The two crown Prince- ♛two♛

217 4 0
                                    

The two crown Prince- ♛two♛


(A/N: Dahil masaya ako kaya nag update ako :3)


Hinahanap? Sino nga ba ang Amandang ito?


"Amanda?"


"Hindi mo na ako matandaan prinsipe?"


"Hindi kita kilala umalis ka sa silid ko"


"Kakampi mo ako, nakita ko yung nangyari kanina hindi ko hahayaan na mapahamak ka prinsipe"


"Ano ba papel mo sa buhay ko, paano ka nakarating dito at nakapasok. Paano ring kilala mo ako at bakit naka itim ka?"


"Ako si Amanda Ferrer ang iyong kasangga kamahalan, nakarating ako rito lulan ng bangka at umakyat ako sa mataas na pader upang mapuntahan ang iyong silid. Kilala na kita simula labingdalawang taong gulang ka palang ng makuha mo ang pendant na iyan. Ang pagsusuot ng itim ang tanda ng kalinisan ng aming tribo kakaiba ngunit ito ang aming pinaniniwalaan"


"Hindi kita maintindihan"


"Huwag ka na lang magtanong kamahalan, ako na ang bahala sayo"


Hindi mapigilan ni Lyon na humanga sa dalaga dahil sa angkin nitong kagandahan. Ngunit malayo ito sa pinapangarap niyang babae... si Lady Audrey. Si Audrey ay galing sa isang royal family ng kabilang bansa. Ito'y sopistikada at mahinhin. Ngunit kabaligtaran ng babaeng kaharap.


"Ano ba ang maitutulong mo sa akin?"


"Marami, mahal na prinsipe"


"Tulad ng ano?" pag uusisa niya


"Tulad ng paghahanda sa War of the Throne"


"Imposible, isa ka lamang hamak na babae"


"Isa akong babae sa modernong panahon iyan ang tatandaan mo"


Inilabas niya ang kanyang sakong dala at inilatag ang laman nito sa malinis na kama ng prinsipe. Laking gulat na lamang ng prinsipe ng makita ang laman nito. Puno ito ng mga armas at mga panglunas. Masasabi niyang kakaiba talaga ang Amandang ito.


-


"Kamahalan isa palang lampa ang prinsipe Lyon"


"Henry, tumahimik ka" pagpatigil nito sa kaibigan.


"Totoo naman iyon prinsipe..sigurado akong gustong pagtawanan na ng buong bansa siya kanina ngunit takot lamang nila"


"Henry ako ang may gawa noon kaya sana huwag mo ng banggitin"


"Nako-konsensya ka sa ginawa mo prinsipe?"

The Journey of ChanBaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon