"Ano'ng nararamdaman mo?"
Napabuntong-hininga ako nang marinig ang sinabi ng nurse. "Mas okay na po kaysa kanina."
Hinipo niya ang noo ko at saka tumango. "May susundo ba sa 'yo? Dapat sunduin ka na rito para mas ma-monitor ka. May duty rin kasi ako mamaya sa hospital kaya hindi kita mababantayan."
Sasagot na sana ako nang biglang may humawi ng kurtina.
"Girl! Kumusta ka na?!" sigaw ni Alysha.
"Medyo okay na." Tumingin ako sa likod niya at nakita si Raven, Summer at Josh dala-dala ang mga pagkain nila.
Break time na siguro ngayon. Kanina pa 'ko rito bago magsimula ang first period. Hinatid ako rito nina Raven kasama si prof.
"Kumain ka na? Nakainom ka na ba ng gamot? May masakit ba sa 'yo? Gusto mo ba share tayo sa mamon ko?" sunod-sunod na tanong ni Summer.
"Summer, ang daldal mo. Lalong magkakasakit si Eula dahil sa 'yo," banat ni Josh kaya sinamaan siya nito ng tingin.
"Nariyan na pala ang mga kaibigan mo, iiwan muna kita para makapag-usap kayo," sambit ng nurse na nag-alaga sa 'kin at lumabas na ng clinic.
Kinuha nila ang upuan sa gilid at pinalibutan nila ako. "Marami ba kayong ginagawa?" tanong ko. Baka kasi mamaya maraming pinagagawa sa kanila tapos narito ako sa clinic, nakahiga at nagpapagaling.
"Wala nga. Dapat hindi ka na lang pumasok! Sayang, baka dahil sa sakit mo hindi ka maka-attend sa festival bukas!" sigaw ni Aly.
"Magv-vlog na lang kami para sa 'yo," singit ni Raven.
"Gandang idea. Basta ikaw dapat lagi may hawak ng camera ha."
"Love, bakit ako?"
"Ikaw nakaisip, e' di ikaw gumawa."
"Love naman!"
"Ha ha ha, ang saya-saya naman." Ngumiti pa si Summer nang pilit para ipakitang hindi niya nagugustuhan ang pagiging cheesy ng dalawa.
Pero wala namang cheesy sa usapan nila ah. Baka naiinggit lang 'to kasi love ang call sign nila. Akala ko ba tangi? Pinalitan yata nilang dalawa.
"Sabi nila mabilis daw mag-break kapag love ang call sign," singit ni Josh.
"Manahimik ka nga, tol," sagot ni Raven at inambahan itong susuntukin. "Summer oh."
Hindi ako makasingit sa usapan nila kaya pumikit na lang ako hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lang ako nu'ng marinig ko ang boses ni Papa. Pero hindi ako dumilat.
Alert na alert talaga ako kapag alam kong nasa malapit lang siya.
"Bumaba naman na po ang lagnat niya pero 'wag pa rin po nating kalimutang pakainin at painumin siya ng gamot mamayang 4 p.m."
"Thank you."
Mayamaya pa naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa balikat ko.
"Eula? Gising na. Nariyan na ang Daddy mo para iuwi ka."
Pagmulat ko ay nakita ko ang nurse at nasa likod niya si Papa, mukhang nag-aalala. O baka acting lang 'yan, malay ko.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at inayos ang buhok ko. Inalalayan naman ako ni Papa'ng isuot ang sapatos ko at siya na mismo ang nagdala ng bag ko.
Wala na 'kong lakas para umiwas pa at 'wag tanggapin ang tulong niya.
"Ingat po kayo. Magpagaling ka, Eula." Ngumiti ako sa nurse bago kami naglakad palabas ng campus.
BINABASA MO ANG
In a Heartbeat (Complete)
RomanceEula Chelle Payton came home one day, with her belongings packed in her bag and luggage, on the pavement in front of her father's house. Her father threw her out for disobeying him and texted her saying, "Good luck on your journey without me." With...