Ako si Ram 22 years old nakatira sa Bayan ng Apalit sa probinsya ng Pampanga.
Panganay ako sa aming magkapatid, actualy dalawa lang kami at ako nga ang panganay. Year 2010 nung makilala ko si April sa isang Mini-Eyeball ng isang clan na naganap sa isang kalapit bahay. Dumating ako na nag iinuman sila, medyo nalate ako. Hehe!
At yun yung 1st time ko na makipag meet sa kanila, nung una medyo shy type pako pero nung kalauna'y medyo nakaka usap ko na sila lahat. Habang nag iinuman kami, bigla kong nahuli ng tingin si April na nakatitig sakin, at sa t'wing mahuhuli ko sya ng tingin e bigla nyang iaalis ang kanyang mga titig. Nung mga sandaling yon ay di ako nag isip ng pangit o anumang pangit na kahulugan sa bawat titig nya. Ang tanging nasa isip ko lang ay, " Baka bago lang ako sa paningin nya " gawa ng di naman kasi talaga ako mahilig makipag Eyeball, besides, bago lang din naman ako sa Clan na yun.
Lumipas ang ilang linggo at ilang buwan ay napapadalas ang session o ang inuman ng clan, siguro 2x a week. Hanggang sa madalas ko na ring nakaka-pm ( Personal Message ) si April. November 1, 2010 ng gabi ay inivite nya ako sa bahay nila para dun na mag dinner. Medyo nalate din ako ng dating dahil Araw 'yon ng mga Patay. Dumating ako dun mga 9 or 10 pm ng gabi. Nung panahon na yun ay medyo umaambon pa..
Nauna na pala syang kumain noon sa dahilang di nya na ata matiis ang gutom. Haha!
Habang kumakain ako ay nakikipag kwentuhan sya sakin, hanggang sa matapos ako ay puro tawanan nalang ang nangyari at kwentuhan tungkol sa mga nakaraang inuman ng tropa. Nagpahinga lang kami sandali at nakaramdam na ako ng antok sapagkat maghapon din kami na nasa sementeryo nung araw na yun. Kaya't nag-aya na 'kong magpahinga. In short, mag i-sleep over ako sa kanila. Hahaha!
Kaibigang matalik lang ang turing ko sa kanya nung mga panahon na yun. Kahit madalas na napagkakamalang mag ON kami dahil lagi kaming magkasama. Hanggang sa bawat paglipas ng araw e, napapansin ko na na, parang may special treatment na syang ginagawa sakin. Parang feeling ko e, may gusto na sya sakin. Oo yun na yung nararamdaman ko pero di ako ganun kasigurado. Natatakot akong mag take advantage dahil baka mali ako at sabihan nya kong assuming. Hanggang sa lumipas nanaman ang mga araw na mutual lang ang nararamdaman namin sa isa't-isa.Isang araw bigla ko na lang naramdaman na mahal ko na pala sya. Sa t'wing makikita kong may kasama at kakwemtuhan syang lalake at nakakaramdam na ako ng selos at inis na alam kong nararamdam ko lang dapat yun pag mahal ko ang isang tao.
Mahal ko na nga ata si April.
Dumating nanaman sa point na matutulog ako sa kanila at dun ay may nangyari samin ng di namin namalayan sapagkat parehas kaming nadala sa bugso ng aming damdamin. Nung gabi din na yun ay umamin kami sa isat-isa at dun nagumpisa ang relasyon namin bilang magkasintahan. Ang sarap sa pakiramdam nung alam nyo na mahal na mahal nyo ang isa't-isa. Naging ayos ang aming relasyon ni April. Habang tumatagal ay lalo naming minamahal ang isa't-isa. Habang tumatagal ay lalong tumatamis ang aming pagsasama. Mag iisang taon na ang aming relasyon bilang magkasintahan nuon ng bigla nalang kaming nagsawa sa isa't-isa. Nagsawa ng walang dahilan nanlamig ng walang sinumanginvolve. Walang third party and whatsover. Naghiwalay kami October 2011 kung hindi ako nagkakamali 1 month bago namin icelebrate ang aming 1st Aniversary.Nagdaan ang mga araw at taon na wala kaming communication ni April. Nagkaron ako ng mga karelasyon subalit di nagiging succesful or di nag wowork out. Sa panahon kasi ngayon, mabirap na makahanap ng taong seseryosohin.
Nandun yung naaalala ko si April everytime na magpfail ako sa isang relasyon. Nandun yung time na nagsisisi ako. Pero sabi ko wala na naman akong magagawa dahil feeling ko matagal nakong nakalimutan nun tsaka siguro meron nang Syota yun ngayun.Minsan nainvite ako sa isang Birthday Party. Birthday ng inaanak ko. Kahit na nagkataon na sobrang hectic ng sched ko, pinilit ko paring makapunta dahil matagal tagal na rin kaming di nagkikita ng mga kabigan ko. Ang nanay ng inaanak ko ay isa sa pinakamatalik kong kaibigan ko at yun ay si Marie.
Gabi na ng makarating ako sa party. Nag iinuman nalang sila ng mga oras na yon at ang iba ay halos pauwi na. Habang bumababa ako ng hagdan ay kahat sila nakatingin sakin at sinalubong ako ng dalawa sa kaibigan ko na tuwang tuwa na may kasamang yakap.
Pare long time no see! Kung di pa pala mag bebirthday tong inaanak natin e di ka magpapakita samin! Hehehe!
