Krissa's POV
It's been one day since nangyari yung bagay na yun. Yung ano, yung alam niyo na. Mwehehe, medyo nakaget-over na ako.
We're here sa school grounds. Kasama ko yung dalawa kong baliw na bestfriend. At ako nanaman ang topic nila. Nakakahiya naman di ba?
"Nics, tignan mo si kris tulala pa rin ano kaya nangyari sa babaeng to?"-Chelsea
"Tignan mo parang baliw, nakangiti mag-isa." -Nics
Oh di ba? Nakakahiya naman sakanila. -_____-
"Kunwari di ko kayo naririnig. Kunwari lang naman."
"Eh bakla! Ano ba kasing nangyayari sayo? Para kang baliw!" -Nics
"Waa-la *blush"
"Huweeeee! Utut mu. Wag kami iba nalang!" -Chelsea
"Eh wala ngaaa! Ay guys, plano niyo pala dun sa project sa music?" pagiiba ko sa topic. Siguradong di nanaman ako titigilan ng dalawang to.
"Uh eh, ewan ko ba. *blush" -Nics.
Nagkatinginan kami ni Chelsea. Too obvious na kinikilig naman to. Wahahaha, It's time to revenge.
"AYIIIIIIIIIIIIEEEEEEEE!!!!"
"Ano ba guys! Para kayong tanga. Crush lang yun no! Wag niyo nga ibig deal. Pero emeged guys! Ang gwapo niya talaga!" Tuloy tuloy na sabi ni nics. Magrereact pa sana kami ni Chelsea kaso......
"Huy guys! Anyare sa inyo?!" -Nics
"Ah kase..." Ngumuso kami sa likod nics.
"Oh ano me--" Di niya na natuloy yung sasabihin niya kasi nagulat na.
"Uh hi?" Sabi ni kyle. Kumakamot pa ito sa batok nito na mukhang nahihiya.
Imbis na sagutin ni nics ito,
"Ka-kanina k-a pa baa-a d-yan?"
"Uh hindi. Kakarating ko lang. Yayain sana kita magpractice dun sa ano. Sa project natin. Pwede ba?"
Medyo narelieve naman ata si Nics. Tinignan niya kami na para bang nagapaalam.
"OO na! Sige na magda- ay este mag practice na kayong dalawa." Loko talaga tong si Chelsea obvious naman na nang-aasar ito. Hahaha.
"Bye guys. Kita nalang tayo later."
Tumayo na si nics. At sumama kay kyle. Di naman maalis ang mapangasar na mukha namin ni Chelsea. Hahaha. Okaaaay. Chels it's your time. Hahaha.
"Eh ikaw chels. Ano balak mo sa project niyo?"
Kung si Nics kinilig, si Chelsea naman mukhang naasar. Haha. Sabi na nga ba e.
"UGH! Wag mo na itanong! Naiirita lang ako. -____-"
Speaking of ayan na rin ang kanyang oh so kulit na manliligaw. Hahaha.
"CHELSEA MY LAAAAAAABSSSS!" Malayo pa lang. Umaaalingaw-ngaw na ang sigaw ni Clark. Mukhang asar na asar na si Chelsea.
"Oh chelsea ayan na pala ang prince charming mo! Hahaha."
"Prince charming your face!"
HAHAHAHA.
"Sige na. Humayo kayo at magparami. " Tinignan ako ng masama ni Chelsea. Asar na to for sure. Hahaha. "JOKE LANG! Sige na magpractice na kayo." Pagpapatuloy ko.
"Eh ikaw paano ka? Dito ka nalang?" Nagaalala nanaman po ang bestfriend ko. Eto yung gusto ko sakanila eh. Di nangiiwan sa ere.
"Dito lang ako. Magmumuni-muni muna ako sandali. Hahaha. Sige na magpractice na kayo." Kailangan kong kumbinsihin to. Naawa na ako sa itsura nung partner niya. Kanina pa naghihintay.
"Sure ka ha? Text kita mamaya kapag tapos namin. Mwa! Hoy assuming! Halika na nga!"
"Halikan-na? Tara dali!" Baliw talaga tong si clark.
Nakita ko namang nanlilisik yung mata ni Chelsea. World War X in 3, 2, 1.
"ANONG SABI MO???!!!" At tumakbo naman tong si Clark. Ewan ko nalang kung ano mangyayari sa kanya kapag nahabol siya ni Chelsea. Sigurado bugbog sarado nanaman yun.
Nakakatuwa yung mga bestfriend ko. Sobrang maalaga. Sobrang swerte ko sakanila. I'm so greatful to have them. Sana lang magpatuloy to. Sana walang makatibag sa pagkakaibigan na meron kami. Alam ko namang maraming gustong sumira sa amin.
Hay! Ang nega ko naman.
Nagpatuloy lang ako sa pagmumuni ng biglang.....
---