One Shot Story

2.3K 65 7
                                    

Ako si Sky at ito ang kwento ko ng mainlove ako ng todo sa bestfriend ko..

------------

6yrs old pa lamang ako nang dalhin ni mama sa pinagtatrabahuan niyang mansion. Araw araw ay sinasama niya ako at naglalaro ako doon sa tabi niya habang naglalabada siya.

"Nanay natalbog yung bola sa malayo!" sigaw ko habang nakaturo sa bola.

"Eh di kunin mo! Mag-iingat ka kasi!" sabi ni inay.

Tinakbo ko yung bola.

Subalit napaatras ako nang makitang hawak hawak ito ng isang batang lalaki.

"Akina yung bola ko!" sabi ko.

"Sayo ba to? Bakit ka andito sa loob ng bahay namin?" tanong ng bata.

"Kasama kong nanay ko.. Nasa likod siya at naglalaba..." sagot ko.

Napatango naman ang bata.

Ang gwapo niya at ang ganda pa ng suot niyang damit.

Marahil magkasing edad lang kami.

"Ako nga pala si Rain... Ikaw?" pagpapakilala niya.

Inabot niya ang bola sa akin at agad ko naman itong kinuha.

"Ako naman si Sky.." sagot ko.

Narinig ko ang pagtawag ni nanay sa akin kaya napalingon ako.

"Sige alis na ko.. Tawag ako ng nanay eh..." paalam ko.

"Okay... Friends na tayo ha?" sabi ni Rain.

"Oo ba!" nakangiti kong sagot.

At doon nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Rain.

Araw araw kaming magkasama..

Magkasangga hanggang sa kami ay lumaki.

Siya ang itinuring kong bestfriend at ganun din siya sa akin.

Sabay kaming nag-aral..

Kung nasaan siya doon din ako.

Itinuring na anak at pinag-aral din kasi ako ng mommy niya.

"Yuck, ambaho mo na Sky! Maligo ka nga!" sigaw ni Rain sa akin.

Nang-aasar na naman ang isang to..

Sa araw araw na magkasama kami ay palagi kaming naghaharutan.

"Asus! Eh bakit ka dikit ng dikit sa akin?" sabi ko.

Nakangisi pa ako ng malapad.

Naghaharutan pa kami nang may lumapit sa aming isang estudyante.

"Sky... May naghahanap sayo.. Pinsan mo daw." sabi nito.

Bumakas ang saya sa aking mukha.

"Andito na si Grace! Tara dali Rain!" sigaw ko at excited na hinila si Rain patungong may gate ng school.

College na kami.

Si Grace ay pinsan kong taga probinsya.

Dito na daw siya mag-aaral sa manila.

"Grace!" tawag ko rito nang makita ko siyang nakatayo sa may gate.

Kaagad naman siyang kumaway sa akin.

"Dahan dahhan naman Sky! Kung makahila ito oh wagas!" angal ni Rain.

"Bilisan mo kasi!" asar. .

I'm Luckily Inlove with My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon