Andito ako ngayon sa Garden ito lang naman kasi ang tambayan ko, bawal akong lumabas baka kasi kung ano na naman isipin ni Astrid.Maagang umalis si Astrid dahil may trabaho sya si Mommy Eva naman umalis na din hindi ko nga sya naabutan sabi ng Guard sakin kanina sabay daw silang umalis ni Astrid.
Nagtxt naman sakin si Mommy Eva na hindi na sya tutuloy dito for 1 week kasi may biglaan syang lakad kasama mga friends nya.
Hindi nya siguro alam yung nangyari kagabi , naalala ko na naman ibang iba si Astrid kagabi yung muka nya puno ng pag aalala siguro okay na kami sana napangiti ako.
Pumasok nako sa bahay para magluto for Lunch pagtingin ko sa Ref wala na pala kaming Stock kaya mag grocery muna ako bibili na din ako ng gamot para akong lalagnatin dahil siguro nag paulan ako kagabi.
Naligo lang ako saglit. Pagkababa ko kinausap ko agad si Manong Guard na mag Grocery lang ako saglit.
"Ma'am pahatid ko nalang po kayo sa Driver"
Ngumiti ako sa kanya at umiling.
"Wag napo Manong saglit lang naman po ako."
"Sige po Ma'am, Ingat po kayo."
Tumango na lamang ako paglabas ko sa Subdivision nagpara agad ako ng Taxi.
Pagdating sa Supermarket namili agad ako, hindi ko maiwasan makaramdam ng hilo kaya napapikit ako ng mairin. Napahawak ako sa Pushcart.
"Hey Miss ayus ka lang?"
Sabi ng lalaki naramdaman kong lumapit sya sakin.
"I'm okay siguro sa gutom lang to" sabi ko sa kanya pero nakapikit padin ako.
"Ikaw ba yan Flaire?"
Dinilat ko na ang mga mata ko pagtingin ko si Aaron pala ang kambal ni Astrid.
"Ikaw nga" masaya nyang sabi "bakit hindi kapa kumain nahihilo ka tuloy."
Kung si Astrid masungit malaki ang pinagkaiba nila dahil si Aaron mabait Gentleman pero Playboy.
"Wala na kasing Stock sa bahay kaya nag Grocery ako."
"Tulungan na kita" ngiti nyang sabi sakin, hindi na ako tumanggi dahil baka tuluyan na akong matumba dahil sa pagkahilo ang tanga mo talaga Flaire bat kasi nagpaulan ka inis kong sabi sa aking isip.
"Bakit hindi mo kasama si Kuya? Wag mong sabihin mas inuuna nya yung trabaho nya kesa sayo?"
Umiling ako.
"Hindi sadyang busy lang talaga kuya mo."
"Pinag tatanggol mo pa si Kuya Flaire, alam ko ginagawa nun sayo hanggang ngayon si Yumi padin ba Mahal nya?"
Napatigil ako sa paglalakad.
Ngumiti ako sa kanya.
"Hayaan mo na si Kuya mo, naiintindihan ko naman kung bakit sya ganun sakin."
Isa pa sa pinagkaiba nilang dalawa ni Astrid. Si Astrid berde ang mga mata si Aaron naman brown namana nya kay Mommy eva yung kay Astrid naman kay Daddy Aiden.
BINABASA MO ANG
Until the End (Ongoing)
RomanceSya si Akiesha Flaire Chavez ang babaeng hindi sumusuko sa kahit anong bagay. Kahit hindi sya mahal ng kanyang Asawa kahit sinisisi sya nito dahil sa pagkamatay ng dating minamahal ng kanyang Asawa. Ano nga ba ang gagawin ni Flaire? Kapag dumating...