Chapter 16

4.4K 120 15
                                    

"Nadinig mo ba ang tsismis? Nasa opisina daw ni Sir ang girlfriend niya."

Dinig niyang sabi ng ibang empleyado sa likuran niya. Sakay sila ng elevator at patungo na siya sa top floor habang ang mga ito ay sa ibang floor naman kung saan ang mga department ng mga ito.

"Oo, nag text sakin si Anna. Nakahawak pa nga sa braso ni Sir ang babae at malambing daw na nakasandal sa balikat."

"Ha! Akala ko may something si Sir sa secretary niya?"

Mukhang di pa alam ng mga tsismosa na kasabay siya nang mga ito.

"Asa ka namang papatulan yun ni sir, baka ginawang paraosan lang yun. Alam mo naman ang mga lalaki pag may gustong kunin sayo eh lalandiin ka ng husto."

Napakuyom ang kamao niya pero hindi siya nagsilata.

"Kalat na nga sa ibang department na may ginagawang kakaiba ang secretary ni Sir. Nakita din daw yan na nakipag landian sa ibang head department's."

What the hell?

"Totoo? Sino?"

"Si Mr. Pascua daw. Naghalikan daw ang dalawa sa opisina nito ayon sa secretary ni Mr. Pascua."

"Ay ano ba yan nakakadiri. Ang tanda na kaya ni Mr. Pascua."

"Sinabi mo pa. Sana ipatanggal na yan ni Sir Blaine dahil nasisira ang image nang kumpanya pag umabot sa iba na may secretary siyang malandi."

Tumikhim siya at agad na naglingunan ang mga ito sa kanya at kita niya ang pamumutla nang dalawang tsismosa habang nakatingin sa kanya.

Hindi siya nagsalita bagkus tinitigan lang ang mga ito at nang bumukas ang pinto ay agad na naglabasan ang kasabay niya kaya napasandal siya sa elevator wall.

So talagang pinagchichismisan siya. And even Mr. Pascua got involved. Goodness ilang beses niya lang nakaharap ang matanda at lahat yun ay sa opisina pa ni Blaine. Anong klaseng utak ba ang meron ang secretary nito?

Nang nasa top floor na ay agad siyang lumabas ng elevator at naglakad patungo sa opisina ni Blaine. Ipinagtaka niya ang pagkakasara ng pinto maging ang pagdilim nang salaming bintana nito.

Agad siyang binundol nang kaba nang makatayo na siya sa pinto. Wala naman siyang maririnig kung may milagro itong ginagawa sa loob dahil soundproof ang opisina nito.

The moment na kakatok sana siya sa pinto ay ang pagbukas naman non at nagkatitigan sila ng babae na nasa loob ang opisina ni Blaine.

Maganda ito, tila supermodel ang aura.

"Selene." Blaine said kaya napatingin siya dito. Hindi niya nagustuhan ang tila pagkakataranta nito maging ang bakas ng lipstick sa leeg nito. "I can explain."

"Who are you? Kaano ano ka ng fiancé ko?" Tanong ng babae sa kanya.

"Beatrice!"

So ito si beatrice.

Sinamaan niya nang tingin si Blaine bago siya ngumiti sa babae.

"Good morning. To answer your question, I am your Fiancé's ex secretary. Mag reresign ako effectively today." She said bago tumalikod sa mga ito.

Galit siya. At ayaw niyang sumabog sa opisina dahil baka masaktan niya lang ang dalawa ng pisikal.

"Selene wait. Damn it let me explain." Sabi ni Blaine na sumunod sa kanya habang ang fiancé nito ay nakataas ang kilay na nakatingin sa kanila. "Beatrice is not my fiancé. Ilang ulit ko bang sasabihin yan? At wala kaming ginagawa sa loob ng opisina."

"Explain mo yan sa leeg mong May lipstick." Angil niya bago pilit na hinihila ang braso niyang hawak nito. "Bitaw."

"No. She tried to kiss me ok? Pero tumingala ako kaya sa leeg ko dumampi ang labi niya. Fuck we've only been in the office for five minutes at kung may gagawin man kaming kamunduhan eh subrang bilis ng limang minuto. I promise Selene, we didn't do anything. Please believe me."

"Eh bat yan andito?" Tanong niya sabay tingin sa babaeng pinapanood sila.

"Dahil kinumpronta siya ni mama. My mom told her to stop her delusions na fiance niya ako. Kaya ako ang sinugod niya."

Hindi siya nagsalita at tila ikinabahal iyon ni Blaine.

"Please baby, kahit tawagan mo si mama. I promise Selene, I didn't cheat on you."

"Blaine." Beatrice said bago sila nilapitan. "Sino ba ang babaeng yan? Nakakaisturbo na yan sa atin."

"Beatrice for fuck sake leave me alone." Galit na sabi ni Blaine na ikinagulat nilang dalawa ni Breathe. "I don't like you, I don't have plans of marrying you. Heck I don't even wanna see your face." Blaine said na ikinapula ng babae. "See her?" Turo nito sa kanya. "She's my girl and we have a son. Yes, at kung may babae man akong papakasalan. Siya lang yun."

Blaine

Rumor Has ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon