Chapter 8

0 0 0
                                    

"Finally na meet na din kita Eanna." Si Jaime na bisita ni Resty sa bahay nila para sa inumang plano nito.

Tantiya ni Jaime ay nasa 5'1'' ang dalaga. Fresh graduate at halos kasing kulay din ni Resty, opposite ni Shelly. Katamtaman ang pangangatawan at halatang alaga sa diet.

"Kumusta naman kayong dalawa?" Tanong pa ni Jaime kay Resty na halos napasulyap sa bagong kakilala.

"Gusto ni Ninong sa opis nila muna ako mag work while waiting to take my board. Baka daw mainip ako." Sagot ni Eanna.

"Kung hindi ka magiging teacher e talagang pwede kang maging worker sa family business nila. Hindi ba Pare?" Sabay tapik sa kaibigan.

"Ah oo naman malakas iyan kay Dad." At natawa si Resty.

"Naku maiwan ko muna kayo, Hinihintay na ako ni Manang sa loob." paalam na ni Eanna.

Tumango lang si Jaime bilang tugon.

"So anong latest sa feelings mo?" Tanong kaagad ni Jaime sa kaibigan nang nakalayo si Eanna.

"Maaarte talaga ang mga babae. She wants to maintain her body healthy raw mag exercise at gusto laging naka pustura." Nailing na si Resty.

"Kaya naaagaw ng iba." Dagdag pa nito.

"Lumalayo tayo sa punto eh. Iyong feelings mo kako. Ano bang totoo mong nararamdaman habang nagkakalapit kayo?" Interesado pang tanong ni Jaime.

"Pwedeng maging wife, ako na talaga ang pinakamaswerteng tao sa mundo Jaime. Iba iba talaga ang mga parents natin. Dad prepares everything for me at walang kahirap hirap kong nakuha ang lahat ng ito. Sa career, sa future wife. May mahihiling pa ba ako?" Pahayag pa ni Resty.

"So siya na?" Paniniguradong tanong pa.

"Nasa loob na ng bakuran ko at nakapasok na sa mundo namin, may magagawa pa ba ako e halos ipagduldulan na ni Dad sa akin, na kesyo ang pag ibig napapag aralan iyan, bigyan lang ng magandang timing para umayon sa lahat ng gusto nating mangyari. Na alam ng ama kung sino ang nararapat para sa mga anak dahil kahit kaylan hindi ipapahamak kaya hinahanapan ng lahat ng paraan." Pahayag pa ni Resty.

"Huwag ka namang mukhang napipilitan lang Resty. Mag effort ka din sa lahat ng ginagawa ni Tito sa iyo. Ganoon talaga tanggapin natin sa ating mga sarili na may kanya kanyang istilo ng paggabay ang mga magulang, may ibang unfair at pakiramdam natin dehadong dehado tayo pero sa isang banda tama din sila.  Alin ang pagkawasak mo noon na muntik ka na ding tuluyang masiraan ng loob sa positive outlook in life." Explain pa ni Jaime.

"Masaya ang parents ko sa aming dalawa. Dad wants me to have my own child, mukhang hindi naman talaga priority na makapasa sa board. Kesyo tumatanda na sila at baka pwedeng makasal na kami kaagad." pag confirm pa ni Resty.

"Then why not, mahirap mag isa Pare. Best man ako ha" Masaya ito para sa kaibigan.

Nailing na lang si Resty.

"Ipinaubaya mo na ba talaga sa akin si Eanna, pwede ka pang humabol." Tawang sambit sa rules nila.

"Ano ka ba Resty, hindi na magbabago ang gusto kong makasama sa buhay at alam mo naman kung sino ang babaeng iyon. I like Amihan period. I brought her in the corner to ask my assurance about us." Pag amin pa sa huling usapang naganap.

"So tama nga ako sa buong huling araw ninyo." Pambubuko pa ni Resty.

"Mahirap kasi iyong sitwasyon namin dahil malayo pa kami at iyong status nong Jeth na iyon, wala pang formal closure so gusto ko lang malaman iyong side ko if ever, baka naman manuyo lang ako sa lukan kung magpapatuloy ako, siguro nga sigurista na ako at iyon ang gusto ko kay Amihan, prangka. Kung anong nasa isip sinasabi masaktan na ang masaktan. Parehas din kami sa mga gustong mangyari. Bull's eye talaga kung sa larong dart." Natawang sagot pa.

Fear Not To Love Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon