17

216 8 25
                                    

TW: Rape | Attempted Rape



"Bunganga mo, girl. Sarap salpakan-"



"Ng tite ba? Tama ka. Malaki bibig ko, e." Natawa si Qams sa sinabi ni Clara. Hindi na rin inosente si Qams, nahawa na kay Clara.



"Kumusta naman kayo ni Edward?" Nasamid si Clara sa iniinom niya. Natawa tuloy ako.



"'Wag mo na nga 'yon banggitin. Pareho kaming ayaw sumugal. Baka masira friendship namin, kaya 'wag nalang." Hindi naman dapat gano'n. Kung gusto mo, sumugal ka. Charot!



Kinuha ko ang isang tray ng itlog at nilagay 'yon sa cart. Tumatawa si Clara nang ilapag niya ang isang supot ng hotdog sa tabi ng itlog. Ang bastos talaga ng isip. Pati mga pagkain sinisingitan ng kabalbalan.



Sinadya kong bungguin ng cart si Qamari na maarteng naglalakad. Bumaling siya sa akin at sinamaan ako ng tingin. Hindi ako natatakot! Hindi naman siya nakakatakot! Ulol niya!



"Bili ka nito, beh. Masarap 'to!" Nilagay ni Clara ang isang supot ng chips sa cart. "Favorite 'yan ni EJ. Ilang beses ko nang na-try, masarap!"



"Lucky I'm in love with my best friend..." mahinang pagkanta ni Qams.



"Lucky to have been where I have been.." pagdugtong ko. Napairap tuloy si Clara.



"Oo na nga, in love na. Pero alam ninyong bawal." Wala namang nagbabawal sa kanila. Sila lang ang may ayaw.



When I got home, the door was unlocked. Sa pagkakatanda ko, ni-lock ko 'yon. Fear consumed me when I heard a noise coming from my apartment. I immediately dialed Markus' number. Lumabas ako ng gate at doon naghintay. Hindi ko alam ang number ng Police station... Si Markus lang ang pag-asa ko.



I held my bag tightly as I prayed for Markus to answer my calls. Sigurado akong may tao sa loob ng apartment ko.



[Hello? Love?]



"L-Love, may tao sa loob ng apartment ko-"



[Where are you?]



"I'm outside... Walang tao sa paligid. Tulog na ang mga kapitbahay. P-Pumunta ka rito, please... Natatakot na ako..."



[Stay there. If possible, find a place to hide. Contrera already contacted the police. I'll be there, okay? Do not drop the call. I'll be listening.] Tumango kahit na hindi niya naman makikita iyon. Tumago ako sa likod ng malaking puno ng mangga.



I closed my eyes, getting more scared as minutes passed by. Ramdam ko na ang malamig na pawis ko dala ng takot. Hindi ko pa nakikita o naririnig ang paglabas ng tao sa loob ng apartment ko.



I opened my eyes when I heard a car. It was followed by a siren. My heartbeat doubled in beat when I heard footsteps.



[Love? Are you still there? Where are you?]



"S-Sa likod ng malaking puno... K-Kayo na ba 'yung narinig ko?" Naputol ang tawag kaya mas lalo akong kinabahan. "Huwag po!" Napasigaw ako nang may humawak sa braso ko.



"Ava, it's me." Napaluha ako nang marinig ko ang boses ni Markus. I immediately hugged him. He hugged me back and kissed the top of my head, while whispering comforting words. "Let's go. May mga pulis na. They need your statement."



"Sir, maaari po ba namin kayong maimbitahan sa presinto? Doon na po kasi namin kukunan ng pahayag ang suspek."



Markus held my hand while he was driving to the police station. Nakayuko lang ako habang nasa byahe kami. Hindi na ito ang unang beses na may pumasok sa tinitirahan ko. Pero 'yung kanina, iba 'yon. Hindi talaga umalis ang suspek. May iba siyang motibo...



[Isang babae ang ginahasa sa tinitirahan niyang apartment. Ayon sa suspek, pagnanakaw ang kaniyang motibo ngunit nang makita niya ang biktima ay-]



"These rapists disgust me. The moment you see a person, you shouldn't sexualize them. It isn't that hard to fucking leave them alone. These people should know their limitations and should understand that not everything is an invitation." I looked at Markus and saw how angry he was.



"Hearing those from you is... kind of comforting. Sana lahat ganiyan ang mindset."



Nang makarating kami sa police station, tumambad sa amin ang suspek. Markus tried to protect me by telling me to stand behind him. Nakipagtitigan siya sa suspek hanggang sa mahiya ito.



"Base sa aming imbestigasyon, pagnanakaw ang motibo ng suspek."



"Sigurado po ba kayo? Hindi siya umalis ng apartment ko... Imposible naman po na pagnanakaw lang ang ipinunta niya roon." Markus turned around to face me. His brows furrowed and his forehead creased.



"Ano po ang ibig n'yong sabihin, ma'am?"



"It's quite suspicious. When my friend called the station, the suspect was already there. It took us an hour before we got there. These things..." He pointed at my things that were placed on the table. "These are found inside the suspect's backpack. 'Yan lang ang kaya ng backpack niya. Ano pa ang ginagawa ng suspect sa apartment ng girlfriend ko nung time na 'yon?"



"Sir, huwag po muna tayong-"



"I can be sued for accusing the suspect, I know. But before I receive a punishment, let's hear whatever the suspect will tell us." Markus raised a brow at the suspect.



"S-Sir... M-Ma'am, pasensya na po talaga. Pagnanakawan ko lang ho talaga si ma'am pero nakita ko po kasi iyong mga litrato ni ma'am, nakaramdam po ako ng kakaiba. Pasensya na po... Sir, alam n'yo pong normal 'yon sa mga lalaki-" The police stopped Markus after he punched the suspect. Nanikip ang dibdib ko nang marinig ang sinabi ng suspek.



"No! Kailan pa naging normal 'yan?! Putangina mo! Dahil sa mga kagaya mo, maraming nasisira at nasasayang na buhay! I will fucking sue you and I will make sure that you'll be in prison! Kulang pa nga 'yan. Hindi niyan matutumbasan ang trauma na binigay mo sa girlfriend ko!"



"Markus, tama na. Magsampa nalang tayo ng kaso. Magpahinga na muna tayo, ha?" I caressed his arm to help him relax. "Uwi na tayo, mahal."



Hinayaan na kami ng mga pulis na umuwi nang makapagbigay na ako ng official statement. Sa mga susunod na araw, aasikasuhin na namin ang kaso. Hindi nawala sa isip ko ang ginawa ni Markus. Kung sana lang ay lahat ng tao gano'n mag-isip, wala sanang masisira, masasayang, at matatapos na buhay sa marumi at nakakatakot na paraan.



Kumuha lang ako ng damit ko at dinala na ako ni Markus sa bahay niya. Mas safe kami roon. Kasama ko rin siya kaya mababawasan ang takot ko.



"Mahal, magsho-shower lang ako," paalam ko sa kaniya. Nilingon niya ako at pumungay ang mga mata niya. "May problema ba?"



"Are you okay, love?" Umawang ang labi ko sa tanong niya. Hindi ko 'yon inaasahan.



"Okay na ako... Pinaglaban mo ako. Maraming salamat." Ngumiti ako sa kaniya. Lumapit siya sa akin at umiyak nang yakapin niya ako.



"I don't want to lose you in any way... especially in that way." I started caressing his back as he cried on my shoulder. "I love you, Ava."



"I love you, Mr. Ford."



__________________________________

Bewildering Flights with you, CaptainWhere stories live. Discover now