******
"Pre! Si Abby oh!" Sabi sakin ni Mark sabay turo sa likod ko kaya tinalikuran ko siya para makita si Abby."Hi Abby! ^_^" bati ko!
" o_O NakakaInis ka! NakakaInis ka! NakakaInis ka! Arrrghh!"
Sabi ko nga yun lang din sasabihin niya sakin! Pagkatapos niyang sabihin yun umalis na siya sa harapan namin ni Mark papasok sa classroom."Pre yaan mo na! Marami pa diyang iba!" Sabay akbay nito sakin. Pero alam kong nang aasar lang to. Lagi kasi tong si Mark ganto kapag nakakasalubong namin si Abby tapos sasabihin sakin yung sinabi niya kanina na NakakaInis ka!
"SiraUlo ka talaga! Tara na nga! Panigurado andon na sila James sa room."
"NakakaInis ka! NakakaInis ka! NakakaInis ka!" Mark, mimicking Abby's voice! Pang asar talaga!
"Oh! Pre ano yan!?" Salubong samin ni James sa pintuan ng classroom.
"Syempre pre alam mo na kung sino nagsasabi ng 'NakakaInis ka!' Sa kaibigan nating 'NakakaInis' daw."
Si Mark na ginalaw pa ang daliri na akala mo dinedemo yung panipi sa salitang NakakaInis ka!.
"Hahahaha!! Kawawa ka naman Pre! Mukang wala ka na talafang pag asa kay Abby."
Siguro kung may Best supportive best friend award panigurading nangunguna tong dalawa. Insert sarcasm.ByTheWay! Kanina pa ako nag kekwento dito di niyo pa ako kilala. Tss. Ako nga pala si Asher Louie Sandoval. 16 years old, fourth year highschool. Si Abby siya lang naman ang crush ko simula nung lumipat kame sa subdivision nila. Nakakabakla pero yun talaga ang totoo.
"Ay Girl bakit ganyan na naman yang muka mo!? Pinagsakluban ng langit at lupa!" Narinig kong sabi ni France kay Abby pagkapasok namin dito sa classroom. Best Friend niya.
"Kasi naman Girl nakita ko na naman yung lalaking yun! NakakaInis talaga siya. Arrrrggghh!!"
Di kase ako kita ni Abby kaya nasasabi niya yan. Nakatalikod siya samin.
"Girl hinay hinay lang! Ayun si Ash oh!" Bulong ni France kay Abby, ewan kung bulong ba yun.
"o_O Arrrrggghhh!! >.< NakakaInis Talaga three times! Period."
Yan na naman siya sa NakakaInis ka! With three times."Pre! Bakit lagi bang Naiinis yan si Abby sayo!?" Biglang bulong sakin ni James. Tapos pa sikretong nakatingin kela Abby tas France na naguusap parin hanggang ngayon.
"Oo nga Pre! Siguro may kasalanan ka sa kanya! Diba magkapit bahay lang kayo!?" Si Mark naman.
"Mga siraulo!! ni hindi ko nga malapitan yan simula nung sinabihan niya akong NakakaInis ka!" Totoo yun!
"Ano ba kasing nang yari!? Bakit sinabihan ka niya ng NakakaInis ka!"
Okay! Nag duet yung dalawa. Kelangan ko ng magkwento.
"Kasi ganto yun......"*FlashBack*
"Mommy pwede po akong maglaro sa play ground!?"
Sabi ko kay mommy. Bagong lipat kase kame sa subdivision na to.
"Okay! Wag lalayo.... be careful!"
"Yes mom!" Tapos nagtatatakbo na ko papunta ng playground. Pagkarating ko ng play ground ang daming bata na naglalaro sa slide, swing, seesaw, pero isa lang napansin ko, batang babae na magisang naglalaro sa sandbox mukang gumagawa ng sand castle kasi tumayo siya tapos lumapit sa may public faucet dito sa playground at kumuha ng tubig.
Nung makalapit na siya sa ginagawa niya lumapit rin ako sa kanya.
"Hi can I join !?" Tinignan niya muna ako ng matagal yung parang sinusuri tapos biglang sinabi ang.....
"NakakaInis ka! NakakaInis ka! NakakaInis ka!
"Why!?" Nakakapagtaka first pagkikita namim sinabihan niya ako ng 'NakakaInis ka'
"Basta! I don't want to play with you."I was 8 years old back then, when I heard that first six word from her.
*End of FlashBack*
"Oh! Diba wala naman akong kasalanang ginawa. Nagtanong lang ako kung pwede sumali sa kanya tapos yun yung sinagot sakin."
"Tss. Ang panget mo siguro Pre nung bata ka!?" James
"Sira! Sa gwapo kong to!" Sabay turo ko pa sa sarili ko.
"Hooooh! Ang hangin Pre!" Si Mark na kumuha pa talaga sa bag niya ng... pamaypay!? Bat meron siya niyan!? Malamig naman dito sa classroom namin. Aiiissshh! Ewan. Si Mark kase maarte. Pati rin si James yung kala mo bakla pero hindi talaga. Ayt! Basta!
"Gwapo naman talaga ako ah! Angal ka pa eh!".....
"Girl! Ano bibilin mo!?" Tanong ni Abby. Andito kasi kame sa Cafeteria. Hindi niya alam na ako yung nasa likod niya. Nagsasalita kasi siya habang nakatingin sa menu. Yung katulad sa Jollibee naka digital basta katulad sa Jollibee.
"Ui Girl! Strawberry Shake tapos choco-strawberry cake sayo an-------o ba!? o_O Asan si France!?"
