I was silent the whole ride. I would only talk if he's asking me. I didn't want to annoy him or what. I drank alcohol, I'm afraid I cannot control myself. Baka kung ano pa ang masabi ko. Mananahimik na talaga ako. Forever!"Did you tell your girlfriend that you're gonna drive me home?" Ayokong maging kabit! Saka I believe red flag 'yon kung hindi niya sinabi sa girlfriend niya na ihahatid niya ex niya! Very bad 'yon!
"Yes... Actually, she pushed me to do this because I was hesitant at first.. Baka kung ano raw mangyari sa inyo ni Karenne. And I texted her that Khalil was there, so it's just me and my ex in my car. She's fine with this... We're here," he uttered. It was almost a whisper. "Why are you still living here?" I know what he meant by that.
"Safe na ako. May tao na sa katabing apartment. Salamat nga pala." Tumango lang siya sa akin at hinayaan na akong bumaba ng kotse niya.
The next months went like the usual. Except from the fact that Markus is our pilot for the next flights. Sana si Denver nalang! Mas okay pa 'yon. Mas kaya ko pang tiisin ang pang-aasar ni Denver kaysa sa pagmumukha ng ex ko.
Ah talaga ba, Pia? Tangina. Guwapo siya pero pang-sa-demonyo naman ang ugali!
Nakatungo akong naglakad palapit kay Markus. Inilapag ko sa harap niya ang kape niya at inilapag naman sa harap ni Andrea ang mango shake niya. Ginawa pa akong utusan ng mga tamad na 'to.
"You didn't order for yourself?" I pursed my lips together and shook my head. "Why?"
"I'm on a diet, Cap." Diet o walang pera? Naiwan ko ang wallet ko sa hotel!
"You should order for yourself. It's on me." Halos mapairap ako nang ilahad niya sa akin ang cash niya. "Do you have the right to roll your eyes at me, Ms. Zendejas?" His jaw clenched and his brows furrowed.
"Why? Are you offended?"
"Not really." He shrugged.
Ang yabang niya na! Akala niya luluhod ako sa harap niya kapag nagalit siya? Hah! Magdusa siya! Wala akong pakialam!
Nang sumapit ang gabi, hindi ako nakakatulog. Tulog na sina Andrea at Lira na kasama ko sa hotel room. Inayos ko ang sweater at pajamas ko bago lumabas ng k'warto. Nagtungo ako sa bilyaran. Walang masyadong tao. May isang grupo lang ng kalalakihan at mayroon ding naglalarong dalawang lalaki. Puro lalaki! Mukhang mali ang naging desisyon ko!
"Sophia?" Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. 'Yung first officer namin... Natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Markus na nagsasargo. He looked hot... Huh?! Anong hot?
"A-Ah babalik na ako sa room-"
"Join us! Tuturuan kita-"
"She knows how to play billiards, Ian." And it was because of him! He taught me how to play billiards. Nag-angat siya ng tingin at pasimpleng ngumiti.
Nahihiya akong lumapit sa kanila. Markus handed me his cue stick. I positioned myself and hit a ball. It went in. I looked at Markus and Ian. Ian was clapping while Markus had a smirk on his lips.
Our game continued and the two pilots bought a bottle of wine for us. I was silent the whole game. Sila lang ang nag-uusap. Ayokong sumali sa usapan nila. Kaya lang naman ako nandito dahil hindi ako makatulog.
"Musta kayo ng gf mo, pre?"
"We're... fine." Liar. They weren't in good terms.

YOU ARE READING
Bewildering Flights with you, Captain
RomanceA graduate of BS in Tourism Management, a Flight Attendant of PhilAero, an online seller, event host, and a beauty queen. How can someone reject Sophia Ava Pineda? Pia loves to explore things, in love and in life. She believes that flights are a way...