Athena is prideful. Mahirap para sa kanya na magpakumbaba. Hindi naman nagkulang ang magulang niya sa kanya, maayos nila siyang pinalaki at tunay silang mapagmahal.
Talagang katangian niya lang ang pagiging ma pride at kung tatanungin siya ay naiinis rin siya minsan sa sarili.
"It is not my fault Laz that you never answered your phone when I called you earlier!" She snapped.
"What the heck A?!"
Mariin niyang hinawakan ang manibela ng kotse sa sobrang inis dito.
"Mahirap bang magpaalam na aalis ka? And you went to a club without me knowing A." Ngayon ay medyo malumanay na ang tono ni Laz.
Umismid siya. "Kailangan ba lahat alam mo L?"
"A!"
"Then what?!" Puno ng frustation niyang sigaw
"Anong 'what' A? Please tell me baby.."
She bit her lip as her tears brim in her eyes as she heard his soothing voice but she shook her head as if he was seeing her. Galit siya! Galit siya kay Laz dahil isa siyang taksil!
"Anong problema A? Ayokong nag aaway tayo please?"
"S-Shut up!" Sa nanlalabong panigin ay tumingin siya muli sa daan para lang mapasigaw ng may dumaan na aso.
"A! Whats happening?!"
"Shit!" Agad niyang iniwasan iyon. Kamuntikan na siyang na bangga sa poste ngunit agad siyang nakaiwas.
"Baby! Athena! What that?!" Rinig niya ang galit at nag aalalang boses ni Laz sa kabilang linya.
All her frustation and bottled up feelings suddenly exploded. Marahas siyang napahikbi.
"D@mn you Laz! I hate you!" Galit niyang tinignan ang cellphone.
"Baby please? Nasaan ka? Mag usap tayo. What happened? Are you driving? D@mn be careful!" Bakas na rin ang inis sa boses ni Laz.
"No! Hindi na tayo mag-uusap Laz! I am breaking up with you! Manloloko ka!" She shouted. Galit na galit siya kay Laz dahil sa kagaguhan nitong nabisto niya.
"A-Athena what the fvck?! No! Walang maghihiwalay! Hindi ako papayag!" Pagak siyang natawa.
Malapit na sana siyang maniwala sa pinag sasabi nito kung hindi niya lang ito nabisto.
"Gago! Matapos mong makipaghalikan sa girl bestfriend mo?! You thick face! Magsama kayo ni Diana mong malandi! Hindi ka kawalan!" Hilam siya sa luha niya habang mahigpit ang kapit sa manibela.
Huh! She was thankful she went to that club! Kung hindi ay hindi niya mabibisto ang kabulastugan ng nobyo.
"Anong sinasabi mo Athena hindi ako---"
"Shut up Laz! Bistado na kita! Kaya pala hindi mo masagot sagot ang tawag ko? dahil nagpapakasasa ka pala sa halik ni Diana?!"
"N-No you are wrong hindi ako ang---"
"No! I saw it Laz! Witho my own two eyes! Alam mo magsama kayo! L-let's break up Laz..."
That's right. Uunahan niya na ito. Sje is too prideful to let them fool her under her back.
Hindi siya magpapaka tanga kay Laz.
"B-Baby please listen. I love you let's not break things between us huh? Nagseselos ka lang. M-magpapaliwanang ako, hihintayin kita." Maririnig ang may halong kaba sa boses ni Laz.
Pero sino bang may kasalanan? Si Laz naman diba? Siya ang nagpahalik sa ibang babae kaya dapat niya ng tapusin ang lahat sa kanila.
"Maghiwalay na tayo Laz. Hindi ko kailanngan ng isang katulad mo." Buong boses niyang saad.
She can hear her heart breaking from within. Para niya ng sinasaksak ang sariling dibdib.
"N-No baby!
"Yes we are! You and Diana can kiss all you can! I won't c-care!" Her voice broke.
Nanlalabo ang panignin niyang tumingin sa daan. Binabagtas niya ang kahabaan ng kalsada. The cold breeze of Bagio City seems to be perfect but it isn't what she feels right now.
"Hindi ko siya hinalikan Athena! She kissed me, she was drunk--"
"I don't care!" Mas lalo lamang nadagdagan ang galit niya sa pag rarason nito.
She saw how their lips touched and how his hands snaked on Diana's waist.
"H-How dare you Laz? Ang paalam mo ay may pupuntahan kayo ng mga kaibigan mo pero doon ka pala sa putang inang Dianang iyon pupunta?!" Pagmumura niya sa sobrang galit na nararamdaman.
When she saw how how Diana kissed Lazaro, her blood curl. Akmang susugod na siay nang magsigawan ang mga kaiuman ng mga ito at halos madurog siya ng pumulupot ang kamay ni Laz sa baywang ni Diana.
Her rage turn into weakness state. Pakiramdam niya ay nanlambot ang kanyang mga tuhod.
Gusto niyang sugurin at pagsusumbatan ang mga ito pero napigilan siya ng kanyang pride.
If Lazaro can cheat on her then she can too! Walang ano ano'y humila din siya ng lalaki at basta basta na lang din hinalikan pero hindi nagtagal at agad din siyang humingi ng tawad sa lalaki.
Nagmamadali siyang tumakbo palabas ng club. Narinig niya pa ang pagtawag sa kanya ng kaibigang si Rose na nakalimutan niyang kasama niya pala.
The moment she stepped out of the club, she was so sure to break things up with him.
"Baby please listen, maaaksidente ka sa ginagawa mo! I love you, it is just Diana was drunk, she was about to fall on the floor kaya ko nagawa iyon. It is not what you think! Please!"
She was so sure to break up with him but hearing him right now atleast made her anger subdue a little. Just a little.
But it was partly his fault. Ilang beses niya na ba itong sinabihan na layuan na si Diana?
"I told you to get away from that bitch in the first place Laz!"
Narinig niya ang uyam na tawa ni Laz sa kabilang linya.
"How about you huh? Don't you think I did not saw you kissed a guy?"
Napaawang ang labi niya. "You mean I'm a bitch?"
She is like a solution in a bottle in an experiment lab. Kaunting alog na lang ay sasabog na siya.
"N-No, hindi iyon ang ibig kong sabihin A, mahal na mahal kita kahit humalik ka pa sa ibang lalaki." He was crying and she can hear it.
"Patas lang tayo Lazaro. Patas lang." She gritted her teeth.
"I'm sorry baby please? Mag-usap tayo. Lalayuan ko na si Diana.. I'm begging you A, please... I love you."
Lazaro is sweet. He is the perfect boyfriend for her but that does not mean perpekto ang relasyon nila. Madalas din silang mag away at si Laz palagi ang unang nakikipag aayos sa kanya. Madalas din si Diana ang pinag uugatan ng away nila.
Huminga siyang malalim saka nag tiim bagang.
Bakit niya ba hahayaan ang Dianang iyon na sirain sila?
"Athena baby please.."
"F-fine.." Her cheeks heated up. It is so hard for her to lower her pride after all.
Narinig niya ang buntung hinga ni Lazaro sa kabilang linya.
"I love you A, always remember that."
Something thug in her heart.
"I love you too---" Nasilaw siya sa paparating na isang truck.
Gaano ba kalalim ang iniisip niya at hindi niya napansin ito?
"L-Laz..."
"B-baby anong nangyayari?"
"L-Laz mahal na mahal kita..." She did her best to stepped on the break but the truck is already meters away from her.
"L-Laz mahal na mahal kita..." Huling bigkas niya bago maramdaman ang malakas na pogsalpok ng kinasasakyan sa truck.
***
@Dauntless_Pen
BINABASA MO ANG
VIVID (Indomitable Hearts Series 2)
RomanceAthena decided to end things with Laz when she lost her memories. Hindi niya maramdaman ang pagmamahal na para sa lalaki na sinasabi nila sa kanya. One accident and he became a total stranger to her and she was okay with that. But now her memory is...