18

231 9 26
                                    






"Teh, ang sabi 1 week lang, mukhang road to forever na ang pag-stay mo sa bahay ni jowabells." Tumawa ako kay Clara bago sinalo ang bola. "Ay gago! Hoy, 'wag sa 'kin!"



Nataranta si Qamari nang makita niyang sa banda niya babagsak ang bola. Pareho silang takot sa bola. Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha. Ano ba naman 'tong laro na 'to. Sana nag-dodgeball nalang kami! Mukhang mas exciting pa 'yon!



"Water break!" sigaw ni Clara. Kakainom lang nila ng tubig kanina. Napailing nalang ako at nag-practice sa pagse-serve. "Galing naman!"



"Ano regalo mo kay Markus? 'Di ba same kayo ng birthday? Birthday n'yo na next week. Regaluhan mo ng anak," nakangising suhestiyon ni Clara. Ang dumi ng utak. "O kaya ayain mo nang magpakasal sa 'yo!"



"Wallet, Pia, wallet. 'Yon daw ang gustong regalo ng mga lalaki. Nagpapalit lang sila kapag nakatanggap sila ng regalong wallet." Mas maayos talagang kausap si Qamari. Helpful mga sinasabi niya, 'di tulad ng isa...



Nang sumapit ang gabi, nag-aya si Clara na uminom. Girls night out 'yon kaya hindi na sumama si Markus. Nasa couch lang ako, umiinom nang hatakin ako ni Clara patayo. Hinila nila ako ni Qams patungo sa dance floor.



Sinabayan ko nalang sila at lumalayo kapag may lumalapit na lalaki. Hinatak ko si Qams nang may lumapit sa kaniyang foreigner. Mukha kasing inosente si gaga! Si Clara, ayun, nakikipaglandian na sa isang lalaki.



Ibinilin ko muna kay Clara si Qams bago ako nagtungo sa banyo. Nahihilo na ako. Hindi ko na talaga kaya! Habang nasa cubicle ako, narinig ko ang pag-uusap ng dalawang babae. Hindi naman ako chismosa, sadyang naririnig ko lang!



"Nahanap na ba ni Markus si Eris?" Markus? Ang boyfriend ko? Hindi naman siguro! Maraming Markus sa mundo.



"Hindi pa siguro. Naaawa na ako sa bagong girlfriend ni Markus, girl. Hindi niya siguro alam na hinahanap ni Markus ang ex niya. Hay, pogi sana 'no, pero kung gano'n lang din naman, ay 'wag nalang."



"Flight attendant 'yung bago niya, 'di ba? Hindi ako sigurado pero mahilig daw 'yon sumali sa beauty pageants."



"Talaga? Sigurado maganda 'yon! Grabe, ang kapal naman ni Markus. Nagagawa niya pang hanapin ex niya, e hindi na siya lugi sa gf niya ngayon!"



"Hindi pa siguro nakaka-move on, sis."



Napasandal ako sa pinto ng cubicle. Kaya pala... Noong minsan, sinabi niya sa akin na may naalala lang siya. Pero baka mali lang sila! O baka ibang Markus naman ang pinag-uusapan nila.



Umiling ako at diri-diretso lang na lumabas ng cubicle at C.R. Nang makabalik ako sa puwesto ng mga kaibigan ko, nakikipag-inuman na sila sa dalawang lalaki. Napansin ko na may isa pang lalaki pero hindi sila nito masyadong pinapansin. To my surprise, the guy glanced at me. It was Denver!



"Sophia.."



"Uy! Nandito ka pala!" Lumapit ako kay Denver at nakipag-chikahan. Hindi niya na inungkat ang napag-usapan namin kaya hindi kami nailang sa isa't isa.



Pag-uwi ko sa bahay ni Markus, nakita kong nakakalat ang mga bubog mula sa nabasag na vase. Nakita ko rin na may mga patak ng dugo sa sahig. Dumiretso ako sa k'warto ni Markus. When I opened the door, I saw him sitting on the floor, his back against his bed.



