<Santina's POV>
Ngayong gabi ko na mismo gustong interbyuhin si Chelsey. Ayaw ko na 'tong patagalin pa dahil may plus points ako kapag maaga akong makakapasa ng project.
Habang nanonood siya ng TV, umupo ako sa kanyang tabi at kinalabit siya. Agad siyang napalingon sa'kin na mayroong nakakunot na noo.
"What?"
Ngumiti ako ng bahagya bago magtanong. "Pwede ba kitang ma-interbyu? Kailangan ko lang kasi may project ako. Please."
Napa-ngiwi siya. "Lumalapit ka lang talaga kapag may kailangan noh."
Napa-nguso ako ng kaunti. Kailangan kong magpa-cute eh. "Sige na, Chelsey. Ngayon lang naman ako humihingi sayo ng pabor. Promise, never ko na papansinin ang Jer mo. Wapakels na ako. Deal?"
Umirap siya at bumuntong-hininga. "Aba'y dapat lang! Kung hindi mo siya lalayuan, siguradong sa kama ang bagsak mo at shugi ka sa'kin."
Kamuntikan pa akong masamid. "Alam ko. Hindi mo na kailangan magbigay ng death threat ulit." Umupo ako ng tuwid. "So, pwede na ba kitang ma-interbyu?" Tila nagdadalawang-isip siya pero pumayag naman. Kaya napa-palakpak ako sa tuwa. "Maghintay ka lang muna dito sandali. Kukunin ko lang ang mga gamit ko para sa interview."
Mabilis akong tumakbo patungo sa aking kwarto at kumuha ng pencil and pad paper. Bumalik din ako kay Chelsey pagkatapos.
"Handa ka na ba?" Naitanong ko muna. Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Okay. Let's start with the basic personal informations about you. Introduce yourself ganon."
"I'm Chelsey Jeen Guerrero. 20 years old. August 07 is my birth date. Born in Manila. My mother's name is Flori Mae Flores, she's a former model and actress. And my father's name is Jonas Guerrero, he's a private prosecutor. They both came from wealthy families, actually." Tila walang ganang bigkas niya.
"And?" Naghihintay kong sabi. Nakatutok lang ang aking lapis sa papel at handa pang magsulat.
"Uhm.....I'm an only child. When I was in preschool, they have noticed that I love playing girl's toys than boy's like Barbie dolls. When I turned into teenager, my family already considered me as homosexual due to my odd behavioral which they find inaccurate in our family heredity."
"And then... Ano ginawa nila?" Curious kong tanong.
Biglang bumigat ang hanging nakapalibot saamin. Naramdaman ko na nagbago ang kanyang aura, parang naging malungkot. "They think I'm a bad luck to our family business that's why my parents are forced to pull the rug from under me."
"Itinakwil si Chelsey ng kanyang sariling pamilya."
Nakakaawa naman pala ang sinapit niya. Akala ko maganda ang buhay niya simula nasa tiyan siya ng kanyang ina hanggang ngayon pero mali pala ako.
"Mababa ang tinggin ng mga negosyante sa mga katulad kong bakla kaya sigurado ang pamilya ng aking ama't ina na malas lang ako at mas mabuting palayasin na lang." Pagpapaliwanag pa niya. "I was just seventeen years old when they abandoned me, just a freaking minor." Kumuyom ang kanyang mga kamao.
"Anong nangyari sayo pagkatapos kang palayasin?"
Huminga muna ng malalim si Chelsey bago nagsalita muli. "I became a stray kid for almost a month. Thank god there's someone who adopted me. An old widow who has no children treated me like her real family. But just a year after, she died peacefully and I inherited all of her wealth and properties." Huminto siya para tumikhim saglit. "Right now, I'm managing her clothing line, beauty salons and cosmetic company that she left."
BINABASA MO ANG
GAYxGIRL stories
РазноеIs it possible for a GAY to fell in love with a GIRL? Do you believe in the saying "LOVE has no GENDER."? If you didn't... I suggest you to read this GAYxGIRL stories.💕 1: Gay Pageant (Completed✔) 2: Ako'y Isang Sirena (Completed✔) 3: Gay's Worst N...