Chapter 11 - Rain

1 1 0
                                    

Rainy day is the perfect day to get close to each other.

--CynethIsTheName

Nagising ako sa marahang mga tapik sakin. Sa halip na dumilat, nagtalukbong pa ako ng kumot. Pero hindi siya tumigil sa pagtapik.

"Mmy. Ate. Whoever you are. Leave me alone. I'm still sleepy" sigaw ko habang nasa ilalim ng kumot.

I heard a laugh. Teka. Bakit pang lalaki yung boses. Dali-dali kong inalis ang kumot sa mukha ko para tingnan kung kaninong boses yun. And there I saw Troy laughing.

"Troy. Anu ba?" Ibinato ko sa kanya ang hawak kong unan. "What are you doing here this early?" Naiinis kong tanong. Medyo late na kasi kami nakauwi kahapon galing Enchanted Kingdom kaya inaantok pa ko.

"Early ka diyan. Mag a alas diyes na po mahal na prinsesa. At sabi ng Mommy mo gisingin na kita. Bangon na, mag toothbrush kana. May tuyong laway kapa" pang aasar pa niya.

Napahawak naman ako agad sa pisngi ko. Really? Totoo ba? Binato ko ulit siya ng isa pang unan. "Lumabas ka nga sa kwarto ko" sigaw ko.

Tumatawa naman siyang lumabas. "Sige labas muna ako. Hintayin na lang kita sa kusina. Mukhang masarap nilutong breakfast ni Tita Czarina e"

Paglabas ni Troy.. nakasimangot akong bumangon. Lakas talaga mang asar. Kakainis.

Naligo lang ako ng mabilis saka ako lumabas ng kwarto ko. Naabutan ko ng kumakain si Troy.

"At wala ka talagang balak hintayin ako no?" Nakahalukipkip kong sabi.

"Ang tagal mo kasi. Nagugutom na ko kaya nauna na ko. Upo kana, kain ka" medyo nadelay ang sagot niya dahil nilunok niya muna yung nasa bibig niyang pagkain.

"Kakain talaga ako. Bahay namin to e" feel na feel ng loko ang pagiging at home.

Umupo na ako sa harap at nagsimula na ding kumain.

"Nagpunta ako dito ngayon kasi gusto ko mag sorry sayo dahil hindi kita nasamahan kahapon." Maya maya ay sabi niya.

"So. Para makabawi ka.. saan tayo pupunta ngayon?" Sagot ko.

Parang alangan naman siyang ngumiti.. "Ahm.. Chel sorry. Pero may shooting kasi kami ulit mamaya. Dumaan lang talaga ako para mag sorry personally"

"At makikain.." dagdag ko na ikinatawa naman niya.

"Kidding aside.. sorry talaga. At saka gusto ko din sana sabihin na mas magiging busy pa ako sa mga susunod na araw. Baka hindi na din muna kita maihatid sa school" He seemed really apologetic.

"Anu ka ba? No worries. I'm not your responsibility" casual kong sagot.

"Chel.." kinakabahan niyang sabi.

"Seriously Troy.. you don't have to mind me. I'm fine. Just focus on your work. Pero kailangang bumawi ka sakin pagbalik mo" nakangiti kong sagot.

Ngumiti na din siya. "I'm gonna miss you"

"Me too"

PAGDATING sa University si Micah agad ang una kong hinanap.

"Bruha. Bakit niyo naman kami iniwan ni Sandro?" Nakapout kong bungad kay Micah. Wala ng gudmu-good morning.

"Sorry naman beshy. Pero aminin mo nag enjoy ka din naman na kayo lang dalawa diba. Ayieeh" pang aasar niya.

"What are you talking about? Mamaya may makarinig sayo" saway ko sa kanya.

"Pero hindi mo pa din sinasagot ang tanong ko. Bakit kayo magkasama?" Sabi niya kasabay ng nakakalokong ngiti.

"Kamusta naman date niyo ni Chad?" Tanong ko sa kanya ignoring her question.

The Day We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon