Tinitigan ko ang puting damit na nakalagay pa rin sa kahon. Ang mga daliri ko ay naglakbay sa damit. Pinakikiramdaman ko kung babagay ba sa 'kin itong damit na 'to, malambot siya pero madulas ang tela, a dress made in silk fabric. Inialis ko sa kahon ang damit, susukatin ko.
Hindi siya umabot sa tuhod ko, malayo siya sa above the knee. Inikot ko ang malaking kwarto na ito, hinahanap ko kung nasaan ang banyo. Akala ko bakanteng kwarto ang nakita ko kanina, nakabukas pa man din ang ilaw. Nilapitan ko at pinasok, banyo pala.
Simple lang ang design ng lugar na ito, kung ang labas nito ay puro pula ito naman ay puti. May shower enclosure at sa tabi ay may tub. Sa tabi ng sink ay may nakatuping puti na towel, may body and bath works.
Muling nilakbay ng tingin ang kwartong 'to, baka may bintana... kahit maliit basta pwede kong gawing daan palabas sa lugar na 'to. Bumagsak ang balikat ko ng mabigo. Walang kahit anong butas ang lugar na 'to.
Pinagdikit ko ang dalawang palad ko, tulad sa mga nagdadasal sa loob ng simbahan, at nag-angat ng tingin. "Kayo na po ang bahala sa 'kin..." sambit ko.
Suot-suot ko na ang dress na halos kinulang sa tela. Hinahawakan ko ang laylayan ng damit, pinagpipilitan na umabot ng tuhod. Nagclick ang pinto kaya napaatras ako sa madilim na sulok ng kwartong 'to.
"Dude, your dick will be the happiest thing tonight"
"Tangina mo, Castillo!"
"When was the last you had sex?"
"Bro, that was six years ago."
"Gago! last month lang!"
Malakas na hagalpakan ang narinig ko mula sa labas. Sunod-sunod kong nalunok ang laway ko. Hindi lang isa ang papasok sa kwartong 'to, mukhang marami sila...
Nakaramdam ako ng takot ng may naaninag akong pumasok. Nakaponytail ito tulad ng kay Ariana grande. Kahit na babae pa ang pumasok...hindi nawala ang takot ko, mas bumigat pa ang pagtibok ng dibdib ko.
"Kahit anong tago mo, nakikita pa rin kita." sambit ng isang pamilyar ang boses. Hindi ko lang mabanggit kung sino.
Napalunok ako ng marinig ko 'yon. Ang yabag ng mga paa niya ay naririnig ko at palakas ng palakas ang yabag habang papalapit siya sa pwesto ko.
"Ikaw naman... bakit ka nagtatago sa sulok? Ang ganda-ganda mo." sambit ni babaeng masayo ng makalapit sa kinatatayuan ko.
"Alam ko."
Tumatanggap naman ako ng compliment pero kapag galing sa mga taong katulad niya, sa kaniya nalang, mas kailangan niya ng compliment"Gorgeous, gorgeous girl...such a good girl," pumalakpak ito, nakalabas ang ngipin niyang ubod ng puti "Dapat ganito sa mga susunod na araw para wala tayong problema. Magandang lalaki nga pala ang unang kliyente mo, kaya galingan mo." bilin niya at naglakad palabas.
"You may in. Batang-bata at fresh pa ang makakasama mo."
"Enjoy!"
May isang matangkad ang pumasok, hindi ko makita ang mukha dahil tumama ang liwanag sa mukha niya. Sa pagsara niya ng pinto, bumilis ang kabog ng dibdib ko.
"Hi?"
from a deep manly, silky voice.Hindi ako umimik, gumalaw sa kinatatayuan ko. Pinapakinggan ko lang ang mabibigat na pintig ng dibdib ko.
"Why you're not talking? Are you mute?" he asked, annoyance present in his voice. He walked towards mine.
"Please... huwag kang lalapit...Parang awa mo na" nabasag ang boses ko, sunod-sunod na nagsigpatakan ang mga luha ko.
YOU ARE READING
Scream of Affection
General FictionTwo different person who had to deal in affliction. Same pain but not same scene.