KABANATA 47

776 18 1
                                    

"Wake up. Wake up! Diba ngayon natin malalaman yung result ng medical check up mo last week?" bangon ko kay Sayoko sabay yugyog sa kanya. "Hoy! Gumising ka naaa!" Ang hirap namang gisingin nito.

Hay, pero kahit tulog kaypogi!

"Sayoko!" tawag ko sa pangalan niya. Hinahampas hampas ko na nga siya ng unan, pero parang wala pa rin. Naiinis na ako.

"Sayokooooo!"

Nakapikit pa rin siya. "Hmmm. Ang ingay mo, sino ka ba?"

Nagulantang ako sa tanong niya. Parang niyanig ang mundo at mabilis na gumuho. Tinignan ko siya, "Sayoko hindi mo ba ako naaalala?" naiiyak na tanong ko. Niyugyog ko na naman siya. Nakapikit pa rin siya. Naninikip ang dibdib ko. "Sayoko ako to, si Aki. I'm your wife. Ako 'to, ang asawa mo. Alalahanin mong mabuti, please?" pagsusumamo ko. Nanlalamig at nanginginig na ang mga kamay ko.

Bigla siyang tumawa nang sobrang lakas at hinila ako. I landed on top of him. "How can I forget the woman who's giving me so much to remember?" bulong niya. "And I want to remind you, you're not just my wife. You're also my bestfriend, my dream come true, my happy ever after, my forever, my everything," dagdag niya habang hinahaplos ang mukha ko.

"I hate you," humihikbing sambit ko at pilit akong kumakawala sa yakap niya.

"I love you too."

"Bumangon ka na nga dyan!" Hindi ako makagalaw, mas humigpit ang yakap niya sa akin.

"Natatakot ako."

"Natatakot saan?" Dinig ko ang tibok ng puso niya habang nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya. It feels good to hear someone's heartbeat knowing that you're the reason behind it.

"Sa magiging resulta."

"Sabi mo magiging mas matapang tayo. Sabi mo bubuo pa tayo ng isang masayang pamilya. Sabi mo papalakihin pa natin ang mga magiging anak natin nang masaya, malusog at may takot sa Diyos. Sabi mo magkahawak kamay nating haharapin lahat ng pagsubok. Sabi mo sasalubungin natin ang bawat araw nang may ngiti sa labi at pananalig sa Diyos. Sabi mo walang bibitaw, anong klaseng drama yan?" Sumisinghot singhot pa ako habang nagsasalita.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. "Anong oras na ba?" tanong niya.

Tinignan ko ang relo sa side table na katabi ko. "It's 9am," simpleng sagot ko. "Tsaka, maligo ka na. Ang baho baho mo!"

Tinignan niya ako pero nakayakap pa rin siya sa akin, "Mabaho? Ako? Excuse me lang ha. Nagshower ako kagabi bago tayo matulog," depensa niya.

Binitawan niya na ako at inamoy amoy ang sarili niya. "Hindi naman ah. Grabe ka."

"Oo kaya. Kaya bumangon ka na dyan! Maligo ka na." Tumayo na ako at hinila si patayo.

"Aki naman eh. Anong bang trip mo? Ang bango ko kaya."

"Maligo ka na. Ish, ang baho mo. Go!" At tinulak ko siya papasok ng banyo.

"Sabay na tayo?"

"No," mariing sagot ko.

"Sige na, please." Nagpapacute pa.

Tinignan ko siya nang masama. "Maliligo ka na o iiwan kita dito?" I crossed my arms.

"Saan ka naman pupunta?"

"Kahit saan, sa lugar kung saan hindi kita maaamoy," pang-aasar ko sa kanya.

"Maliligo na po mahal na reyna!" Wala siyang nagawa kundi pumasok na sa banyo at maligo.

NASA parking lot na kami ng ospital. Nasa loob pa rin kami ng kotse ni Sayoko, hindi pa kami nakakababa.

Three Kinds of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon