Author's note:
Wala pong edit 'to, so expect the errors po:>
"Shit ang sakit ng ulo ko," inda ni Ady habang nakahawak sa ulo nya pagkalabas ng kanyang kwarto
"Inom pa," ani ko na nakatutok sa laptop ko habang suot ang salamin at nakapatong ang isang paa sa upuan. Nandito ako ngayon sa dining area namin at may tinatapos na essay sa laptop ko habang nainom ng softdrinks.
Morning softdrinks because softdrinks is life.
"Ang aga namang softdrinks nyan, Krishianna." Puna ni Grey saakin na nagtitimpla ng kape sa counter ng kusina na nakaharap sa dining area.
"Ang aga namang kakapalan ng mukha yan, Grey." Tinuro ko ang kapeng tinitimpla nya
"Friends naman tayo ang damot mo," umirap ako sakanya dahil sa sinabi nya at talagang makapal ang mukha niya dahil binuksan nya pa ang ref namin
"Uy, kaninong graham 'to? Penge!" Kukunin na dapat nya ang graham sa ref ng pigilan sya ni Seven na nasa likod nya na pala
"Kung gusto mong makahawak pa ng bola bitawan mo na yan," tinuro ako ni Seven at nang makita ni Grey na masama ang tingin ko sakanya ay binitawan nya agad yon
"Ayoko pala ng graham," binalik nya ang graham sa ref at naghanap ng ibang makakain don
Galawin nya na lahat ng pwedeng galawin sa ref wag lang ang graham ko! Isa na nga lang ang natitira sa ref dahil hindi pa ako nakakagawa tapos balak pa nyang humingi? Kulang pa nga saakin yung isang tupperware non!
"E', etong burger kanino 'to?" Tumingin saakin si Grey napa-iwas naman ako ng tingin sakanya at sa burger na hawak nya.
Yun kasi yung binili namin ni Creed kagabi tapos may dalawang natira kaya inuwi na lang namin. Nang dahil sa burger na yan nagkaron tuloy ako ng manliligaw tas hindi pa ako nakatulog ng maayos kagabi. Tanginang burger yan.
"Kainin mo na," nag-type ulit ako sa laptop para matapos ko na ang ginagawa ko habang hindi pa ginugulo ni Creed ang isip ko.
Dali daling ininit naman ni Grey yung burger sa microwave isinama na din nya yung natirang pizza nila kagabi. Nandito parin sila Shiro, Grey, Eigh at Chase. Ang magpinsan na si Marcellus at Creed ay hindi natulog dito sa condo kagabi dahil umuwi sila. Hinintay lang ni Marcellus si Creed kagabi bago sila umuwi kaya hindi na din kami nakapag usap ni Creed pag uwi ko sa condo dahil nagyaya na agad si Marcellus na umalis.
"Tig-isa tayo, Grey!" Si Shiro nang marinig ang microwave hudyat na tapos na ang pag-iinit ng pagkain
Nag-away pa silang dalawa dahil ayaw makipag-hati ni Grey kaya pinagalitan sila ni Seven kaya naman sa huli ay walang nagawa si Grey kundi ang hatian at ibigay ang isang burger kay Shiro.
"Swapang mo kase bro," si Shiro pagkatapos ay kumagat sa burger tinaas lang ni Grey ang gitnang daliri nya bago kumain na din ng burger
"Krishianna, Can I use your kitchen? I'll just cook soup for Elaine and Savi," Si Chase na kakatapos lang mag-hilamos tumango lang naman ako
"San ka pupunta?" Tanong ko kay Chase dahil papalabas ito ng pinto
"Grocery store," sagot nya
BINABASA MO ANG
The Lost Wild Memories (WILD TEMPTATION SERIES #1) (ON-HOLD)
RomanceWild Temptation Series # 1 "Lost Wild Memories" A Nursing student named Vienaila Krishianna Hope Davez strives to fulfill the expectations of her father and faces considerable pressure. Seeking solace from her challenges, she frequently indulges in...