People who knows you since childhood is a treasure of your heart. A memory from the past you can never forget.
-- CynethIsTheName
Pagmulat ng mata ko. Nakahiga na ko sa kama. At naririnig ko si Mommy na kausap si Tito Christian. Ang Daddy ni Micah, na family doctor namin.
"Tito.. Mommy.." nanghihina kong sabi. Hindi pa din kasi maganda ang pakiramdam ko.
"Anak.. magpahinga ka muna. Ayun sa Tito Christian mo mataas pa daw ang lagnat mo" nag aalalang sabi ni Mommy.
"Basta tuloy tuloy lang ang pag inom mo ng gamot Chelsea. Bababa rin ang lagnat mo. Buena mauuna na ako dahil may appointment pa ko. Czarina wag mo kalimutang painumin si Chelsea ng mga gamot niya." Paalam ni Tito Christian.
"Opo Tito. Salamat po. Ingat po kayo" nanghihina kong sabi.
Maya maya ay pumasok na din si Daddy sa kwarto ko.
"Sorry anak. Hindi kita nasundo. Nagkaroon kasi ng emergency meeting sa company." Paliwanag ni Daddy.
"Hindi mo man lang ako tinawagan para ako na sana ang sumundo kay Chelsea. Pwede ko naman iwananan saglit ang restaurant para sunduin siya. O di kaya siya mismo ang tinawagan mo para nakapag commute na siya agad, hindi na siya inabot ng ulan. Alam mo namang nagkakasakit siya kapag nauulanan" mahabang sermon ni Mommy kay Daddy. Nakatungo lang naman si Daddy na tanda ng pagtanggap ng pagkakamali.
"Ma. It's okay. Wala namang may gusto nito" awat ko sa kanila.
"Magpahinga kana muna. Kailangan mo magpalakas" sabi ni Mommy saka sila sabay na lumabas ni Daddy.
Ipinikit ko na lang ulit ang mata ko para matulog. Masakit pa din kasi ang ulo ko na parang ang bigat bigat.
Nagising na lang ako ng gisingin ako ni Mommy.
"Kumain ka muna. Nagdala si Tita Yssa mo ng rice porridge dahil nabalitaan daw niyang may sakit ka. Small world anak, biruin mong nandiyan lang pala si Yssa sa tapat ng bahay natin. We are bestfriends from high school to college" masayang masayang kwento ni Mommy.
"So si Tita Yssa po pala yung isa sa 3 bestfriends mo na di ko pa nakikilala" komento ko. Medyo okay naman na ko. Masama pa rin ang pakiramdam ko pero hindi na katulad kanina na hinang hina ako.
"Oo. At masaya ako at magkakilala na pala kayo at close kapa sa mga anak niya. Di pa ako nakakapagpasalamat kay Sandro sa pagsundo sayo sa school.." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Mommy
"Sinundo ba talaga ako ni Sandro?? I mean intentionally?" Hindi ako makapaniwala. Masyadong malakas ang ulan nun.
"Oo. Nag alala kasi si Clarence na hindi kapa umuuwi. Hindi ka daw niya macontact. Napaka unusual daw na hindi ka macontact kaya pumunta na siya kina Sandro para itanong kung nakita ka. Dali-dali nga daw umalis si Sandro para puntahan ka" mahabang paliwang ni Mommy.
Ang laki pala ng utang na loob ko kay Sandro. Hindi niya ako pinansin maghapon nun pero pinuntahan niya ako agad nung nalaman niyang hindi pa ako nakakauwi. May kabaitan din pala talaga siya.
Bumangon ako ng bahagya para kainin yung rice porridge na niluto ni Tita Yssa. Napakabait talaga ni Tita Yssa. Malamang sa kanya nagmana ang mga anak niya. Yung Daddy naman nila hindi ko pa nakikilala.
Pagkatapos ko kumain.. bigla na lang bumukas ulit ang pinto.
"Troy?? Akala ko ba busy ka ngayon sa taping?" Sa pagkakatanda ko kasi nagpaalam siya na magiging busy siya.
"You're more important. Nabalitaan ko ang nangyari so I came here to check on you" Sabi niya saka dahan dahang lumapit.
"Oh. Aalis na muna ako. Wag mong kalimutan inumin tong gamot ha. Troy. Make sure na iinumin niya to!" Sabi ni Mommy saka lumabas ng kwarto ko bitbit ang pinagkainan ko.
BINABASA MO ANG
The Day We Fall In Love
JugendliteraturIt's all started on one song. She heard someone singing a song inside a classroom. Will she be able to find the owner of the voice?? Or continue life and forget about his voice?