Characters (loading...)
•Girls•
Zixti Sy G. Mendoza -> (Zixti Say)
Krissy Isabelle T. Soriano
Macie Yani P. Cua -> (Meysi)•Boys•
Mike Ray R. Chua
Gab E. Soriano
Rex G. Mendoza
Lou Vixt A. Lim -> (Lu Viks)
Chanlie M. Go
------------------------------------------------------------------------------Mike never asked about anything from me. And so am I.
But the time that I've lost; definitely lost my first boy bestfriend which is Gab, Mike asked me about ONE THING and that ONE THING made me happy everyday for having a boy bestfriend again.
He helped me with everything.But the problem is; it really hurts whenever
.
.
.
.
.
He makes me SPECIAL
.
.
.
.
.
for NOTHING :'-("Huwag ka ng umiyak, nandito lang ako sa tabi mo; hindi lang ngayon, hindi lang bukas kundi habang buhay. Bestfriends forever, 'di ba?"
Iyan ang huling mga salitang narinig ko mula kay Chanlie bago niya ako iniwan:
Iniwan upang makalayo sa mga problema.
Iniwan upang umiwas.
At huli, iniwan upang makalimutang may gusto ako sa kanya.Ito na nga ba kasi ang kinatatakutan ko eh!
Kinatatakutan na posibleng mawala ang aming magandang samahan bilang magbestfriend.Sana kasi, sana talaga at sana, hindi ko na lang isinulat sa diary ko ang aking nararamdaman sa bestfriend ko nang hindi nabasa ng kaibigan niyang CHISMOSA at nang hindi ako iniwan ng tuluyan ni Chanlie.
Si Chanlie naman kasi, ipinaliwanag ko naman sa kanya na crush ko lang naman siya na nangangahulugang hinahangaan ko lang siya, wala ng iba, 'yun lang.
Bestfriends na kami simula pa noong 5 years old kami.
At dahil sa katotohanang iyon, mawawala na lamang ba ng biglaan?! Hindi naman iyon sapat na dahilan upang lumayo siya, hindi ba?At isa pa, hindi pa ako sigurado noon dahil pareho lang kaming bata pa at wala pang kaalam-alam tungkol sa pagmamahal. Talagang HANGA lang iyon.
CHISMOSA naman kasi ang kaibigan niya! Nakalimutan ko na ang pangalan niya basta ang natatandaan ko na lang ay CHISMOSA siya at MAPANIRA ng mga relasyon.
Ipinagpapakalat niya ang mga sikreto ng mga kinaiingitan niya!
Eh, bakit ako?
Bakit sinabi niya kay Chanlie ang natuklasan niya sa diary ko?
Bakit ipinagpakalat niya?Ano ba ang kinaiingitan niya sa akin noon? WALA NAMAN, 'di ba?!
Ay! Meron pala siguro.
'Yung CLOSE kami ni Chanlie at sila hindi.
Siya na nga ang masuwerte eh! Siya ang crush ni Chanlie at alam niya 'yon!
Bakit kailangan niya pang sirain ang friendship namin?!Bestfriend nga lang kami, sinira niya pa!
Pinakamasakit pa na aking nabasa mula sa isang pirasong papel na ipinarating sa akin ng lola niya bago siya umalis ay ang nakasulat na 'Umalis ako dahil sa iyo, Zix' na hanggang ngayo'y nakatatak pa rin sa aking isipan at nag-iwan sa akin ng mga katanungan kung anong ibig niyang ipahiwatig doon sa sinulat niya.
Pero wala.
Wala na sigurong pag-asang maging bestfriend kami ulit.
Hindi na rin siguro babalik ang dati.
Kinalimutan ko na ring hinahangaan ko siya.
Nasa ibang bansa na siya ngayon kaya kinalimutan ko na ang nakaraan bilang magbestfriend lang.'Yun na lang 'yun.
Wala na, hanggang doon lang.
Tapos na ang kuwento ng magbestfriend:It turns out to be a sad ending for us.
And I'm willing to search another one which is right for me that I'll never fall to and to begin again a new story that will never end.
BINABASA MO ANG
One Thing: Possible Turned Into Impossible
RomanceAuthor: Zydie Krizia Camacho / Z.K.C. Started on: January 30, 2015 Pagpasensiyahan niyo po ako, first time ko pong gumawa ng story sa Wattpad at beginner din po ako rito. Ako po ay ginanahang gumawa ng story dito para maibahagi ko sa inyo ang aking...