"Rise and shine! Good morning, Sir! Handa na po ang almusal!" Malakas na boses ni Ading ang umalingawngaw sa tainga ni Duncan pagbaba niya sa kwarto.
Bahagyang pumikit si Duncan at hinilot ang kumirot na sentido. Madaling araw na siyang nakauwi mula sa dalawang araw na taping pero ang nakakarindi nitong boses ang sumalubong sa kanya.
"Lumayas ka sa harapan ko." Galit niyang utos dito.
Malawak itong ngumiti sa kanya, "Okay, Sir!" Masigla nitong sabi at gumilid sa daraanan niya.
"What are you doing?" Malakas niyang tanong. Hindi naman ito natinag sa pagkakatayo sa halip ay mas lumawak ang ngiti nito.
"Na sa gilid na ako, Sir. Wala na sa harapan mo,"
"Niloloko mo ba ako?"
"Loyal po ako Sir at hindi manloloko,"
Naiinis niyang nilampasan ang babae at kinuha ang kanyang phone sa bulsa.
Naramdaman naman niyang sumunod ito kaya muli niya itong binalingan. Muntik pa itong bumangga sa likuran niya dahil sa bigla niyang pagtigil pero ngumiti lang ito.
"Huwag mo akong susundan!" May pagbabanta niyang sabi.
"Okay, Sir!" Energetic pa rin nitong sagot at mabilis siyang nilagpasan.
Nakahinga ng maluwag si Duncan pero natigilan siya ng muling humarap sa unahan. Nakatigil doon si Ading.
"Anong ginagawa mo riyan? Umalis ka sa harapan ko!"
Gumilid ulit ito pero ng humakbang siya ay sumabay ito. Frustrated na ginulo ni Duncan ang buhok. Gustong-gusto na niya itong tirisin sa sobrang bad trip.
"Huwag kang sumabay sa'kin!" Pakiramdam niya lahat ng dugo ay umakyat na sa kanyang ulo.
"Ang gulo mo, Sir." Kamot-ulo nitong sabi. "Sabi mo umalis ako sa harapan mo, pero nagalit ka ng gumilid ako. Tapos, sinabi mo rin na huwag kitang susundan pero nagalit ka naman ng sabayan kita. Sir, may problema ka ba sa utak?"
Mas lalong nadagdagan ang init ng ulo ni Duncan sa tanong nito. Walang sinuman sa naging personal assistant niya ang may lakas ng loob na magtanong sa kanya ng ganoon kundi ito lang.
Madiin na pinindot ni Duncan ang numero ng kanyang Manager.
"Duncan, ang aga mo naman tumawag. May problema ba?" Tanong ni Mr. Alegro, ang 50 years old niyang manager.
"Fire her," sagot niya.
Narinig niyang tumawa sa kabilang linya si Mr. Alegro. Tinalikuran naman niya ang babae at nagtungo sa labas. Tumigil siya sa harapan ng pool.
"Si Ading na naman ba ang problema mo? It's been a month ng magtrabaho siya sa'yo, hindi ka pa ba nasasanay?"
"Bakit siya ang kinuha mo? Marami namang iba dyan. 'Yung may common sense at hindi kagaya niya!" Muli niyang reklamo.
Araw-araw na ata niyang tinatanong iyon sa kanyang manager. Hindi naman ganoon ang mga kinukuha nitong assistant niya noon, pero biglang nagbago ang taste nito sa pagpili ng alalay niya.
"Mas pabor ako kay Ading. Magaling siyang magtrabaho. Kumpleto ang mga report niya tungkol sa'yo at isa pa, wala akong inaayos na issue tungkol sa'yo at sa assistant mo."
"Paano kami magkaka-issue ni Ading? Hindi ko type ang babaeng ganun! Pananamit pa lang, bagsak na! Masyado siyang makaluma."
"That's the reason why I choose her, para naman mabawasan ang sakit ng aking ulo. And by the way, may nakakita sa inyo ni Greia na nag-hotel kahapon. I need to go, Duncan. Aayusin ko pa ang issue na 'yon. Bye!"
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomRead full Story every chapter. 1.) Pestering her Boss 2.) In Love with your Photograph 3.) My First Love Gift 4.) Billionaire's Substitute Bride 5.) CEO's Lady Bodyguard 6.) My Annoying Assistant 7.) My Gay Housemate 8.) The Runaway Bride meets Badb...