16

221 8 32
                                    






Simula nang maging kami ni Markus, hindi na siya nagkamali. Wala siyang ginawang mali. Minsan ay napapaisip na ako kung tama pa ba 'to o sobra na.



"Grabe kayo! Ilang taon na pala kayong mag-jowa, hindi man lang namin alam. Akala lang namin pure landian." Napalingon ako kay Andrea. Napangiti ako at napailing.



"Kailan pa?" tanong ni Denver. Napawi ang ngiti ko nang mapansin na titig na titig sa akin si Denver. May galit ba siya sa akin?!



"Noong nag-swimming tayo, nanliligaw na siya sa akin. Restroom lang ako, excuse me." Tumayo ako at sumulyap kay Markus bago naglakad palayo.



Nagulat ako nang may humatak sa akin habang papasok ako ng C.R. Inis kong nilingon ang humatak sa braso ko. Binawi ko ang masamang tingin nang makita si Denver.



"K-Kayo na talaga?"



"Ano bang problema mo, Den?" I had to look up because he was taller than me. Kanina ko pa napapansin na may kakaiba sa kaniya.



"I am late, right?" He looked at me with pain in his eyes.



"Late? Saan?" Hindi ko siya maintindihan.



"I like you, Sophia. But I'll accept the truth. Be happy with Markus. He's a good man." He smiled at me but I knew that it was fake.



"You like... me?" Akala ko... Lalaki ang gusto niya?



"Yes, since college. Your friend... Si Nat? I was drunk when I kissed him. He looked pretty rin.. that's why. I'm telling you this to clarify things, not to win your heart."



"I have a boyfriend. This conversation makes me uncomfortable." I needed to tell him that. It was really uncomfortable. Bakit ngayon niya lang sinabi? "And you don't have to tell me why you kissed Nat. Sa kaniya mo 'yan sabihin dahil baka umasa si Nat..."



"I already did. Nat and I are in good terms. I'm sorry for making you uncomfortable. Can we still be friends after this? I don't want us to be awkward with each other, especially that we are workmates."



"Sure," nakangiting tugon ko.



Nang makabalik ako sa table namin, nag-angat ng tingin si Markus. He looked at me as if I did something wrong. Tumabi ako sa kaniya at pinatong ang kamay sa hita niya. I looked at him when he didn't hold my hand.



I sighed to get his attention. Pero wala siyang response! Tumayo rin ako nang tumayo siya. Sinundan ko siya hanggang sa labas ng restaurant. Umatras ako nang kaunti nang huminto siya.



"May problema ba tayo, mahal?" tanong ko.



"Denver likes you?" Paano niya nalaman? "May tinatago ba kayo?"



"Markus..." Hinawakan ko ang braso niya at pilit siyang pinaharap sa akin. "Anong tinatago? Wala kaming tinatago."



"Wala ba talaga?" With his question, I remembered how Gio treated me...



"Wala ka bang tiwala sa akin?" nanginginig ang boses na tanong ko. I pitied myself for asking that. Hindi ko naman dapat tinatanong 'yon, dahil ramdam ko na dapat 'yon.



"Ahh fuck... I'm sorry. May naalala lang ako. I was just scared.. I'm sorry, love." After almost 3 years of being together, ngayon nanaman lang kami nag-away. Puro tampuhan lang kami noon.



Our next days went fine. Walang nagbago, walang gasgas. Exactly two months from now, birthday na namin ni Markus. I am planning to give him the best gift he could ever pray for. Pero hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano 'yon. Kaya nandito ako ngayon kasama ang mama niya.



Pinakita sa akin ni Mommy Mara ang isang polo shirt. Magugustuhan kaya 'yon ni Markus? Marami na siyang damit. Alanganin akong ngumiti at umiling kay Mommy Mara. Umalis siya saglit at pagbalik niya ay may dala-dala na siya. Sunod na ipinakita niya sa akin ay damit ng baby.



"Hindi naman po 'yan magagamit ni Markus."



"Hindi naman ang anak ko ang gagamit nito, anak! Ang apo ko ang gagamit nito! Sigurado akong matutuwa si Markus." Apo?!



"Po? Apo?" Tumango si Mommy Mara sa akin at ngumiti. "Nako, mukhang malabo po 'yan!"



"Bakit naman? Ayaw n'yo bang mag-anak? Matatanda na kayo. Wala pa bang nangyari sa inyo?" Nag-init ang mukha ko nang itanong 'yon ni Mommy Mara. Shuta, nakakahiya naman kung sasabihin ko na may nangyari na! "May nangyari na, halata sa mukha mo. Is my son using protection or are you using any birth control method?"



"Wala pong proteksyon... Both sides." Namilog ang mga mata ni mommy. "Dasal lang po."



"Oh my- Really?! If you don't want to have a kid pa, you should use protection! Baka mabigla nalang kayo, may anak na kayo!"



"Mom.." Napalingon kami sa tumawag kay Mommy Mara. "Love? Magkasama pala kayo."



Bineso niya ang mommy niya bago siya humalik sa akin. Bumaba ang tingin ni Markus sa hawak ng mommy niya. Kumunot ang noo niya. Napansin 'ata 'yon ni Mommy Mara. Kumindat sa akin si Mommy at nanunukso ang kaniyang tingin.



"Who's pregnant? Who just gave birth?"



"Si Sophia-"



"What?! You're pregnant?" Hinawakan ni Markus ang tiyan ko. "Totoo ba?"



"Mommy..." Napanguso ako kay Mommy Mara. Tumawa siya at umiling kay Markus. Bumaling ulit ako kay Markus. "Hindi naman ako buntis. Binibiro ka lang ni mommy."



"Akala ko pa naman... Oh, I came here pala with Khalil. Nagpasama siya sa 'kin bumili ng gift for Karenne. I actually saw mom walking back and forth. Why are you two here? Men's section 'to and why is mom holding a baby's clothes?" Patay. Birthday gift ko sa kaniya ang ipinunta namin dito! Masyadong matalino 'tong lalaking 'to.



"I'm looking for a shirt that'll suit your dad's taste-"



"Mom, patay na si papa." Natawa nalang si Mommy Mara nang mapagtanto niyang mali ang naging rason niya. "Don't tell me, mag-aasawa ka na?"



"What? No! Loyal ako sa daddy mo! Kahit patay na siya, siya pa rin ang love ko. Your dad is so pogi kaya. Walang makakatalo sa kaniya!" Napangiti ako. Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal.



I looked at Markus and smiled even more. He's my greatest love. His eyes smiled and shined when he looked back. He gently caressed my waist while we were staring at each other.



"Baka langgamin na kayo niyan. When I was young pa, your dad would look at me like that. Ahh, that look is a look from someone who's in love." We both chuckled when Mommy Mara said that. "I hope you two will stay beside each other for the rest of your lives. Sophia, I'm not going to be here forever, I will leave my son to you. I know that you're a good person. My son loves you and I can also see that you love him."



"Mom, don't say that. You're still strong, hindi ka pa mang-iiwan." Tumango ako bilang pagsang-ayon kay Markus.



Mommy Mara smiled at us, "I love you both."



__________________________________

Bewildering Flights with you, CaptainWhere stories live. Discover now