." Utos nya sakin. Ahh, kapal din ng mukha neto eh noh. Manigas ka!
Tatalikuran ko na sana sya ng bigla nya kong sinandal sa kotse nya at nilagay nya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. At pagangat ko ng tingin sa kanya ay napakalapit nang mukha nya. Nagsimula na kong kabahan. Ano bang gagawin nya?!
"A-no bang ginagawa mo?" Nauutal kong sabihin.
"You'll get in or I'll kiss you here?" Then he smirked.
No!!! Not my first kiss. I want it to be special. Katulad ng first kiss ni mama at papa.
"Okay! I'll get in. Move away!" Sabay tulak ko sa dibdib nya. Takte yan. Taong gym ata sya at ang tigas din ng dibdib nya.
Natatawa naman syang lumayo sakin at binuksan ang lock ng kotse nya. Walang sabi sabing pumasok ako sa kotse nya. Saan nya ba ko dadalhin? Ano bang pumasok sa kokote ko at sasama ako sa kanya? Kung hindi lang dahil sa first ko!
"Ano bang problema mo ha? Saan mo ba ko dadalhin?"
"Shut up okay? Wala akong gagawing masama sayo. Hindi naman kita type"
"Ha!!! At parang type kita. Yabang mo! "
Hindi na sya nagsalita nyon at nakangiti na lang syang nagdadrive. Siraulo talaga. Mukha naman syang safe kasama. Hindi naman sya siguro kidnapper di ba? Maganda naman sasakyan nya. Englishero at mukhang mayaman. Wala naman sa mukha nyang rapist sya. Mukha lang syang playboy. Katulad ng mga kaibigan nya.
Maya maya lang ay hininto nya ang sasakyan nya sa isang building. At lumabas sya ng sasakyan. Loko to. Iwan ba ko. Lumabas na din ako.
"Good thing at lumabas ka na. Akala ko hihintayin mo pang pagbuksan kita e." Mayabang na sabi nya. Inirapan ko na lang sya. Sana mahenglish na lang sya at wag na magtagalog kasi nga ang sexy ng boses nya kapag nagtatagalog sya. Hay! Siraulo na din ata ako.
Nung papasok na sya ay binato nya sa parang butler yung susi ng sasakyan nya. Umistop sya ng mapansin nyang hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.
"What? Do you want me to carry you again?"
"Nsan ba tayo? At bakit mo ko dinala dito?" Hindi ko pinansin yung sinabi nya. Napakayabang e.
"You're in my condo."
"What? Ano naman gagawin natin dito ha?"
"Stop freaking out. I'll just give you a shirt"
Oh. May mabuting pagkatao naman pala sya. Tss. Siguro, dahil yung girlfriend nya yung may kasalanan kaya ayan nakonsensya.
Sinundan ko na lang sya. Lahat ng mga nakakasalubong namin ay binabati sya. Yung iba nga mukhang nagpapacute pa eh. Lakas ng charisma ni mokong.
Nang tumigil sa ikaw-18th floor. Bumaba na sya sumunod na lang ako. Minsan kasi nakakatamad din magsalita at nakakahingal kaya.
Pagpasok namin. Halos malunok ko ang laway ko para hindi tumulo. Grabe pala sya kayaman. Jusko, mukhang tatlong beses na laki ng condo nya sa bahay namin. Condo pa ba to?
"Just wait there. I'll get you a shirt" sinabi nyang hindi lumilingon sakin. Whatever. Umupo na lang ako sa sofa nya. Alanangan naman tumayo lang ako di ba?
"Hey nads. Here's you're shirt." Inabot nya sakin yung mukhang bago pang shirt na may printed na AWESOME.
"Thanks. Saan yung bathroom mo?" Tinuro naman nya. At pupuntahan ko na sana nang may narealize ako. Tumigil at tumingin sa kanya.
"Wait. Pano mo nalaman name ko? Eh ako nga hindi pa kita kilala." Nakita ko naman yung shock sa mukha nya at parang batang nahuli ng nanay nya sa kalokohan nya.
"Ahm. I just heard it to .. yassi. Yeah that's right"
"Hindi naman ako tinawag nung girlfriend mo sa pangalan ko ah?"
"Stop asking. Go change now." At tinulak pa nya ako sa banyo nya. Err. Weird.
Pagkalabas ko sa ng common bathroom nya, ay pumunta na ulit kame sa school. Makakahabol pa naman kame sa last na subject namin. Sayang naman kasi kung hindi namin papasukan, eh hindi ko pa naman na napasukan yung isang subject ko.
Pagkadating namin sa school at nakapagpark na sya lumabas na agad ako. Malapit na kasing magtime eh.
Paalis na sana ako ng may maalala ako.
"Ahm. Thank you..." Ano ba kasi pangalan nya?
"James"
"Ahh yeah, Thanks james. Bye!"
Bago ako tumalikod ay parang nakita kong ngumiti sya. Err. Ngumiti ba talaga sya? Gwapo naman talaga sya. Lol. Makapasok na nga.
---
Sorry sa supeer late UD. 😂 Last UD ko is yung showing TBYD. My next UD eh Hopeless Romantic naman. Haha! ✌️✌️✌️Enjoy the update!VOTE. COMMENT.
- somuchlove