4

2 1 0
                                    


"Leina, could you please faster?!" Sigaw ng bata mula sa labas.

"Patapos na ako, sandali lang." sigaw ko pabalik, katamtaman lang ang lakas na siya  lang ang makakarinig. 

"Okay!"

Natapos na ako magbihis at mag-ayos sa sarili. Paglabas ko ng kwarto, bumungad sa'kin si Ayla. naka-suot siya ng dress na ang design ay bulaklakin na kulay pink. Upong naka-ekis ang mga paa at naka kulum baba.

Lumiwanag  ang mukha nito ng makita ako at gumuhit ng isang malaking ngiti ang labi niya. Tumayo siya at agad na hinapit ang kamay ko. Nagmamadali siya sa paglalakad. Kamuntikan na akong mapatid ng sarili kong paa.

Huminto ang bata sa paglalakad at nilingon ako, "Are you okay, Leina?"

Dumako ang tingin ko sa mga mata niya, halos magdikit ang mga kilay ko. "Oo naman." sagot ko. Okay naman ako, siya kaya?

"I think you're not." Bulalas ng bata

"Hmm?" Nagtaka ako sa sinaad niya "Okay ako."

Napaka-observant ng batang 'to. Kahit mga bagay na hindi dapat pinupuna ay pinapansin niya. At sobrang daldal.  Hindi naman ako pwedeng magreklamo sa kadaldalan niya.

Hinintay na namin si Amelia sa loob ng sasakyan. Habang wala pa ay inayos ko muna ang buhok ng bata.

"You know braid?" Tanong niya sa 'kin habang ako ay nagsusuklay ng buhok niya.

"Oo naman." Natuto ako muka kay mama. Sa tuwing tinitirintasan niya ako noon, talagang inaaral ko kun paano 'yon gawin.

"Can you braid my hair?"

Tumango ako kahit hindi niya makikita ang sagot ko. Sinimulan ko ng tirintasin ang buhok niya.

"Leina..."

"Hmm?"

"Do you have parents?" mahinang tanong niya.

Bigla akong nalungkot sa tanong niya at natakot. Hindi ko alam bakit ako natatakot, sasagutin ko lang naman ang tanong niya. "Namatay ang mama ko, ang papa ko..." Natatakot akong aminin, hindi pa ako handa. "Hindi ko alam kung na saan".

"Do you want to find him?"

"No." Agad kong sagot. Hindi ko na siya kailangan hanapin at wala akong balak.

"Do you miss your Mom?"

"I do." walang araw na hindi ko na mi-miss ang Mama.

"You know...I really missed my Mom and Dad" napasinghot siya "I want to hug, kiss them, but sadly, they took my parents away" bakas sa boses niya ang pagkalungkot.

"I missed them so bad..." nabasag ang boses niya.

Agad siyang napayakap sa 'kin at tuluyan ng humagulgol. Inalo-alo ko siya, dumampi ang kamay ko sa likod ng bata at patuloy ang pag-alo sa kaniya.

"Kapag nalulungkot ako at namimiss ko ang Mama ko, ang ginagawa ko, kinaka-usap ko siya"

"Really?" kumalas siya sa pagkakayakap. Tumingin siya sa 'kin na nanlaki ang mga mata. "Saan mo siya kinaka-usap?"

"Sa isipan ko."

Tumango-tango ang bata. "Don't tell tita Amelia that I cried." aniya at ngumiti.

Ngumiti ako bilang tugon. Umupo na siya sa tabi ko at parehas namin hinihintay si Amelia.

Maya maya pa ay natatanaw na namin si Amelia naglalakad papalapit sa van. Mayroon matangakad na lalaki ang nakasunod sa kanya. Siya ang lalaki na akala ko ako lang nakakakita. Totoo siya at hindi guni guni.

Scream of AffectionWhere stories live. Discover now