🌸TVMAE 17🌸

489 48 0
                                    

♡Dedicated to golden_wie

CHAPTER SEVENTEEN:

Second Day

ELLE POV


"Saan na tayo niyan?" Tanong ko sa kanila habang naglalakad kami palabas sa simbahan. May simba kasi dahil ngayon ang fiesta nila rito. Grabe ang bongga ng fiesta nila rito, lakas makasabit ng mga nagkukulayang bandaritas, tapos ang mga tao rito mababakas mo talaga na masaya sila, excited at nagkakaisa sila.

"'Di na kayo magbibihis?" Tanong ni Annah. Naka-simple floral dress lang kami at naka-pump shoes. Okay na 'yan, puwede na 'yan igala.

"'Wag na, arat gala na tayo," sagot naman ni Jane na sobrang excited na. Siyempre ako excited na rin, may mga activities daw doon sa sentro ng lugar nila kaya goraaa!!!

"Mga ate sama na lang kami sa inyo," kalabit sa amin ni Makoy at Jannah. Owshii ang cute talaga nilang dalawa, magkakapatid talaga sila kasi makikita sa mukha nila ang pagkapareha. Sana all kasi may kapatid, kung 'di niyo alam nag-iisang anak lang ako, how sad.

"Oo naman, kayo nga magdadala sa amin do'n eh," tugon ni Jane at ginulo ang buhok nilang dalawa. Awiitttsss.

"Nay, tay punta na agad kami do'n, manonood na kami ng banda," paalam ni Lyn sa kanila ni Tatay Eddie at Nanay Arlyn, sabi kasi nila na tawagin na lang din daw namin sila ng kung ano ang tawag sa kanila ni Lyn. Buti na lang wala silang gano'n ka dami na mga tanong. Thank you Lord.

"Sige, huwag mong pabayaan 'yang mga kapatid mo, uuwi na kami diretso sa bahay may bisita rin 'tong tatay mo na darating," sagot naman nito kay Lyn. Siyempre nandito naman din kami para bantayan 'tong mga cute na bata.

"No worries din po nay at tay, nandito naman din po kami, 'di namin pababayaan sina Makoy at Jannah," eksena naman ni Annah. Oo nga naman.

"Ahh sige basta mag-ingat kayo lalo na at mga dayo kayo rito," sabi na lang ni nanay. Kaya nga dapat maging observant kami kasi first time namin sa lugar nila baka kung anu-ano ang kababalaghan, 'wag naman grrrr!

Siyempre dahil din, na ngayon lang kami nakaapak dito, naagaw namin ang mga pansin ng mga tao rito, napapatingin lagi sa gawi namin kaya nga nakaka-bother eh.

"Oo nay, kayo rin ingat kayo ni itay," paalam na ni Lyn at tinanguan naman nila kami. Tumalikod na kami at tinahak ang iba't ibang direksyon.

Klase-klaseng mga tao ang nasasalamuha namin, napapatingin sa amin at siyempre naman 'di mawawala ang mga lahi ni Aling Marites pfft HAHAHAHAHA, nagbulong-bulungan kung ano ang latest happening sa baranggay BWAHAHAHAHA.

"Inday Lyn, ikaw ba iyan?" Napahinto kami sa paglalakad ng may isang nanay na rin ang humarang sa daanan ni Lyn.

"Ayyy Nanay Soling, kayo pala, oo nay ako po ito," magalang na sagot niya rito sabay abot ng kamay para magmano.

"Naku mas lalo kang gumanda Inday, kailan ka pa ba nakauwi?" Tanong nito habang sinusuri si Lyn mula paa hanggang ulo, naku talaga.

Nasa likuran lang nila kami habang pinapanood silang dalawa. Bakas na bakas na sila ay malapit na magkakilala.

"Noong nakaraang araw pa po," tugon ni Lyn na nakangiti. Grabe pala mga tao rito lakas maka-entertain sa mga tao.

"At sino naman 'tong mga kasama mo? Taga-siyudad ang mga ito ahh," pansin niya sa amin at iniisa-isa kaming tiningnan, ngumiti na lang kami sa kaniya at nagmano rin kagaya ng ginawa ni Lyn at sumunod naman sina Makoy at Jannah.

The Virgin Mother At Eighteen ✔ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon