Araw ng kasal…… maaliwalas ang panahon. Punong puno ng rosas ang paligid ng templo Naiayos na ang lahat, nagumpisa ng magsidatingan ang mga bisita, ang mga batang monghe ang umistima sa mga dumating…. Ang mga taga masantol, ang maghirang family, si kiko at ang buong pamilya nya, gayundin naman ang mga taga silangan sa pamumuno ni ashi behati at ang kanyang mga drukpah at ilang tagasunod at hndi nagtagal ay dumating din naman si ahring anand kasama si Dasho Yuan, kanyang mga drukpah at ilan ring tagasunod
“Dasho Jao, ito na nag pinakahihintay mo, congrats ngayon pa lang at ang pogi mo lalo ngayon dasho” Si han habang minamasahe ang likod ni Jao, tumulong ito sa lahat ng preparasyon kayat malaki ang pasasalamat dito ni Jao.Nakasuot si Jao ng napakagarang Gho na ipinasadya nila ni areeyah, si areeyah rin ang pumili ng kulay ng kanyang Gho.
“sana lang Han maayos na ang lahat, gusto ko ng matapos toh”
“ang alin dasho, itong kasalan…. Ikaw talaga dasho! Maghintay ka naman, gusto mo agad honeymoon na! hinay hinay lang dasho, magkakasama naman kayo ni prinsesa areeyah habangbuhay pagkatapos nito” panunukso ni Han
“Ehem ehem!!!!” sabi ni mang dinoy na nasa likod pala nila habang naguusap
Namula naman ang pisngi ni Jao sa panunukso ni Han “ Han ano kaba, hindi yun ang ibig ko sabihin, gusto kong matapos na tong gulo sa pagitan ng silangan at kanluran, gusto kong mamuhay ng masaya at Malaya kasama si areeyah at ang magiging mga anak.
“honeymoon ka dyan, tandaan mo jao bata pa kayo. Ienjoy nyo muna ung kayong dalawa lang kapag naikasal kayo, dahil mas marami na kayong magiging priorities kapag nagkaanak kayo, pero jao gusto ko ng maraming apo ha at bibisita kayo sa amin sa pilipinas ok ba yon” sabay kindat ni Mang dinoy kay Jao
“O sige sabi mo dasho e, o teka ayan na si Vicky baka pababa na din ang prinsesa”
Bumaba nga si Vicky mula sa silid kung nasaan ang prinsesa, Tumulong din ito sa preparasyon sa kasal katulad ni Han, Sya rin ang nagayos at tumulong kay areeyah na pumili ng Kira na isusuot
“ Dasho Jao, handa ka na bang makita ang bride mo?”
Ngumiti naman si Jao at sabay tumango, Sabik na sabik na makita ang babaeng pakakasalan
Muling umakyat si Vicky upang sunduin ang prinsesa, Pagkalabas ni areeyah parang nagslow motion naman ang mundo para kay Jao. Dahan dahan bumaba si areeyah, nakangiti, maluha luha sa galak, napakaganda nito sa suot na kira. Isang yellow gold na kira, light make up lang pero litaw na litaw ang kagandahan nya lalo na at nakataas ang kanyang buhok,
Habang pababa si areeyah si Jao “nganga” ang expression ng mukha, kung hindi pa sya tinapik ni Han ay tulala pa rin! Gustong gusto nyang takbuhin yakapin at pupugin ng halik ang babaeng pakakasalan pero sa isip nya mamaya na lang
Tatlong hakbang pa pababa ng hagdan ng bigla siyang na out of balance, “aaayy” biglang napasigaw si areeyah, pero nasalo naman sya ni Jao, napayakap naman sya sa lalaki at nagkatitigan sila, malapit na malapit ang mukha nila sa isat isat!!!! Kinilig naman ang mga taong nakakita
“ Ikaw talaga napaka clumsy mo, lagi ka na lang natatapilok” walang bumibitiw sa titigan
“ At palagi mo naman akong sinasalo” si areeyah habang nakatitig pa rin kay jao”
“uuuyyyyy “panunukso nila Han at Vicky, hindi na rin napigilan ng ilang monks na naroroon ang kiligin sa nakita, na lalo namang nagpablush sa pisngi ng dalawa, kaya naman dali daling inalalayan na ni jao si areeyah!
BINABASA MO ANG
Princess and I "A Twist In Time"
FanfictionAn epic love story of how love conquers all, how two hearts manage to fight for their love