It’s already 8:15 in the morning 8:00 am din ang pasok ni Sachi.
“My gosh! Late na ko! Aisshhh! hindi ko na naman na alarm ung clock.”
Dali-dali na siyang bumangon nag tooth brush, naligo, nagbihis at nag ayos pagkatapos ay umalis na sa condo. 30 mins lang naman ang biyahe niya papuntang school. Pagkadating sa school ay hingal na hingal na siya sa pagmamadaling umakyat papunta ng klase.
“Good Morning Ma’am—“ Pagbati niya sa klase nang binuksan niya na ang pinto.
“Ms. Honoka anung kinaganda ng morning kung late ka naman, 2 periods tayo but doesn’t mean pwede kayong ma late ng 1 hour.” Mrs. Dela Fuentes interrupted habang nakataas ang isang kilay. Nagtawanan ang kanyang mga kaklase.
“Keep quiet class! Ms. Honoka umupo ka na” Utos naman ni Mrs. Dela Fuentes habang pinagpatuloy ang pagsusulat sa board. Napakamot na lang sa ulo si Sachi at agad na pumunta sa kanyang upuan.
“Bakit ka late? Siguro magdamag ka na naman nag iinternet noh” Bulong sa kanya ni Anessa.
“Uhm alam mo na the usual.” Nakangiting sagot sa kanya ni Sachi
After ng 1st period nag-ring na ang bell and it’s finally their breaktime. They’ve decided to go in a mall pero dahil secretary si Sachi ng student council hindi sya makakasama sa barkada.
“Guys kailangan ko pa pumunta ng meeting next time na lang ako sasama ha.” Sabi ni Sachi sa barkada habang inililigpit nito ang kanyang mga gamit.
“Sige! Magtext ka na lang mamaya kapag tapos na yung meeting niyo para makabalik kami agad” Sabi naman sa kanya ni Charles nang palabas na ito ng room nila.
“Okay!” Sagot ni Sachi.
Umakyat na si Sachi sa auditorium kung saan sila magmi-meeting at umalis na din yung limang barkada niya na sila Anessa, Charles, at ang magkapatid na sina Nancy at William.
After an hour nang matapos na yung meeting nila dumiretso na siya sa school cafeteria dahil nakaramdam na siya ng gutom at doon nga’y nagtext na siya sa kanyang mga barkada.
Guys, 15 mins. na lang magtatime na balik na kayo
-GM to Barkada group
Matapos ng klase nila kanya kanya na silang ruta na magbabarkada pag uwian maliban na lang kay William at Sachi. Magkapatid sina William at Nancy ngunit magkaiba sila ng ina kung kaya’t hindi pareho ang tinitirhan nila. Kahit magbarkada sina Sachi at William ilang pa rin sila pareho sa isa’t-isa dahil sa nakaraan kaya naman hindi sila nagsasabay kahit iisa lang ang dinaraanan nila.
“Sachi!” Tawag ni William nang makababa na si Sachi sa jeep. Kita namang nagulat siya at nagtaka kung bakit sumunod si William sa kanya.
“O William dadaan ka din ba sa restaurant niyo?” Tanong si Sachi.
Hindi masabi ni William na gusto niya lang ihatid si Sachi at may ipapakiusap siya sa manager kaya nagdahilan na lang ito.
“Ah oo eh, nagutom kasi ako bigla.” Nakangiting sabi ni William.
Napayuko si Sachi at napangiti ito, sabay tumalikod at dumiretso na papuntang restaurant. Sumunod na lang din si William sa kanya. Pareho silang pumasok sa Staff entrance.
“Sir William what brings you here do you need anything?” Tanong naman ni manager.
“Can we talk in your office?” Sagot ni William.
Nagpunta sila sa office room at doon nag usap samantalang si Sachi naman ay nakapagpalit na ng uniform at nag umpisang magtrabaho.
“Sir ano po yung gusto niyong sabihin?” Naupo sila pareho sa couch.

BINABASA MO ANG
Journey to Virtual World
Teen FictionThis story is about Sachiko Honoka that is so-called “a girl who lives on the internet.” One day her cousin sends a link of a new virtual game called “Journey to V-World.” When she started to play this game as Aria Aoi there’s a mysterious guy named...