GRATEFUL
LEONARDO
I wasnʼt okay these past days.
I wasnʼt mentally stable because I couldnʼt talk to her. Nililimitahan ko ang sarili ko na kausapin siya dahil alam ko na mayroon dapat siyang pagtuunan ng atensyon. Dapat mas bigyan niya ng atensyon si Andy bilang boyfriend niya. I was quite considerate and at the same time a coward. Kahit kaunting oras lamang ay hindi ko pa rin siya kayang kausapin.
I was losing my mind. I couldnʼt focus on school. Mamaya na ang araw ng exam namin pero heto ako na kahit magbasa ng libro ay wala akong gana. Nawalan ako ng gana sa lahat. Have I drained myself too much to lose interest and motivation?
Humiga lamang ako sa kama ko habang pinapalipas ang oras nang walang ginagawa. Tanging paghinga ko ang naririnig ko sa buong kwarto. No clock ticking, no one was with me. Just me. Sobrang tahimik ng kwarto ko.
I woke up early as usual at hindi man lang ako ginaganahan na kumain ng agahan.
“Sir Leonardo, may dala po akong almusal para sa inyo.” sabi ng kasambahay namin. Kumatok siya sa pinto saka binuksan ito makalipas ang ilang segundo na hindi ko siya kinibo.
“Pakilagay na lang po sa lamesa ko.” pakiusap ko.
“Sige ho Sir, kainin niyo ho agad at baka lumamig.” pinatong niya iyon sa table ko tulad ng sinabi ko sa kaniya. Pagkatapos niyon ay lumabas na siya.
Kahit isang tango ay hindi ko maibigay.
I sat at my messy bed then I brushed my hair with my fingers. I glanced at my table to see what they had prepared for breakfast.
“What the hell are you doing with your damn ass?” I heard Calvin cussed at the door with his usual posture—leaning the wall and crossing his arms with his cold look on the face.
I laid back down again and breathed heavily. “It has been 5 days straight and you still donʼt have plans to get off of your not-so-soft bed?” he said, sarcastically.
Five days wasnʼt that long enough to be treated as a big deal. Heʼs just making a fuss about it so he could pester me everyday.
“Shut up.” I frowned.
“Shut up.” he imitated in a very disturbing way.
Kinuha ko ang unan sa gilid saka itinakip sa tainga para hindi ko marinig ang mga susunod na sasabihin ni Calvin. I am well anticipating he would scold me more.
“Tanggalin mo nga ʼyang nakatakip sa tainga mo!” saway niya. Partida, may nakatakip na sa tainga ko pero naririnig ko pa rin siya. Ganoon kalakas ang boses niya.
Narinig ko ang yabag ng paa niya na lumakas. Papalapit na siya sa akin. Naramdaman ko na lang na nakalapit na siya nang agawin niya ang unan na hawak ko. “Ano ba kasing problema mo?!” Hinampas ko siya ng unan na pinangtakip ko sa tainga ko. Naiinis na ʼko eh.
“Ngenang ʼto.” bungisngis ni Calvin. “Magpapaka-broken ka na naman parang bakla.”
“Hindi ako nagpapaka-broken.” kontra ko. “At hindi ako bakla.”
“Limang araw ka hindi lumalabas ng kwarto, tapos ʼpag pinuntahan kita rito, sasabihin mo wala kang ganang kumain at wala ka sa mood.” aniya. That was detailed. Damn.
“Kilala ko ugali mo Leonardo Johann Hudson Scottsdale.” tinulak niya ako na naging dahilan kaya nalaglag ako sa kama. “ʼDi mo ʼko maloloko.” I can imagine him smirk while my whole body was on the floor. Natatakpan ng mga unan ang mukha ko kaya hindi ko makita kung anong ginagawa ni Calvin.
BINABASA MO ANG
Three Steps To You ✔︎
Novela Juvenil[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 3 "If you want to fight, Lorraine, then let me fight with you." December 30, 2021 - August 10, 2022