"Hay nako, beh. Dapat kausapin mo si Markus tungkol diyan. Marami na kasing nagsasabi na hinahanap niyang boyfriend mo ang ex niya. Hindi naman sa dapat mo silang paniwalaan, pero mas maganda 'yung ma-clarify," Clara suggested."Totoo. Mukhang komportable naman kayo sa isa't isa. Magsasabi 'yon ng totoo," Nat added.
I was confused. Marami na akong naririnig tungkol sa paghahanap ni Markus sa ex niya. Ayaw ko namang maniwala dahil may tiwala ako kay Markus. Bakit niya naman hahanapin ang ex niya?
Pinagmasdan ko ang mga mag-jowa sa paligid. Lahat sila mukhang masaya. May mga tinatago rin kaya sila sa jowa nila?
When Markus and I entered a relationship, I knew that the past and present will have a great battle. We were both scared because of the traumas that we got in the past. We weren't sure if things will work. Each flight with him was bewildering. The secrets that we hid from each other became a puzzle that we couldn't solve, up until now.
I went home with a heavy feeling. Dumiretso ako sa guest room at doon inayos ang mga regalo ko kay Markus. Sa isang box ko nilagay ang lahat. Nilagyan ko ng mga used paper ang loob ng box para ma-surprise naman siya. Nakabalot din ng gift wrap ang bawat regalo kaya hindi niya agad malalaman kung ano 'yon kapag binuksan niya ang box.
Balak ko ngang sunduin siya sa bar mamaya at dadalhin ko siya rito sa guest room. Doon niya kasi gustong mag-celebrate kasama sila Khalil. Tinapos ko ang letter ko bago ko iyon nilagay sa ibabaw ng box.
Nang matapos ako, nag-open ako ng messenger. Tumambad sa akin ang limang message requests. Lahat ng 'yon...
Kyla Villanueva: Hi po. Ikaw po ba yung bagong gf ni Markus Ford? Gusto ko sanang i-share sayo tong nalaman ko sa kaibigan ko. Matagal na daw pong hinahanap ng bf mo ang ex niya. Ayoko po sanang makialam kaso naaawa na po ako sayo. May screenshots po ako ng convo namin ng kaibigan ko.
Bing Santos: Ikaw ba yung pinalit kay Eris? Malas mo girl, di pa nakaka-move on jowa mo.
John Oliver: Ako nga pala si John, kaklase ako noon ng ex ni Markus. Isa ako sa mga binayaran niya para hanapin ang ex niya. Alam kong madami ng nagchat sayo. Di mo deserve ganyang lalaki, miss. Check mo nalang tong file na sinend ko, nandyan lahat ng ebidensya.
Brent Imperial: Sophia? Yung vball player? Alam mo bang hinahanap ng bf mo si Eris, yung ex niya? Cheater jowa mo, dude.
Vanessa Marie Bautista: Hi Pia, 'di tayo close pero gusto sana kitang balaan. Marami na kasi akong narinig at nakitang evidence na niloloko ka ni Markus. Okay ka lang ba?
It was as if something inside me was cut off. I couldn't speak... I couldn't move.. I couldn't think properly. I went to the bathroom and took a shower. I need to ask Markus about it.
Tulala lang ako habang nag-aayos. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Maniniwala ba ako sa kanila o maniniwala ako kay Markus... Hindi ko na alam...
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa bar na sinabi sa akin ni Markus. Pagkarating ko roon, hindi na ako nagsayang ng oras. Hinanap ko kaagad si Markus. Nang makita ko siyang kausap si Khalil, hinila ko siya hanggang sa makalabas kami ng bar.
"Love, happy birthday," bati niya sa akin at hinalikan ako. Nang maghiwalay ang mga labi namin, tumingin ako sa mga mata niya. "Nasa loob 'yung gift ko sa 'yo."

YOU ARE READING
Bewildering Flights with you, Captain
RomanceA graduate of BS in Tourism Management, a Flight Attendant of PhilAero, an online seller, event host, and a beauty queen. How can someone reject Sophia Ava Pineda? Pia loves to explore things, in love and in life. She believes that flights are a way...