5.) CEO's Lady Bodyguard

403 18 2
                                    

Seryosong ini-scan ni Travis San Diego ang mga papeles sa kanyang mesa. Ito ang mga bagong deal na natanggap ng kanilang kompanya para sa buwan ng Abril. Siya ang nag-iisang tagapagmana ng San Diego Corporation at tumatayong CEO ngayon.

"Sir, narito po si Mr. Balderama." Pukaw ng kanyang sekretarya mula sa intercom.

"Papasukin mo," sagot niya.

Hindi nagtagal, narinig niya ang pagbukas ng pintuan. Tumayo naman siya at sinalubong ang panauhin.

"Good afternoon, Sir." Bati ng lalaki sa kanya.

"Maupo ka, Mr. Balderama," paanyaya niya rito.

Umupo sila sa kanyang luxurious sofa set sa loob ng kanyang opisina.

"Nakahanap ka na ba ng mapagkakatiwalaan na tao?" Tanong niya.

"Yes, Sir. Actually, darating siya ngayon. Medyo, na-late lang siya."

"Sigurado ka bang maaasahan ang taong 'yon?"

"Gustav Security Agency proved it, Sir."

"Did my parents know?" Muli niyang tanong.

"Tulad ng utos mo, hindi po nila alam."

Huminga ng malalim si Travis. Kung hindi lang sa sunod-sunod na pagtatangka sa kanyang buhay, hindi siya kukuha ng bodyguard. Ayaw naman niyang sabihin ito sa kanyang mga magulang dahil siguradong mag-aalala ang mga 'yon.

"Excuse me, Sir. May bisita po kayo. Ara Fuentes daw po," sambit ng kanyang sekretarya na naghatid ng inumin sa kanila.

"Siya na 'yon, Sir." Sambit ni Mr. Balderama.

Kumunot ang noo ni Travis ng marinig ang pangalan ng isang babae. Baka naman pambabae lang ang pangalan ng bodyguard niya.

"Papasukin mo," utos niya sa sekretarya.

"Narito na po ako!" tumingin siya sa bagong pasok na babae.

"Did you get a girl as my bodyguard?" Seryoso niyang tanong sa lalaki.

"According to Mr. Gustav, siya po ang isa sa magaling nilang miyembro." Paliwanag nito.

"Paano ako maniniwala? Look at her! She's too thin. Paano niya ako mapoprotektahan? Baka ako pa ang magprotekta sa kanya!"

"Ay, Sir. Madali lang po 'yan. Mabilis ka bang tumakbo? Mabubuhay ka kung mabilis kang tumakbo!" Sagot naman ng babae. Umupo ito sa katabi niyang upuan at kinuha ang tasa ng kanyang tsaa. "Painom ah. Ang layo kasi ng nilakad ko papunta rito kaya nauuhaw na ako."

Hindi makapaniwala si Travis sa nasaksihan. Hindi ganito ang inaasahan niyang bodyguard na kukunin ng kanyang tiyuhin na si Mr. Balderama. Kapatid ito ng kanyang Ina sa mother side at ito rin ang nagsisilbi niyang personal assistant.

"Sigurado ka ba rito?" Baling niya sa tiyuhin.

"Yes, Sir. Maganda po ang records and reviews sa kanya ng clients at mga kasamahan niya."

Muli niyang binalingan ang babae. Nakasuot lang ito ng jogger jeans, rubber shoes at simpleng baby blue shirt.

"Ang init pala nito. Miss pwede mo ba akong ikuha ng malamig na tubig?" Itinaas pa nito ang kamay sa kanyang sekretarya na parang umoorder sa isang restaurant.

"S-sige po, Ma'am." Atubili namang umalis ang kanyang sekretarya.

"Ang sarap naman dito. Ang lamig!" Masaya nitong sabi.

Namilog ang mata ni Travis ng ipatong nito ang paa sa ibabaw ng coffee table. Napangiwi pa siya ng makitang butas ang rubber shoes nito.

"Are you sure of this?" Muli niyang tanong sa tiyuhin.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon