Isang taon na naman ang nakalipas, 4th year na ako wala pa ring pagbabago, NBSB pa rin. Hindi naman sa pagrereklamo kaso gusto ko rin naman matry na may kaakbay, kayakap, kahalikan (ay joke lang hehe).Seryoso, gusto kong masubukang mainlove.Hay, hindi naman ako pangit, hindi rin bobo,may sense kausap, ay ewan baka wala pa lang talaga hanggang gm gm lang talaga ako sa text walang ka "I love you."
Teka, bago ko isalaysay lahat ako nga pala si Lea.Isang mabuting anak char hehe. Hindi pangit, hindi rin gaanong kagandahan pero pwede na.Hindi bobo,hindi ron gaanong katalino pero wala akong bagsak ni isang subject takot ko lang sa mama ko. Makwento ko lang may isa akong subject nuon na nagline of 7 ako, as in 79.First time ko, kahit na nga hindi pa naman final grade parang bagsak na bagsak ako.Iniyakan ko pa nga ng ilang gabi dahil hindi ko masabi sa nanay ko, ayaw ko siyang madisappoint. Pero hindi ko na talaga naitago, isang gabi narinig niya akong umiiyak, humahagulhol.Sino naman ang hindi makakarinig eh magkatabi lang ka ming matulog nuon.Buti nalang noong nalaman niya ay naintindihan niya at bumawi lang daw ako sa finals,at yun nga nakabawi naman ako.
Teka lang parang masyado na akong nagkukwento about sa ibang bagay sa buhay ko.Basta ang gusto kong ikwento ay tungkol sa love life kahit wala pa naman ako kahit isa.Masyadong madrama kasi ang ibang bagay tungkol sa buhay ko char.hehe
Seriously, mas gusto ko talaga magkwento about sa love life.Gusto kong mashare kong gaano kasarap at kasakit magmahal.Alam ko naman wala pa kong experience niisa pero malay natin meron na sa susunod na Part ng kwento ko.🤭