Fear beat my system when I saw blood... Anong nangyari? I slowly walked towards his position. I knelt on the floor and gently held his face to force him to look at me. For a moment, I couldn't recognize him...



"A-Anong nangyari? May problema ba?" maingat na tanong ko sa kaniya. "Mahal, kung may problema, sabihin mo sa 'kin."



"Ava.. Sorry... Nawawalan na ako ng tiwala sa 'yo. I'm really sorry. Please don't leave me. Pipilitin kong ibalik ang tiwala ko sa 'yo.."



"Bakit nawawala na ang tiwala mo?" I felt the corner of my eyes heated up when he started crying. "Sabihin mo sa 'kin... Dalawa tayong mag-aayos ng problema."



"Ang babaw ng rason ko. I got cheated on before. This happened before. Ilang beses kong nakita ang girlfriend ko na may kasamang ibang lalaki. And guess what? They were together. I saw you again with Denver kanina... I am afraid to lose you... I'm so sorry for not trusting you enough." He held my cheek and wiped my tears with his thumb.



"I will never do that. Nag-cheat din ang ex ko, kaya alam ko kung ano ang nararamdaman mo. I'm sorry for making you feel that way. Ni-reject ko na si Denver. Magkaibigan lang kami. Thank you for being honest." I hugged him. I cried on his shoulder. "Ano palang nangyari sa kamay mo? Bakit may dugo?"



"I accidentally dropped the vase on the floor. I tried cleaning the mess but I ended up getting a wound. Natanggal ko na 'yung bubog sa kamay ko kaya madugo. Baby, can you look at me?" Humiwalay ako sa kaniya at tiningnan siya sa kaniyang mga mata. "I love you."



"Mahal din kita. Tara, dinner na tayo? Magluluto ako ngayon. Magpa-pasta tayo! Tinuruan ako ni Mommy Mara magluto ng carbonara. Favorite mo 'yun, 'di ba?" Napangiti si Markus at agad na napatango. "Linisan mo muna 'tong sugat mo. Marunong ka ba?"



"I can manage. Susunod nalang ako sa baba." He held my nape and pulled me for a kiss. "If you need help, just call me, okay?"



"Sus, magluluto lang ng carbonara." Sabay kami natawa. Lumabas na ako ng k'warto para magtungo sa kusina.



Hinanda ko ang ingredients at ang paglulutuan ko. Ginawa ko na ang mga dapat gawin. Mag-iisang oras na nang maramdaman ko ang presensya ni Markus. Yumakap siya sa beywang ko mula sa likuran kaya napangiti ako.



Hinalik-halikan niya ang gilid ng leeg at panga ko. Nakakakiliti ampucha! Inalala ko ang mga itinuro sa akin ni Mommy Mara. Gustong-gusto raw kasi ni Markus ang carbonara niya kaya itinuro niya sa akin kung paano siya magluto ng carbonara.



"Dati na ba kayong mayaman?" I asked out of curiosity.



"No. Mom took over dad's company when he died. The company almost went bankrupt. Thankfully, the Greysons helped us. When I finally became a pilot, I started working under PhilAero to express my gratitude. Khalil became the CEO of the airline, Contrera and I invested. We became shareholders." Mas lalo lang akong humanga sa kanila. Lalo na kay Mommy Mara.



"Magkano pera mo sa banko?" biro ko.



He chuckled, "Why do you wanna know, baby?"



"Baka qualified ka na... na maging sugar daddy ko?" I pursed my lips when his hand went up a bit. Nag-iinit na ako, hindi na maganda 'to!



"Hmm.. I believe that I'm still young to be your sugar daddy. How about being the daddy of your kids?"



"H-Huh? K-Kids?" Pinatay ko ang lutuan at humarap sa kaniya. Napakurap-kurap ako, pilit na iniisip kung tama ba ang narinig ko.



"I want to have kids with you someday," he smirked. He pressed his forehead against mine. "But I'll put my surname after your name first."



__________________________________

Bewildering Flights with you, CaptainWhere stories live. Discover now