Mr. J

0 0 0
                                    

So ayun na nga. . . kung curios kayo kung bakit ako nandito, maglalabas lang naman ako ng hinaing tungkol sa lovelife ko.

Jovan, John/Jhon/Jhonny, JC, Jed, Jaylord, Jaypee, Jade, JP, at Jeremy . . . tunog mga manloloko, paasa, ghoster no? Trauma lang naibigay sakin yan.

Yan lahat ng J na dumaan sa buhay ko, iniwan akong umiyak, nabaliw, nakatulala at kung ano oang kagagahan na nagbigay ng trauma sakin. . .

Kaya nga sabi ko sa isip ko "Dzhai! Ayoko na ng J, nakakasawa eh, nakakapagod din. . ."

Hindi ko pa nga pala naikukwento yung unang taong nagbigay sa akin ng trauma. . . Si Jovan. . .

Siya ang unang nagchat sa akin eh, chinat back ko naman kasi mabait akong tao. . . Nakipagkilala kami sa isa't isa, yung normal lang kung magmeet ang dalawang tao. Dumaan ang mga araw na palagi kaming magka-usap. . . Alam mo yun? Yung sweet-sweetan, yung tipong "Kumain kana?", "Eat well", "Good night" may paheart heart pa!

Aba! Sinong hindi mahuhulog non? O sadyang marupok ako? Hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil mabait at sweet siya. Pero. . .

Isang araw, nagkainitan na lang kami. Yung palagi kaming nag-aaway, napagsasalitaan namin ng masama ang isa't isa. . . Gabi-gabi iniyakan ko siya. Hanggang sa naputol na ang ugnayan namin.

Malalaman ko na lang may girlfriend na siya!

Saklap no?

Buti nakamove on na ako. . .

Sina Jhon, JC, at Jed naman. . . Akala ko happy crush lang sila pero dzhai! Bakit ako nagseselos pag ang sweet sweet nila sa mga kaklase kong baabe? Tapos isang araw malalaman kong nanliligaw na sila sa mga gusto nilang babae?

Dzhai!!! Ayoko na!!! Grrr!!!

Alam mo yung pangiti-ngiti ka na lang kasi naiingit ka?

Pero nakamove on na ako sa kanila. . .

Ngayon namang pandemya, so maraming mga nagcha-chat sakin. Pero pansin ko lang din kasi lahat J! Haaay!!! Kaloka mga dzhai!

Hindi ko na pinansin sina Jade at Jaypee. . . Pero nakakaloka din si Jade eh. Aba! Sinabi ba namang pwedeng manligaw e hindi ko naman kilala!

Si Jaylord! Naku dzhai! Parehong-pareho sila ni Jovan! Naghost ako dzhai! Yung masaya kaming magka-usap. Yung ako si marupok at siya naman si pa-fall. Tapos biglang magsstop magchat at malalaman kong may girlfriend na siya!!!

Sabi ko, "Kami-sama!!! Ayoko na talaga sa mga J! Bakit ako marupok? Ayan tuloy umiiyak ang puso ko!"

Si Kuya JP, wala naman akong problema sa kanya, friends lang kami. . . Masaya kausap. Sa wakas meron akong natagpuang matinong J!

Eto naman si Jeremy. HAHAHA! Hindi mo na ako maloloko ngayon!

So ayun na nga, bago pa ako mauto. Ako na ang nang-uto. Ako si pafall at siya si marupok. Hehehe. . .

Hindi niyo naman ako masisisi dahil sa mga pinagdaanan ko sa mga J. Nakakatrauma eh. Kumbaga defense mechanism ko na yun.

At tsaka, halata naman kasi si Jeremy na nanloloko eh. Hindi tugma yung mga sagot niya kapag nagtatanong ako tungkol sa kanya. I could say he deserved it.

Haaay! Buhay nga naman.

Akala ko tapos na ako sa kamay ni J. . . pero hindi pa pala.

Yung taong may gusto sakin. . . Mabait, sweet, caring, at nandyan sa tabi kapag kailangan ko ng tulong siya si Ivan. . . Nakita at nakilala ko noong face to face class namin, classmate ko siya.

Pero nung matapos na ang face to face class? I felt bad for him kasi hindi ko mahanap yung click para magustuhan ko siya. . . He's too good for me, walang rason kung bakit hindi ko siya magustuhan, I tried to like him pero wala. . . Nag-uusap parin kami ni Ivan, I warned him so many times but he said "No, I'll stay no matter what happens. . ."

That melt my heart but at the same time I felt guilty kasi nagugustuhan ko yung kaibigan niya si Joshua.

Si Joshua dzhai!

He's tall, handsome, sweet and kind. Definitely my type! Tapos nursing ang kukunin niyang kurso. I can't help but to like him more!

And now, at the present time. . .

Nakapalumbaba lang ako, iniisip ang nangyari kahapon. I messed up! Big time!!!

Nasa classroom kami non, tumatambay dahil pasaway kaming mga estudyanye. Syempre nandoon sina sir at maam. Naka-upo lang kaming lahat habang hinihintay ang meryenda namin. Nang dumating ang meryenda, siyempre gora agad diba? Mga buraot ei!!!!

And that was the stupid of me! Bakit ba kasi ako nagsandal!!! Hindi ko alam kung bakit ganon pero natisod ako bigla!

I fell into his arms. . . si Joshuaaa!!! And. . . Accidentally our lips met.

Dzhai!!! Nagkiss kami!!!

Huhuhu! SIYA ANG FIRST KISS KOOOO! Waaahh!

Sa gulat ko na lang ay natulak ko siya at nasampal. Walang lingunan kinuha ang mga gamit ko at tumakbo pauwi ng bahay.

Pero dzhai! Ang swerte ko ah! First kiss ko siya?

Kung tatanunhin niyo kung nagsawa na ako sa J? Mukhang hindi pa dzhai! Meron pang isa si Joshua! Wala akong paramdam sa group chat namin.

Pinatil ko na din si Ivan sa panliligaw sakin. . . I actually felt bad for him really.

Ngayon, napapangiti na lang ako kapag naaalala ko ang aksidenteng halik na yun.

"Mr. J? Can you be the right Mr. J for me?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. J [Oneshot Story]Where stories live. Discover now