"Ewan pinasingit niya ako dito eh!"
"Arrrrggghh! Manang yung order ko po!? Eto na po yung bayad! Salamat po!"
Pagkabigay ng order niya umalis na siya pero nung naka isang hakbang pa lang siya humarap siya tapos nagsalita.
"NakakaInis ka! NakakaInis ka! NakakaInis ka!" At ayun naglalad na ulit palabas ng canteen siguro hahanapin nun si France.
"Pre! NakakaInis ka na naman!" Biglang tapik ni Mark sa balikat ko.
"Oo nga Pre eh!"
"NakakaInis ka!" Si James naman while mimicking Abby's voice. Talaga tong dalawang to.
...........
"Pre una na kame ah!?"
Sigaw nung dalawa. Andito pa ako sa classroom sila nasa pintuan na.
"Sige lang mga pre!"
"GoodLuck na lang Pre! NakakaInis ka pa naman! Hahahahaah!"
Aba eto talagang dalawang to.Aabangan ko kase si Abby sa gate tapos hahatakin ko sa garden ng school.
"Girl una na ako ah!? See you." Girls, girls, girls.... mga babae talaga masyadong maaarte. Nagbesi beso pa sila ni France at pumasok na si France sa Sasakyan nila. Service niya ata.
"Hi Abby!" Ako sabay hila sa kanya. Para sure na sasama siya.
"Ano ba! NakakaInis ka talaga! Three times period."
"Bakit ba lagi na lang ako NakakaInis!? Simula nung una nating pagkikita naiinis ka na sakin, hanggang ngayon ba naman, NakakaInis pa rin ako."
"Kase NakakaInis ka! Three times period." Yan na naman siya sa 'NakakaInis ka three times period'' niya
"Bakit nga!? Kapag hindi mo sinabi hahalikan kita." Mukang natakot naman kase napapikit na mariin eh!
"Kase kapag nakikita kita laging bumibilis yung tibok ng puso ko na akala mo aatakihin ako tapos nakakainis ka kase di ka manlang makaramdam." Nagulat ako sa sinabi niya kase may possibility na may gusto siya sakin.
"Anong hindi manlang makardam!? Eh ikaw nga tong iwas ng iwas sakin." Totoo! Kase simula nun iwas na siya sakin.
"Kase baka marinig mo tong bwisit na puso ko nakakahiya!" >///< tapos yumuko siya para sigiro matago yung namumula niyang pisngi. Ang ganda niya talaga.
"Bat ka naman mahihiya!? Ako nga gustong gustong marinig mo sana yung tibok ng akin para malaman mo na may gust- ay mali mahal kita simula dati."
"NakakaInis ka talaga three times period." Yan na naman siya!!
"Teka! matanong ko lang Abby, bakit laging three times mong sinasabi ang NakakaInis ka! na word!?" Biglang tanong ko kase lagi namang ganun eh diba!?
"Ka-kase three times para sabihin na asdflkjhg!" Ano hindi ko na narinig yung last word.
"Ano!? Hindi ko narinig yung last word. Wag mo ibulong."
Sabi ko. Kase kami na nga lang dito ibubulong pa.
"Sabihin mo na Abby! Pag hindi hahalikan talaga kita!" Sinasabi ko yan habang naglalakad palapit sa kanya siya naman umaatras.
"Isa!!..... sabihin mo na Abby kapag hindi mo sinabi pagbilang kong tatlo hahalikan talaga kita."
Naglalakad pa rin ako, siya naman paatras. At sinuwerte nga naman wala na siyang maaatrasan! Fountain na nasa likod niya.
"Tatlo!" Bulong ko sabay ngiti ng nakakaloko. Habang papalapit yung muka ko sa kanya, para siyang naghahabol ng hininga.
"Oo na! Eto na sasabihin ko na! Lumayo ka muna!"
"Yun naman pala eh!"
"ILoveYou!!! >////"NakakaInis ka! Nakakainis ka! NakakaInis ka! "
Niyakap ko na lang siya..
Ang sarap sa pakiramdam na mahal ka ng taong mahal mo. :)
"NakakaInis ka din three times! :)"*after ten years*
"You may now kiss the bride"
At nagpalakpakan ang mga taong saksi ng kasal naming dalaw ni Abby. Sa loob ng sampung taon nakaraos kami sa problema sa pag aaral sa kolehiyo, sa kumpanya, sa pamilya at higit sa lahat sa relasyon namin
"I now pronounce you Husband and Wife.. Mr. And Mrs. Salvador...Congratulations"~Nothing Forget It! = You better figure out what you did wrong.
Are You Tired!? = Please don't go to sleep, I love talking to you.
Are You Okay!? = Hold me tight I need a shoulder to cry on.
I'm Cold = Get a blanket and cuddle with me.
Leave Me Alone = Please don't leave me.
I Hate You = I Love YouFor all Boys And also Girls, hindi lahat ng negative words. Negative na talaga may kabaliktaran rin yun.
*The End*
Second one shot ko po!! Sorry po ulit kung cliche masyadong sabaw si author ngayon eh. ^__^v
Thanks sa support!!
Luvlotssssss!! ♥♥♥♡♡♡♥♥♥^AkoSiLenLenEhh^
BINABASA MO ANG
NakakaInis ka!! [OneShot]
Short StoryNakakaInis ka!! NakakaInis ka!! NakakaInis ka!! Please Read!! one shot lang naman po eh! pangalawa ko po siyang story!! thanksss!! LuvLotssss! ^AkoSiLenLenEhh^