"Let's go home. You're freezing, and I don't want you to catch a cold."
Tumango ako at naglakad na kami pabalik sa apartment. Kanina pa siya tapos umiyak, nag-kuwentuhan din kami pagkatapos no'n. At masasabi kong medyo gumaan na ang pakiramdam niya.
I knew it. Behind his laughter hides so much pain and anxiety. I just hope that he will now show the wounds that he has hidden from the light and heal himself from the inside.
"Eula, natatandaan mo ba nu'ng may pinaabot akong paper bag para kay Tita Daisy noong pauwi ka na?"
"Oo, bakit?" Paano ko naman makakalimutan 'yon e' pagkatapos nang isang buwan, pinansin mo na ulit ako. Ang sungit mo nga lang.
"I'm sorry for acting cold and rude. I was in a bad mood that day, but let's not delve into that. No matter what, it's not a valid excuse to be rude."
Wow, naalala niya pa 'yon? Late na 'yung apology niya pero sige. "Apology accepted."
"Anyway, sabay ulit tayong mag-breakfast bukas."
Tumango ako. Hilig na niya sa breakfast, huh. Parang noon lang wala raw siyang time.
Tahimik lang kami habang naglalakad. Nasa likod niya lang din ako habang yakap-yakap ang sarili ko dahil sa malamig na simoy ng hangin.
"Kyvo," tawag ko sa kaniya.
"Hmm?"
"Would you mind being my model for a drawing?"
Huminto siya sa paglalakad at humarap sa 'kin, nagtataka. Hindi niya ba narinig ang sinabi ko? "Ha?" Hatdog.
I sighed. Ayoko nang inuulit ang sinasabi ko e! "Would you be my model, and let me draw you?"
Dahan-dahan siyang tumango at may maliit na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. "May bayad ba 'yan?"
"Mukha kang pera." I rolled my eyes. Nilagpasan ko siya at nauna nang maglakad. Kaagad naman siyang sumunod sa 'kin kaya magkatabi na kami ngayon habang naglalakad.
"Gano'n ba 'ko kagwapo para alukin mo 'ko na maging model mo?"
"Hindi ah. Sabi ni prof ang subject daw namin sa activity na 'to ay dapat connected sa emosyon na anger. Tutal marami naman akong sama ng loob sa'yo, ikaw na lang ang subject ko."
"Nag-sorry na 'ko ah! Bakit may sama ng loob ka pa rin?"
"Kyvo sa tingin mo ba 'yun lang ang dahilan kung bakit ako galit sa'yo? Natandaan mo ba 'yung nalagyan mo 'ko ng sabon sa mata habang naghuhugas ka?! At nung natapunan mo ng tubig 'yung sketchpad ko, grabe 'yon!"
Hindi ko alam kung paano dumating sa puntong 'to ang pag-uusap namin. Hindi ko akalaing naglalabas ako ngayon ng sama ng loob sa kaniya! Hindi ba dapat kino-comfort ko siya dahil sa nalaman ko kanina?!
"Eula, calm down," aniya nang magtuloy-tuloy pa rin ako sa pagrereklamo.
"I am calm!"
"Okay? Why are you shouting then?" He chuckled.
"Wala lang, gusto ko lang!" Akala ko ay papasok na kami sa apartment building dahil nasa tapat ba kami pero nagtaka ako nang makitang gumilid siya at naglakad papunta sa carpark. "Saan ka?"
"Bibili ako ng burger, gusto mo ba?"
"Libre mo ba?"
"Kailan ba kita hindi nilibre?" Ang kapal. Sige na. Ikaw na mapera.
Naglakad kami papunta sa kotse niya at sumakay roon. Nagmaneho siya papunta sa isang restaurant. Hindi ko nabasa ang pangalan dahil nakatutok ako sa cellphone ko, nag-chat kasi si Tita Val.
BINABASA MO ANG
In a Heartbeat (Complete)
RomanceEula Chelle Payton came home one day, with her belongings packed in her bag and luggage, on the pavement in front of her father's house. Her father threw her out for disobeying him and texted her saying, "Good luck on your journey without me." With...