AHFOS - 15

7 0 0
                                    

"Auie, sino nga pala iyong bisita na iniintay ni Driel?". Ani ko. "Ah, iyon si Ryz yon ang ngalan niya. Close na close sila". Ani niya. Tumango ako at magtatanong uli pero tumawag naman si Yvane.

"Girl, andito na ako sa gate. Baka naman pagbuksan ako ng gate rito diba?". Sabi niya ng me halong biro. Tumawa ako ng kaunti at pina tawag si Nanay Cecille para makisuyong buksan ang gate ang paradahan ng sasakyan.

Lumabas kami at binuksan nila ang gate, habang ako ako sumesenyas sa kaniya para maipasok na niya ang kotse. Pagtapos ay lumabas siya at nag yakapan kami ng may gayak at giliw.

"Teh, may mga chika ako sayo, marami pa sa marami". Ani nito habang may ngiti. "Oo na, mamaya na yan pasok muna tayo sa loob. Sakto inaantay ka ni mama sa loob". Ani ko naman pabalik.

Nang makapasok na kami ay bumungad si Auie sa sofa. Ngumiti ito kay Yvane ganon na rin si Yvane pabalik. Dumating naman si mama, niyakap niya si Yvane at sandaling nag usap.

Bumalik na si mama sa kusina pagtapos. "Maiwan ko muna kayo rito girls. Naroon ako sa kusina kung may gusto kayo kainin o sabihin ". Ngumiti na lang kami nina Yvane at Auie ke mama bilang tugon.

Lumingon naman si Yvane sakin at inaya akong maupo katabi ni Auie sa sofa. Tinanong na ako kung saan ba kami pupunta o ano ba ang ganap. Nag isip muna ako 'San nga ba may magandang puntahan'.

Tumingin ito sa labas at bumalik ang tingin sa akin. "Bakit nga pala engrande itong mansyon nyo? Me okasyon ba?". Tanong nito. "Oo teh, meron hindi pa ba halata?". Pamimilosopo kong sabi. Inirapan niya ako. "Alam mo buti a lang kaibigan kita e". Inis na may pagka sarkastikang sabi niya. Bago pa man ako makasalita, tinawag ako ni mama galing sa kusina.

Pumunta naman ako at tinanong kung bakit. Samahan ko raw si Nanay Cecille at ilagay ang inilutong Paella ni mama, masyado ng busy ang mga kasamahan namin. Eto na lang din naman ang kailangang ilagay sa catering at tapos na.

Tumulong na ako at inabot sa akin ni Nanay Cecille ang juice at tapos na. Pwede ng umalis at pumunta kay Yvane at Auie. May mini bar at may bartender don. Mayroon din karaoke, at may mini stage para sa okasyon ngayon.

Mayroong MC don at may mga souvenir, ibibigay siguro pag uwian na. Start na ang party at mukhang nag e'enjoy sila. Nagsasalita na ang MC para sa kaganapan.

__________________________________________

Inaya ako ni Yvane lumabas muna ng bahay dahil sa masyadong maingay ang mansyon. "Girl, nakita mo naman apaka engrande nito tapos iimbitahin mo ako? ". Si gaga asumera. " Gaga, di 'ko yan party kay Driel yan. Malay ko nga bakit nag drop yan ng ganyang ka engrandeng party". Ani ko. "Ay shala, sa bagay pero bakit naman sa house niyo e usual na sa mga hotels kayo or resort nagpapa party. Iba talaga pag Ferjio". Kita rin ang pagkamangha sa mukha niya.

Sa totoo ay hindi ko rin alam. Kasi kung dito naman ang ganap tapos engrande kumukuha na kami ng malakihang resort. Okasyon lang gaganapin dito kapag kaarawan o salo-salo lang. Nakakapagtaka siya para sa akin. Kung ganto ka engrande paano napapayag ni Driel si Tito at Mama.

Ayos na rin siguro ito dahil sa nag daang mga taon ay ngayon lang muli may malakihang salo-salo rito. Masyado rin kase malaki ang bahay kaya bakit kukuha pa ng hotel or resort hindi ba. Nabalik ako sa ulirat noong pinipitik pitik na pala ni Yvane ang kamay niya sa harapan ko at hindi pa siya na kontento binatukan pa ako. Aba't siraulo 'to.

"Aray! Masyado mo naman akong mahal bwiset ka". Sinamaan ko siya ng tingin. "Tama na kasi ang daydreaming mo, halika na sa loob doon tayo mag usap. Gutom na rin ako". Ani niya. 'Kita mo 'to, patay gutom. Pagtapos ako batukan, masakit yon!'.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Heart Full Of SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon