the only polaris

4.1K 45 22
                                    

What does it mean to love? Rinig kong tanong ng kung sino man sa TV pero hindi ko na narinig ang susunod pa dahil halos manuot na ako sa init.

"Bwisit." Inis kong bulong bago pinapaypayan ang sarili dahil malapit na 'ata matuyo ang balat ko sa sirit ng araw kahit na may bubong naman.

Hindi ko nga alam kung saan ako maiirita, sa init ng panahon, sa iniisip ko, o dahil sa sunod-sunod ang pagpasok ng mga customer sa karinderya na pagmamay-ari ng isa sa mga kumare ni Papa, si Tiya Martha.

Mas lamang nga lang ang memorya at iniisip ko. Kahit kasi anong gawin ko ay hindi 'yun kailanman natanggal sa loob ko.

"Aster! Kailangan kita rito!" Sigaw ni Aling Martha kaya naman mabilisan kong nilinis 'yung lamesa bago lumapit sakanya na kasalukuyang nagluluto ng sinigang.

Para 'ata sa karinderya o ulam nila kasi wala akong memorya na nagluto siya ng ganito 'e.

"Bakit po?" Magalang kong tanong kahit na ang totoo'y halos mamaluktot na ko sa init.

Hindi ako sanay sa ganitong trabaho o kahit na sa ganitong klase ng lugar pero I know I need to thrive to save my face from shame around the clan of Madrigal and Tolliedo, my family line.

Well, long story short. I had to pay my Father's debt by selling what I thrived for, I got fooled, and that led my publishing company to an abrupt bankrupcy. Kung hindi ko pa naagapan ay baka nasa kulungan ako ngayon.

Those are the very reason why I'm working here right now sa karinderya even though this doesn't suit much for my liking. Hindi ako sanay magtrabaho in crowds but I know I have to earn for my expenses na rin since nobody will come for my help except me, I'm sure of it.

My family is wealthy... before. I am also wealthy before. Before my Dad did all those atrocity and before that son of a bitch intruded in our lives.

Kung hindi sana nila nagawa o ginawa sa'min 'yun ay matiwasay pa rin ang buhay ko sa publishing company na matagal kong itinaguyod pero nalugmok lang sa buhanginan. If not for them, I would've still been sitting on my pile of cashes right now.

"Paabot nga ng hipon at 'yung magaling kong anak ay nag-cellphone nanaman kahit hindi pa tapos sa trabaho rito. Nako'y baka may boyfriend na nga iyan!" Inis niyang maktol habang tinuturo ang baboy na nilinis 'ata ng anak niyang si Marienne o kilala rin sa tawag na 'Val'. Marienne Valerie Valleste kasi buong pangalan niya.

"Wala ho, Ma!" Sigaw naman ng anak na siyang ikinatawa ko na lang.

Mukha ngang wala talaga siyang boyfriend kasi nakikita ko lang naman siyang nagbabasa ng mga historical manhwas diyan o ano. Ang hilig niya pa ngang bumili ng light novels.

"Para kanino po pala 'yang sinigang? Hindi niyo naman specialty 'yan ihain. Bagong taste po ba?" Tumawa ako atsaka iniabot ang itinuro niya.

"Para kay Mister Vuerrero! 'Yung suki kong gwapo rito lagi 'yun pero 'nung nakaraang taon ay naging business manager 'ata kaya ayon, hindi na nakabisita at ngayon na lang bumalik! Aba'y na-miss ko ang batang 'yun, oy! Halos ilang taon din siyang nawala!" Sambit nito na ikinakurap ko kasi parang pamilyar 'yung pangalang binanggit niya pero ipinagsawalang-bahala ko na lang kasi baka parehas lang ng pangalan.

Common nga naman 'yung Vuerrero na pangalan o apelyido. Kahit saan maririnig mo 'yan. Hindi naman pwedeng 'yung tatay ng driver ko 'yan noon bumalik para bilhin 'yung kompanyang pinaghirapan ko.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon