Prologue

8 0 0
                                    


DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. 


——————————————————————————————————————————————————


     Magta-tatlong taon na nung huli kong nakita ang bestfriend kong si Ely, short for Elyzia. Ano na kaya hitsura 'non? Tanda ko kasi nung last naming kita, mukha pa siyang chaka doll dahil sa buhok niyang parang walis tambo sa sobrang kapal at mukha niyang parang sinabogan ng bomba. Buhay pa kaya siya? aba malamang kasi kapag nalaman ko na burol niya, ako magdo-donate ng kape. Pero seryoso, kamusta na kaya siya? Hindi manlang siya nagpadala ng letra o kung ano man. 

     Naaalala ko parin ang huling araw na nakayakap ko siya, at yun ay nung aalis na kami sa probinsiya namin, kung sa'n ako lumaki, papunta dito sa Manila. 

     "Bye Khyle," malungkot niyang sabi sakin. 'Yun din ang huling araw na narinig ko ang boses niya. Sa totoo lang, kung ako ang masusunod, ayaw kong iwan ang probinsiyang yun lalong lalo na si Ely pero wala akong choice eh. Wala naman akong kamag-anak doon na pwedeng kumupkop sakin. Hindi ko din napilit ang mga magulang ko na mag-stay doon dahil dito na-assigned sa trabaho si papa sa Manila. 

      Alam niyo ba? May sikreto ako...

     May gusto ako sa bestfriend ko. May gusto ako kay Ely. Ewan ko nga ba ba't nagustohan ko 'yung sirang-ulong yun sa dinami-dami ng tao dito sa mundo, 'bat siya pa? 'Di naman siya ganon ka-ganda, minsan takas mental at matakaw pa. Pero, ewan basta nagustohan ko lang siya. Ginayuma kaya ako 'nun? O baka nahawaan na ako sa kaabnuan niya kaya boang na boang ako sa kanya. 

     Except sa papa ko, may isa pa akong kinatatakutan at 'yun ay ang malaman ni Ely ang tunay kong nararamdaman para sa kanya, na hindi lang hanggang kaibigan ang turing ko sakanya kundi mas higit pa 'dun. 

     Ano kayang mangyayari once na umamin ako sa kanya? Friendship over ba o ma-friendzone? Halatang wala namang pag-asa na sabihin niyang, "gusto din kita Khyle." Sobrang labo na masabi niya 'yun, kasing labo ng mga mata niya na makita na ang taong hinahanap niya ay nasa harapan lang pala niya this whole time.  'Di na pala malabo 'yun, baka bulag na nga. Pa'no naman kasi, iba ang nakikita, isang mokong na hindi lang magaling maglaro ng basketball kundi marunong rin paglaruan ang feelings ng mga babae. Literal na player nga. 

     Ah bahala na, basta ang alam ko lang ngayon ay...

     Gusto ko si Ely na bestfriend ko, simula pa nung una


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Simula Pa Nung UnaWhere stories live. Discover now