Pagkatapos ng gabing yun, bumalik ulit sya sa dati. Akala ko okay na kami pero hindi pa pala, sana nga lagi nalang ako may sakit para ganun yung pakikitungo nya sakin.
Pag naiisip ko kung pano nya ko halikan kinikilig ako. Ganun pala kasarap sa feeling ang halik ng isang Astrid ang taong mahal ko diko maiwasan mapangiti.
Napatigil ako sa aking pag iisip ng biglang pumasok si Manong Guard may dala itong Box. Nagtaka akong tumingin sa kanya wala kasi kaming Maid dito sa bahay ang meron lang Guard and yung Driver ni Astrid pero mababait naman sila matagal na silang nagtatrabaho kay Astrid.
Nagtataka padin ako sa dala ni Manong Guard andito kasi ako ngayon sa sala nanonood ng Tv wala kasing magawa dito sa bahay si Nicole naman busy.
"Ma'am sorry po hindi na ako kumatok" tumango lang ako at nginitian sya "Padala daw po Ma'am galing po kay Ma'am Eva."binigay nya sakin ang Box.
"Salamat po Manong."
Nginitian nya lang ako at umalis nadin sya.
Pagbukas ko ng Box may nakita akong invitation Card halatang pang mayaman kulay black ito na may ribbon na gold sa gitna.
Birthday Party ni Mommy Eva sa Saturday.
Thursday na pala ngayon need ko na bumili ng Regalo, hindi ko alam kung ano ireregalo ko kasi parang lahat yata meron na kay Mommy Eva.
Tinignan ko pa ang laman ng Box isa itong backless Dress kulay itim ito.
Hindi ako mahilig mag suot ng ganyan damit mas sanay ko ang T-shirt Crop top. Kaya inaasar ako lagi ni Nicole sa mga suot ko.
Nilagay ko ang damit sa Box alam na kaya to ni Astrid.
Kailangan ko na bumili ng Gift for Mommy Eva, umakyat agad ako sa kwarto. Simula nung umuwi si Mommy Eva dito na ulit ako natutulog sa kwarto ko.
Pumunta na'ko sa Cr para maligo, After 30 mins natapos din ako. Nagsuot lang ako ng Blue Crop top and Jeans sinuot ko na din ang aking fav na white rubber shoes. Nag ponytail ako ng buhok dahil sobrang init. Naglagay din ako ng light make up, then bumaba na din ako agad.
Nagpara agad ako ng Taxi paglabas ng Subdivision.
Pagdating sa Mall nagtingin na agad ako ng pwedeng pang Gifts kay Mommy Eva.
Wala akong mahanap kasi halos lahat meron na kay Mommy Eva napabuntong hininga ako.
Nahagilap ng mata ko si Astrid may kasamang babae mababakas mo sa kanyang muka ang saya hindi nila ako napansin dahil nasa iba ang atensyon nila, I thought nasa Office sya.
Nakahawak si Astrid sa bewang ng babae. Napayuko ako hanggang kailan ka magiging ganito Astrid. Tinignan ko ulit sila, Pumasok sila sa isang Restaurant kaya sinundan ko ito.
Ang bigat ng pakiramdam ko pinigilan ko ang aking pagluha, nakikita ko si Astrid na masaya sya sa Babae na hindi ako yung dahilan. Hindi ko makita ang itsura ng Babae dahil nakatalikod ito at si Astrid naman paharap sakin ngunit hindi nya ko napapansin dahil naka focus sya sa Babae madami rin kumakain dito kaya hindi talaga kapansin pansin na tinitignan ko sila.
Pumunta muna ako ng Restroom para maghilamos. Pinunasan ko ang tumulong luha sa aking mata.
Kailangan ko ng umuwi baka makita ako ni Astrid. Ayoko na dito ang sakit sakit mo talaga mahalin Astrid.
Nagmadali akong lumabas, Yumuko ako para hindi nila makita hindi ko napansin na may nabunggo ako kaya napaupo ako sa sahig.
Tumingin ang mga tao samin sa Loob ng Restaurant. Shit baka makita ako, tumayo agad ako at pinagpag ko ang Pants ko.
BINABASA MO ANG
Until the End (Ongoing)
RomanceSya si Akiesha Flaire Chavez ang babaeng hindi sumusuko sa kahit anong bagay. Kahit hindi sya mahal ng kanyang Asawa kahit sinisisi sya nito dahil sa pagkamatay ng dating minamahal ng kanyang Asawa. Ano nga ba ang gagawin ni Flaire? Kapag dumating...