KABANATA 38

30 2 1
                                    

"Dave is so freaking weird,and hindi ko alam kung bakit.." Sagot ni Kate,bigla ko naman naalala yung kanina pati rin pala si Kate napansin yun.

"Tinanong moba sya kung bakit?napasin ko din kanina yung pagiging weirdo nya." Nagaalala kong sambit,sunod sunod naman syang umiling na parang hindi na alam ang gagawin.

"Kausapin mo sya Kate.."

Matapos naming mag lunch ni Kate ay agad nyang pinuntahan si Dave,hindi na ako sumama dahil may aayusin pa akong schedule ni Tita Juliana.Napapaisip nga ako buti nalang at kinakaya nila ang mga 'to,kase kada araw may limang meeting o di kaya pupuntahan,pero bilib din ako kay Tita Juliana dahil kahit papaano nagkakaron parin sya ng time para sa mga anak nya,kagaya lang din sya ni Tita Bea.

At sana ganun din si Mama..

Gusto kona ulit makita si Mama kahit galit ako sakanya,parang nasanay na ako sa mga pananakit nya,nasanay na akong bungangaan nya ako,kase baka dahil dun may magbago.At alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa makipag kita sakanya,gusto ko pag balik ko ulit dun sa kulungan nya okay na sya,nakakausap na sya ng maayos,kilala na nya kami ni Astrid,at sana kilala na din nya yung unang pinanganak nya,yung panganay na naging mundo din nya nung isinilang ako sa mundong ito.

Papunta ako ngayon sa office ni Tita Juliana para ibigay ang papel ng mga naka schedule sakanya ngayon,napansin ko din ang mga taong dumadaan sakin dahil parang aligaga sila,at parang may nangyaring hindi maganda,may mga pulis ding nag si datingan..

Napatitig naman ako sa lalaking papunta sakin ngayon at dun ko lang nalaman na si Dave pala iyon,tapos naba sila ni Kate mag usap?bakit balut na balut sya ngayon?May sakit ba sya?

"Dave--" Naputol ang sasabihin ko ng malakas nya akong banggain na parang sinadya nya ito,dahil wala naman kaming kasunod sa likod at malaki ang hallway.Dahil sa ginawa nya nag laglagan ang mga gamit ko sa bag,kala ko nga tatakbuhan pa ako netong Dave na toh pero agad din nya itong pinulot at dali daling umalis na parang walang nangyari.

"Kyline!" Pagtawag ko sa isa sa mga kakilala ko dito sa Company ng mga Fellowes,makikita mo rin sakanya ang pagka alala.

"Vien,narinig mo naba ang balita?" Tanong nya agad.

"Kaya nga kita tinawag para tanungin kung anong meron.."

"Eto kase yun,nawawala ang mga pera at alahas sa metal box ni Ma'am Juliana!At hindi pa alam kung sino ang kumuha nun." Pagpapaliwanag ni Kyline sakin,para naman akong pinako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa gulat at hindi makapaniwala sa nangyari.

"Kaya lahat ng bag ay titingnan bago umalis ng kompanya at para narin malaman kung sino ang kumuha ng mga ito,grabe--" Hindi kona pinansin ang mga sunod pang sinabi ni Kyline at dali-dali na akong pumunta sa office ni Tita Juliana,at alam kong may maling mangyayari mamaya dahil ramdam na ramdam ko ito ngayon,at sana wala at sana hindi.

Nang makarating ako sa office ni Tita Juliana lahat sila napatingin sakin,ang mga mata ni Tita Juliana,ni Kate na parang hindi nila akalain na magagawa ko ito,hindi ko alam pero unti unti akong lumapit sakanila,kahit sobrang nagtataka ako sa mga titig na binibitawan nila.

"Miss Fuente,sumama po kayo sa prisinto.." Sabay lapit sakin ng isang pulis,agad naman akong napahakbang dahil sa gulat.

"B-bakit po?" Kinakabahan kong tanong,agad naman akong napatingin kay Kate na ngayon ay umiiyak na,habang si Tita Juliana naman ay parang hindi parin makapaniwala sa nangyari.

"Ikaw ang itinuturo ni Sir Dave na kumuha sa kayamanan ng mga Fellowes.." Agad nanuyo ang lalamunan ko dahil sa bintang na ipinaratang sakin,at mas lalong hindi ako makapaniwala na magagawa sakin ito ni Dave.

That Night(That Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon