🌸TVMAE 18🌸

481 48 0
                                    

♡Dedicated to Yvsheart

CHAPTER EIGHTEEN:
3rd Day

LYN POV


"Seriously? We need to hike that mountain first?" Tanong ni Annah habang tinuturo ang bundok na kailangan muna naming akyatin bago kami marating sa bahay ni Inang Sinag.

"Kakasabi lang diba? Bingi lang ammmp dapat uulitin?" Pilosopong ika ni Elle. Naku talaga. Inirapan lamang niya ito.

"Sorry naman, ang tayog kasi niyan ehh? Gosh!" Arteng reklamo nito. Tama nga naman ang taas kasi tapos masukal pa. Pero malamig at presko naman ang hangin.

"No worries hon, nandito naman ang knight and shining armor mo ahh, I will give you a ride," siyempre sino pa bang magsabi niyan, eh di her one and only kojic soap pfft.

"Sakit niyo sa eyes," ika ni Elle sabay takip niya ng mga mata niya. Konting tiis na lang Elle makikita mo na rin Franky Doggy mo BWAHAHAHA. Diba hanep ng mga tawag shhhhhh!

It's already 8:00 AM in the morning pero kakagising lang ni haring araw, 'di pa masakit sa balat. Hindi tulad doon, ang aga-aga pa pero ang init at sakit na sa balat.


"Iwasan niyo ang mag-ingay, kung ano man ang nakikita niyong bago sa paningin ninyo, hayaan niyo lang ito at huwag na huwag niyong hawakan, umakto lang ng normal," paalala ni Inay sa amin. Oo kasama namin si inay at itay. Si itay ang nauna, si inay naman ang nasa hulihan at kami ang nasa gitna. Wala ang mga kapatid ko, may pasok.

"Ayan, mind your mouth baka uuwi kang may putok sa bibig," sang-ayon ko kay inay. Lalo na at mga dayo sila. Kahit na ako, 'di ko na natatandaan kung kailan ang huling punta ko rito. Si Inang Sinag kasi ay tested and proven na. Maybe maraming 'di naniniwala sa ganitong kakayahan, well depende na 'yon sa paniniwala ng isang tao. Kasi rito sa amin, halos dito ay kay Inang Sinag nagpapagamot, kapag may 'di ka naiintindihan sa mga bagay-bagay magkonsulta ka na lang sa kaniya, malulutas at 'di mo namalayan nalulutas na pala ang problema mo.


Nagsimula na naming pasukin ang paanan ng bundok, nasa tuktok ng bundok ang tinitirhan ni Inang Sinag. Kaya Inang Sinag ang tawag namin sa kaniya dahil ang sinag ng bukang-liwayway ay sa kaniya nakadirekta agad. Oo taong bayan lamang ang gumawa ng pangalan niyan, walang nakakaalam kung ano talaga ang tunay niyang pangalan.

Tahimik lang kaming naglalakad, buti naman at nakinig sila. Si Elle ang nakasunod kay Itay, sumunod naman ang love birds, si Jane saka ako bago si inay.

Mapapa-wow na lang talaga ang mata mo sa magagandang paningin na makikita mo. Ang daan kasi ay napapaligiran ng mga malalaking punong kahoy, sari-saring klase ng mga halaman, mga natives plants na makikita mo sa gubat.

Napapapikit ka na lang talaga dahil sa relaxation. Ang bawat huni ng mga ibon na kay sarap sa pandinig at ibang mga insekto. Hinawakan ko ang tiyan ko dahil sa saya na tila ba sinasabi ko sa baby ko na, naririnig mo ba iyon mahal?

Walang init na dumadampi sa balat kahit gaano man kainit ang araw dahil sa lilim ng mga naglalakihang kahoy. Sa bawat dampi at hinga mo ng simoy at preskong hangin ay nagpapakalma, na tila ba ay nasa ibang bahagi ka ng mundo.

The Virgin Mother At Eighteen ✔ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon