Chapter 2: A Satisfier.

1.5K 9 3
                                    

Chapter 2: A Satisfier.

 

 

 

Paggising ko. Wala nasi Jervin sa tabi ko. Kinusot ko ang mata at sumandal sa headboard ng kama. Sakit na naman ng buong katawan ko. Kinuha ko mula sa side table ang phone ko at nakita kung may message dun si Jervin.

From: Jervin

I forgot to ask you. Who's with you last night?

 

Yan lang ang message niya! Sino naman ang tinutukoy nito? At kailan pa siya nagtanong sakin about sa mga nakakasama ko.

Magrereply na sana ako ng magvibrate na naman ang phone ko, another text message from him.

From: Jervin

You don't need to answer that! Anyway, ano sa palagay mo ang mas magandang ibigay kay Louise? Necklace? Or a ring?

 

Napairap ako at naihagis ko ang phone sa tabi ko. Aga-aga ako tatanungin niya ng ganon! Louise Chua. Siya lang naman ang babaeng gustong gusto ni Jervin. Mahal na mahal siya ni Jervin na halos kulang nalang ibigay niya ang buong mundo dito! Bagay na kinaiinggit ko! Matagal ng nanliligaw si Jervin dito at matagal narin niyang dinededma si Jervin. Nakakatawang isipin na ang lalaking mahal na mahal ko balewala lang sa iba. Hindi ko naman masabi kay Jervin ang nararamdaman ko dahil noon palang malinaw samin hindi na talaga pedeng maging kami or else kailangan naming pakawalan ang isat-isa. Natatakot naman ako na iwan niya ako!

Maya-maya lang nagring na ang phone ko! Sinagot ko ito agad.

"Naistorbo ko ba ang pagtulog mo?" Tanong niya agad sakin mula sa kabilang linya.

"Hindi naman. Kakagising ko lang." Husky pa ang boses ko dahil sa bagong gising lang ako at dagdagan pa ng sakit ng katawan ko.

"Uhm.. So ano? Narecieve mo ba yung text ko?" Pagkukumpirma niya. Masakit man sa part ko dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya para kay Louise. Pagmamahal na pinapangarap kona sakin na lamang niya ibaling.

"Necklace!" Sabi ko. Hindi pa naman kasi sila so bakit niya bibigyan ng ring. I hung up the phone at muling nahiga.

Nakatingin lang ako sa kisame! Palagi nalang ba kaming ganito ni Jervin pumayag ako dahil sa paraan nato nakakasama ko siya! Nakakasama ko ang lalaking mahal ko.

******************

"Hay nako! Give up ka lang ng give up dyan kay Jervin! Isipin mo naman ang sarili mo." Nakakunot noong sabi ni Lyndin. Siya kasi ang pinaka-bestfriend ko since college. Alam niya ang nangyayari samin ni Jervin, at sa bagay nayon hindi kami nagkakasundo, dahil sa totoo lang ayaw niya talaga kay Jervin.

"Call me slut! It's okay with me. Because that's the truth." Sabi ko ng punong puno ng lungkot ang boses. Masakit man sakin I-admit ang katotohanang iyon wala naman akong magagawa dahil hanggang dun lang ang papel ko sa buhay ni Jervin.

His Bed Partner(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon