CHAPTER 9

13 2 1
                                    

KIM's POV:

Pagkatapos kong maligo agad akong nagbihis. Atlast fresh narin ako. Sinipat ko ang wallclock 1:36 pm na. Kailangan kong tawagan si Andrew  na wag na siyang bumalik sa condo dahil baka mapahamak siya, at baka makalimutan ko pa.

"Hello bakla, office time pa. May kailangan ka ba?" Pagsagot niya sa tawag ko.

Pabulong lang iyon, para hindi siguro mahalata ng Boss namin.

"Nag excuse ka muna. May sasabihin lang ako sayong importante. Dali.." Saad ko.

"Ano bayan. Kaloka ka. Pag ako talaga nahuli ni Boss. Hmmmm." Sabi nito.

Ilang minuto at tahimik ang kabilang linya. Umalis siguro si Andrew sa office. Naghintay ako hanggang sa magsalita ulit siya.

"Bakla, andiyan ka pa ba. Umalis ako saglit sa office, anong sasabihin mong importante." Sabi ni Andrew sa kabilang linya.

Kaya hindi na ako nag dalawang isip na sabihin sa kanya ang pakay ko sa pagtawag.

"Andrew, natonton na ako ng mga taong gustong pumatay saakin." Diritsang sabi ko.

Narinig kong napasinghap si Andrew sa kabilang linya.

"ANOOO. Okay ka lang ba. May nangyari bang masama sayo..." Gulat niyang sabi.

"Oo, okay lang ako. Pasensiya ka na Andrew kong pati ikaw nadamay ng dahil sakin. Andrew, please wag ka ng bumalik sa condo. Baka maabotan ka nila doon at pati ikaw ay saktan nila.." Sabi ko.

Kinakabahan ako para kay Andrew.

"Wag kang mag alala sakin kim. Kaya ko ang sarili ko. Kong iniisip mo na babalik pa ako sa condo. Hindi na. So hotel na muna ako mag s-stay. Ikaw ang mag iingat Kim. Sila ang may kailangan sayo..." Sabi ni Andrew.

Sa sinabi ni Andrew. Para lang akong sinaksak ng ilang beses. Naawa ako kay Andrew. Hindi siya dapat nadadamay. Nasa tahimik ang buhay niya. Pero naging magulo ng makilala niya ako.

"Andrew. Im sorry talaga. Hayaan mo babawi ako sayo.." Sabi ko nalang.

Hindi ko naman alam kong paano ko pagagaanin ang loob ni Andrew. Hindi ko alam kong galit ba siya sakin, hindi niya lang sinasabi ang hinanakit niya. Nahihiya  rin kasi ako.

"Ano ka ba naman Kim. Ano bang pinagsasabi mo. Okay lang ako. As long as wala akong iniindang sakit okay na okay ako. Para namang hindi mo ako kilala. Jusko." Sabi ni Andrew.

Napangiti ako.

"Hayaan mo babawi ako..." Sabi ko nalang.

Nabaling ang atensiyon ko sa may pintuan ng may kumatok.

"Segi, Andrew. Text mo nalang ako pag saang hotel ka mag check in.." Sabi ko.

"Segi, segi. Babalik na ko sa opisina. Baka hanapin na ako. Basta mag iingat ka"

"Ikaw din mag iingat..." Sabi ko.

Pagkatapos kong ibaba ang tawag, agad kong tinungo ang pintuan para pagbuksan ang kumatok.

Napagbuksan ko ang isang katulong.

"Ma'am, pinapatawag po kayo ni Madam Minda sa kusina. Para mag meryenda.."

"Segi po, susunod nalang ako.." Sabi ko sa katulong.

Tumango naman ito saka nag paalis na umalis.

Bumalik ako sa loob ng kwarto para i-blower ang buhok ko.

She's A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon