"umagang kay ganda" - ako, habang nag-unat ako ng katawan ang sarap kasi matulog.
Bumangon na ako at binuksan ang kurtina sa kwarto ko. Nagwarm up saglit at naligo na din.
"1-2-3.... haaay ang sarap magwarm-up, pag umaga.. makaligo na nga"- ako, at dumiretcho na ko sa banyo para maligo.pero bago yun sinabihan ko muna si Joshua na magluto ng almusal, yun yung role niya e.
"Joshua!, magluto ka nga ng almusal at may trabho pa ako."- sigaw ko habang nasa kwarto ako.
"oo ate, wag lang sumigaw, parang naka lunok lang ng microphone e."- Joshua.
hindi na ko sumagot..katamad e.
makalipas ang 1 oras...
"ayan, nakabihis na ako, simpleng corpo attire lang suot ko, skirt at sleeveless na white na my coat na black at white na high heels, ang sexy ko talaga.hahaha"- ako
Pagkatapos kong magbihis e, pumunta na ko ng kusina at nagalmusal, wala nga pala akong yaya dahil kapatid kong lalaki ang yaya ko dito haha, dahil dalawa lang kami sa apartment ko. Hiwalay na ang mga magulang ko at tanging ang kapatid ko na lalaki ang kasama ko sa apartment ko para may mautusan ako, syempre binabayaran ko naman pangdagdag niya sa allowance niya.
"haaay, busog na din,. ok,. work time na."- ako, sabay alis ng bahay.at may pahabol pa na utos sa kapatid ko, since hapon naman klase niya.
"Uy Joshua, linisin mo tong apartment bago ka umalis, ayusin mo pag ako umuwi na may kalat kokotongan kita."- ako, sabay alis
"oo na po, ang brutal nito"- Joshua, sabay bulong
"may sinasabi ka?"—ako
"wala sabi ko ang ganda ng ate ko"- Joshua, lakas ng pandinig, grabe lang
7:00am
JKY Fashion Magazine
pagdating ko sa building e, dumaan muna ako sa cafeteria at kumuha ng coffee saktong nakasabay ko ang isang staff sa department ko si Jinky Lee.
"Oh! good morning Janine, sexy mo ngayon ha, hehehe"- Jinky
"naku umagang umaga Jinky, bumabanat ka, dami mo atang inorder, sayu ba yan lahat?"- ako
"naku hindi nagpasuyo lang yung ibang staff sa akin kaya sinabay ko na din,. e ikaw ba?"- jinky, habang inaayos yung orders niya.
Si Jinky Lee ay may half instik at half filipina, isa din siya sa mga staff sa department na pinagtatrabahuan ko, mabait at madaldal, cute siya at maputi,matangkad ako sa kanya ng ilang pulgada.
"ah, ganun ba, bait natin ha,.ako? bumili lang ng coffee, "-ako