a/n: well here's the Chapter 1, hope you enjoy it :)) First ever story that i will make.
And this Chapter is dedicated to Fritzie Eloisa Tomines, because she inspired me to make this :*
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(Angels P.O.V.)
Nasa kalagitnaan na kami ng History class namin sa Stanford University nang bigla nalang pumasok si Blaze. Dire-diretso lang ito na parang wala ang propesor sa harap at umupo sa bakanteng silya na katabi ko. Walang hindi nakakakilala kay Blaze, ikaw ba naman ang stepson ng mayor ng bayan at ang pinakamayamang estudyante sa skwelahan, idadag pang suki ito sa guidance at dean’s office simula nang mag-transfer ito dalawang taon na ang nakaraan.
Business Administration ang kurso nito nasa ikaapat na taon ngunit sa dami ng back subjects, ayan naging kaklase ko na siya sa ilang mga klase ko. Nasa third year na ako sa parehong kurso.
“Alonzo, bakit nandito ka? Hapon pa ang klase mo, hindi ba?” nakakunot ang noong tanong ni Mrs. Roldan. Dalawa kasi ang History class ngayong taon, isa sa umaga at isa sa hapon.
Gusto ko sana sumabad at sabihin kay Mrs. Roldan wala namang problema kung sa klase nila gustong pumasok ni Blaze. Matalino naman talaga si Blaze base sa ibang subject na magkaklase kami. Pasaway lang talaga ito. At kung magiging magkaklase kami sa History class at magkatabi pa ng upuan, gaganahan talaga akong pumasok araw-araw sa paboritong subject ko. (evil smile)
“Itanong mo sa kanya,” sagot ni Blaze at itinuro ang kasunod niya lang palang si Miss Chavez, ang matandang dalagang head ng History Department. Nakasimangot ito, at halatang hindi nito gusto ang pagpunta sa klase nila.
“Simula sa araw na ito’y dito na sa klaseng ito papasok si Blaze Alonzo, Mrs. Roldan,” wika ni Miss Chavez sabay mosyon sa ulo upang pasunurin si Mrs. Roldan sa labas.
Bakas ang pagtataka sa mukha ni Mrs. Roldan pagkatapos silang utusan na sagutan ang quiz na nakasulat sa Manila paper na idinikit nito sa pisara.
“Heto, o,” sabi ko kay Blaze sabay abot ng half crosswise na papel nang nakita kong hindi ito kumilos upang kumuha ng papel mula sa bag nito.
“Aanhin ko iyan?” nakataas ang kilay na anas nito.
“Pinapasagutan sa atin ‘yong quiz sa harap. Ah, siguro hindi pa ninyo na di-discuss ‘yan. ‘Di bale, baka excused ka muna sa ngayon. Sasabihin ko na lang kay Ma’am,” sabi ko nalang kay Blaze nang maalala kong madalas ay ahead ang topics naming kaysa sa mga nasa klase ni Mr. Aguila. (a/n: Guro ni Blaze si Mr. Aguila sa panghapong Klase, sorry nakalimutan kong ipaalam, so ito na idedescribe ko na siya, first time ko kasing magsulat, pasensya po, HAHA:D)
Tugmang-tugma kasi si Mr. Aguila sa subject na itinuturo nito. Malapit na rin itong maging History sa katandaan kaya apektado na ang performance nito sa pagtuturo. Huling taon na nito sa kolehiyo dahil magreretiro na ito sa susunod na taon, bagay na noon pa nito nais gawin, kaya lang ay wala pang mahanap na kapalit nito ang skwelahan.
Marahil, kaya inilipat sa klase nila si Blaze dahil napansin na rin ni Miss Chavez na hindi kayang sabayan ni Mr. Aguila ang bilis ng takbo ng isip at pagkapasaway ni Blaze. Napangiwi ako sa isiping baka nag-aalala si Miss Chavez na hindi na umabot sa retirement age si Mr. Aguila dahil sa kunsumisyon sa katigasan ng ulo ni Blaze Alonzo.
Tiningnan lang siya ni Blaze na para bang nagdududa sa katinuan niya, saka umupo at pabale-walang sumandal sa upuan.
“Angel, pahingi naman ng papel,” ani ni Seth sabay tapik sa balikat ko mula sa likuran. Si Seth Velasco ang pumapangalawa sa akin sa dean’s list ng batch nila. (a/n: (c) Denise Moriel Perez for suggesting the name Seth :) )
Inabutan ko na papel si Seth, at dahil alam kong hihingi rin ng papel ang katabi nitong si Fritzie at Denise, pumilas na ako ng dalawa pa at ibinigay ito sa kanila. Napansin kong tahimik na nakatunghay sa si Blaze akin kaya nakangiting sinulyapan ko siya, nagtatanong ang mga mata ko. Nakataas ang mga kilay nito, tila nanunuya ang ngisi pero hindi ko na inusisa pa si Blaze dahil pumasok na uli si Mrs. Roldan.
BINABASA MO ANG
Being With You
Teen Fiction"Because for once in my life, I must have done something right, that's why God gave you to me."