Maaga akong nagising para magluto ng breakfast nya. Naalala ko na naman yung kagabi wala ng mas sasakit pa sa sinabi nya pero naiintindihin ko sya.Napatigil ako sa pag iisip ng biglang pumunta si Astrid dito sa kusina para uminom ng tubig . Naiilang ako kasi naka boxer shorts lang sya hindi naman sa first time ko syang makitang naka boxer shorts sadyang hindi lang ako sanay. Tinignan ko sya halata sa kanyang muka na bago syang gising at gulo gulo pa ang kanyang buhok pero kahit ganun ang gwapo nya pa din.
"M-malapit ng maluto to kumain ka muna bago p-pumasok sa trabaho" shit bat nauutal ka Flaire naiilang kasi ako naka boxer shorts lang sya kita ko yung katawan nya tapos yung baba na may umbok hawakan ko kaya ay shit ano ba tong nasa isip mo Flaire. Napapikit ako ng mariin.
"Dba sabi ko sayo kagabi ayokong kumain ng luto mo" He said coldly.
"O-okay" naiilang kasi talaga ako.
Nangunot ang noo nya bakas sa kanyang muka ang pagtataka kung bakit ako nauutal magsalita.
"Ano bang problema mo? Kanina kapa nauutal" inis nyang sabi sakin.
"A-ano pwede ba mag damit ka muna naiilang kasi ako" sabi ko sa kanya ng hindi sya tinitignan pinatay ko na ang Gas stove at naghanda na ng pagkain nya.
"Naiilang ka? Dba sanay kana sa ganitong nakikita yung mga lalake mo ilan ba? Siguro hindi lang to yung pinapakita nila kaya wag kang mag kunwari na naiilang ka dahil isa kang malandi". Inis nyang sabi.
Bigla akong napatingin sa kanya namumuo na naman yung luha ko pero pinigilan ko ito at nginitian sya.
" Naiintindihin ko kung bakit ganyan tingin mo sakin, kung ayaw mong kumain ng luto ko ayus lang ako nalang kakain mamaya".
Tumalikod nako agad sa kanya ang kaninang ngiti sa aking labi ay napawi napalitan ito ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
Lumabas ako ng bahay pumunta ako sa garden at umupo sa bench tuloy tuloy parin ang pag agos ng mga luha ko sa aking mata kung alam mo lang Astrid yung pinag daanan ko kakaawan mo kaya ako or baka sasaya kapa lalo.
Naalala ko na naman yung gabing yun.
Flashback..
Nagulat ako ng nakita ko si mama na tumatakbo papunta sa kwarto.
"Mama bakit po ano pong nangyari?" nagtataka kong sabi sa kanya
Kinukuha nya yung mga damit ko at nilalagay sa bag.
"Anak kailangan mo ng umalis dito pumunta ka sa papa mo". Bakas sa mata ni mama ang pag aalala naguguluhan ako sa inaasata ni mama ngayon.
" Ma ano po ba kasing problema alam nyo naman na ayokong umalis sa inyo kayo nalang pamilya ko ma wag ganito". Naiiyak kong sabi kay mama.
BINABASA MO ANG
Until the End (Ongoing)
RomanceSya si Akiesha Flaire Chavez ang babaeng hindi sumusuko sa kahit anong bagay. Kahit hindi sya mahal ng kanyang Asawa kahit sinisisi sya nito dahil sa pagkamatay ng dating minamahal ng kanyang Asawa. Ano nga ba ang gagawin ni Flaire? Kapag dumating...