Chapter 16

38 8 0
                                    

Nakatulog ako nang nagtataka dahil sa pagpapasalamat sa 'kin ni Kyvo. Ilang beses ko siyang tinanong kung para saan at kung bakit siya nagt-thank you, pero hindi niya naman ako sinasagot kaya hinayaan ko na lang siya.

Ngayon ay katatapos ko lang linisin at lagyan ng panibagong band aid ang sugat ko. Tapos na 'kong mag-ayos at isang oras pa bago magsimula ang klase. Pero kailangang maaga akong dumating sa school dahil magsisimula na kaming mag-ayos ng classroom namin para sa gaganaping school festival.

Isinuot ko na ang bag ko at handa nang umalis nang makatanggap ako ng text galing kay Raven.

From: raven asim

Nasaan ka na? - Alysha

Tumawa ako bago nag-reply. Aba tingnan mo nga naman, halata mong mag-on na talaga ang dalawang bwisit na 'yon.

To: raven asim

hui ba't mo gamit cp ni raven

From: raven asim

BILISAN MO NA LANG, GIRL

To: raven asim

ok

Tinago ko na ang phone ko sa bulsa ng jacket ko at saka lumabas ng unit. Dahil maaga pa, kailangan kong magsuot ng jacket dahil malamig pa ang simoy ng hangin.

Nang makababa ako sa ground floor ay nakasalubong ko si Tita Daisy. "Hello, Tita! Good morning po!"

"Good morning, Eula! Ang aga mo naman yata?" ani Tita.

"Opo, mag-aayos na po kasi kami para sa school festival."

"Sakto, gising na si Kyvo! Magpahatid ka na sa kaniya."

"P-Po?" Hindi siya sumagot at may tinuro sa likod ko. "Ay pucha!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil paglingon ko ay naroon si Kyvo.

Ano ba?! Ang aga-aga! Bakit narito na naman siya?!

"Good morning," bati niya.

Tumango lang ako sa kaniya at pagbaling ko kay Tita Daisy ay naglalakad na siya palayo.

Tita Daisy, ba't mo naman ako iniwan dito?

"Did you eat breakfast?"

"Oo," pagsisinungaling ko habang umiiwas ng tingin. Sa tuwing titingnan ko siya naaalala ko 'yung ginawa niyang paghawak sa pisngi ko kagabi!

"Does it still hurt?"

"Huh?" Tinuro niya ang sugat ko kaya hindi ko maiwasang humakbang palayo. "Ah! Hindi na. Pero mamaya pa 'ko bibili ng cream—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang pinakita niya sa 'kin ang maliit na plastic at naroon sa loob ang cream para sa sugat ko.

Ano 'yan? Binili niya ba 'yan para sa 'kin?

"Bakit mero'n ka niyan?"

"Para sa sugat mo." Inabot niya sa 'kin 'yon kaya tinanggap ko na lang.

"Magkano 'to? Babayaran ko." Kinuha ko ang wallet ko sa bag ko bago tumingin sa kaniya.

Nakakahiya kung hindi ko siya babayaran! Ang dami ko na ngang utang na loob sa kaniya, dadagdag pa 'to!

"No need."

"Babayaran ko nga!"

"H'wag na nga."

"Isa, Kyvo! Sabing babayaran ko!"

"Isa, Eula, sabing h'wag na."

"Are you guys dating po?"

Sabay kaming napalingon ni Kyvo sa batang babaeng nagsalita. Sasagot na sana si Kyvo nang lumuhod ako para maging kapantay ko siya. "No, we're not," I answered.

In a Heartbeat (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon