3

2 1 0
                                    


"Akala mo makakatakas ka?"

"Walang sino man ang nakakatakas sa 'kin, ija"

"Bitbitin niyo na pabalik 'yan"

"Huwag...huwag po! Ayaw ko na pong bumalik doon. Parang awa niyo na!"

"Miss! Gising"

Nagising ako dahil sa pag-uyog. Tumatagaktak ang mga pawis ko at hingal na hingal ako. Napahawak ako sa dibdib ko, hindi ko alam paano pakalmahin.

"Are you okay?"

Isang boses ng babae , hindi siya pamilyar sa sistema ko. Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses, sa kanan. Isang babaeng naka-upo sa tabi ko at may batang babaeng nakatayo sa tabi niya, mga around 4 o 5.

Punong-puno ng pagtataka ang mukha ko ng makita ko silang nakangiti sa 'kin. Nakakakita pa kaya 'tong batang babae na 'to, grabe kong ngumiti halos hindi mo ang mga mata. 

"Hi," bati ng batang babae

"Hello," nahihiyang bati ko, ngumiti din naman ako sa kanya. 
Kusang naglibot ang tingin ko. Nasa malaking kwarto ako, kulay puti ang kulay ng pader. May mga paso ng halaman bawat sulok ng kwarto. Wala naman siguro ako sa hospital, no?

Mukhang wala naman, hindi naman amoy gamot ang naaamoy ko. May glass wall, sakto para makita ang magandang view sa labas. 

"Are you okay?" malumanay na tanong ng babae. 

"Nasaan ako? Paano ako nakarating dito?" sunod-sunod kong tanong

"Okay, relax" sagot niya at natawa ng mahina. "First, you're at my house. We saw you last night, unconcious at the road, that's how."

"Maraming salamat, Ma- "

"Just call me Amelia and you?"

"Leina po..." nahihiyang tugon ko

"Wala ka bang pamilya na pwedeng tawagan? Baka nag-aalala na sila."

Bigla kong naalala si papa, nag-aalala kaya siya? Mukhang sa panaginip ko lang mangyayari 'yon. Siya nga ang naglagay sa 'kin sa kapahamahan.
"Wala na po akong pamilya," bakas sa boses ko ang pagkalungkot.

"Sorry to hear that," Pagsimpatya ni Amelia.

"Tita can she stay with us for good?" Pag-eksena ng batang may singkit na mga mata.

Sabay kaming napatingin ni Amelia sa kanya. Nagpapacute siya sa kanyang tita. Nagpapacute siya na parang aso.

"Please, Tita... Want to be friend with her. A-and she's very pretty" humaba ang nguso niya habang nakiki-usap sa kaniyang tita.

"Salamat pero hindi mo pa ako ganoon kakilala..." pagsingit ko

"Basta gusto ko magstay ka rito." Pagmamatigas niya "Hindi ka naman masamang tao 'di ba?"

Napa-iling ako. Hindi ko kayang manloko ng kapwa, takot ko lang sa karma.

"Ohh!"

Nabaling ang atensyon ko kay Amelia na kanina'y dumaing, ngayon nakangiti na siya.

"My baby did a little kick," masayang anunsyo niya, nakahawak siya sa tiyan "I think the baby is agree to her sister idea"

"The baby kick?" Namamanghang tanong niya.

Tumango naman si Amelia, ang batang babae ay inilagay ang kamay sa tyan ni Amelia.

"The baby kick again!" Tili niya.

Parehas silang nakangiti. Napangiti ako ng mapakla. Sana sa susunod makaranas naman ako ng saya, sayang pang habang buhay. Sawang sawa na akong maging malungkot, no. Nakakapagod.

Scream of AffectionWhere stories live. Discover now