Chapter 34

2.2K 33 0
                                    

Ang hirap pilitin mag sink-in sa utak ko ang mga binitawan na salita ni Lead at Lithium. Bakit nila tinawag si Neradel bilang Bridgette. Hindi ko pa nakikita si Bridgette na sinasabi nila ng harap-harapan. Nasaan na ba kasi siya? Tiningnan ko si Neradel na papalapit sakin. Hindi ako ngumiti sa kanya dahil naiinis ako.

"Hi Naomi! Damn! You're so Beautiful!" tiningan ko lang siya. Nasa kanya lahat nakatitig ang mga mata namin. Hindi mapagkakaila na maganda siya. Tumingin siya sa dako ni Lead at saka nagsalita. "Who are you?" tanong niya kay Lead. Ngumiti ng pilit si Lead at bago pa siya nagsalita ay inunahan ko na siya. "He's Lead. My Boyfriend!" pagpapakilala ko kay Lead sa kanya. Tahimik ang lugar at maski isa ay walang nagsasalita. Tumango si Neradel bilang tugon at inabot ang kamay ni Lead para makipagkamay. Naiinis na ako ha! Bakit si Lead lang ehh nandiyan namam sila Lithium at Barium.

"Hi! I'm Neradel. It's my pleasure to meet you Mister" sabi niya ng nakangiti. Ngumiti din si Lead at nakipagshake hands sa kapatid ko. Umupo na kami at nagsimulang kumain nang magsalita ulit si Neradel. Kailan ba siya matatapos sa katanungan niya?

"Why did you called me Bridgette earlier?" tanong niya. Natigilan kaming lahat. Inilagay ko ang kamay ko sa ilalim ng lamesa at pinunit ang suot ko dahil sa inis. Nananadya ba siya? Dahil kung Oo, ngayon pa lang binabalaan ko na siya! "Ha-ha! Change topic na nga lang parang wala naman yata tayong papupuntahan dito eh! Matanong ko lang Neradel bakit pala nagbalik ka?" napatingin ako sa gawi ni Mae. Lakas talaga ng babaeng 'to!

"I just want to visit my love ones!" nakangiting turan ni Neradel. Nakatingin siya kay Lead habang sinasabi ang mga katagang yun. Hindi na ako nakapagpigil pa. Ibinagsak ko ang tinidor na hawak ko. Hindi ko namalayan na nasa ibabaw na pala ang mga kamay ko.

"Neradel!! Do you like Lead?" tanong ko. Nakatingin silang lahat sa akin. Hinawakan ni Lead ang kamay ko at pilit na pinapakalma pero hindi ako nagpapigil. Narinig ko din na napasinghap sila at kabilang na dun ang nanay ko na walang ibang ginawa kundi tingnan lang ang ginawa namin. Tumingin si Neradel sa mata ko bago sumagot. "What if I say 'yes'?" sabi niya at tumayo para umakyat sa taas. Hindi man lang kami pinigilan ni nanay? Anong klase!!! Tumayo na din ako.

"No problem my Dear sis. You like him. Ok! No Problem at all!" sabi ko at inunahan siyang umakyat sa taas. Narinig ko pa na nagpaalam na sila Jillie kay nanay para umuwi. Hindi ko na sila nilingon pa.

Nagbibihis ako nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Patapos na akong magbihis kaya binuksan ko ang pinto at diretsong pumasok si Lead sa kwarto ko. I closed the door and faced him.

"Bakit ka nandito?" sabi ko at umupo sa tukador. Tiningan ko lang si Lead sa repleksiyon sa salamin sa tukador at sinuklay ang buhok ko.

"Damn!!!! Ano bang pinagsasabi mo kanina!!??" nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya. Padabog na inilagay ko ang suklay sa lalagyan at humarap sa kanya. "Lead!!! Anong gusto mong sabihin ko? Na hindi pwede dahil girlfriend ako?? Ganyan ba?! May magagawa ba ako lead kung gusto ka niya!!!?" napaupo ako at napaiyak. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Earlier nagiging Emotional na ako. Umupo si Lead sa kama at tumingin sa'kin. Nakatingin lang din ako sa kanya. Maya-maya ay lumapit siya sakkin at yinakap ako.

"I expect you to say 'No! You cant like him or what, because he's my Boyfriend! Damn!! I just....Fuck!" yinakap ko rin siya at pinahid ang mga luha ko. "I love you! Sinabi ko lang naman yun eh dahil... Lead namam eh! Para kasi akong talunan ehh kung sasabihin ko na di pwede!" kumalas siya sa yakap kaya tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko. Ramdam ko ang pagpula ng mukha ko! Narinig ko siyang tumawa kaya napalingon ako sa kanya.

"I love you too! End of Conversation!" pagkasabi niya nun ay hinalikan niya ako sa noo. Good mood na kami. Matanong nga 'to tungkol kay Bridgette. Ano ba talagang meron sa kanila o di kaya namamagitan sa kanila? Pinahid ko muna ang mga luha ko at pumunta sa banyo para manghilamos ng mukha. Haggard na ako ehh. Pagkalabas ko ay nakaupo pa rin si Lead sa kama kaya tumabi ako sa kanya. Ito na siguro ang tamang pagkakataon na tanungin ko siya.

"Lead?" tawag ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa kawalan at parang ang lalim ng iniisip. "Hmmm?" sagot niya. Di niya ako sinulyapan kaya nagtanong ulit ako.

"Pwede magtanong?"

"You're already asking!" sagot niya. Tatawa na ba ako? Kung makabara naman 'tong lalaking 'to! "Sino pala si Bridgette? Pwede mo ba akong sabihan kung sino siya at kung anong meron sa inyo?" pagkatanong ko ay sinulyapan niya ako. Bumuntong hininga siya kaya alam ko na ang sagot nito! Di niya.sasabihin. Hay!

"You want to know who she is?" tumango ako. "Brigette? Uhmmm..."

"Wag na nga lang Lead! Parang nahihirapan ka yata ehh!" sabi ko at ibinaling sa iba ang tingin ko. Di niya pa rin nakakalimutan yang babaeng yan!? Nakakainis ha! "No, It's okay! She was my Girlfriend! I admit I loved her so much! I'm happy when I'm with her! But Fuck...." himinto muna sya at tumingin sa'kin. Aaminin ko nasasaktan din ako pero hindi naman masyado dahil alam ko naman na mahal din siya nung Bridgette ehh tapos Past na yun no! "She's Dead!" literal na nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig ko. Paano niya nakayanan na mawala ang taong mahal niya? Sobra pa namang mahal niya yun! "Anong ikinamatay niya?" mahinang usal ko. Bakit ba kasi nag open pa ko ng topic ng ganito? Naging Ma drama tuloy kami ngayon!

"Car Accident!" mas lalo kong hinigpitan ang pagtakip sa bibig ko. Ibig sabihin? Oh my!! Patay na sya? "I'm so sorry Lead!" sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Ang lamig naman ng kamay niya ramdam ko tuloy ang lungkot na naramdaman niya.

"You don't have to say sorry! It's not your fault after all pero nabuhayan ako ng loob nung makilala kita. She left me dumbfounded but not until you came. I love you!" pagkasabi niya nun ay naiyak na ako ng tuluyan. Ang dami namang ka artehan at kadramahan ang nangyayari sa buhay namin ngayon!


Ngayong alam ko na kung sino si Bridgette at nasaan siya ay parang nawalan na ako ng problema pero napaisip din ako at the same time. Bakit kung Umarte si Neradel ay alam na alam niya ang pagkatao ni Lead. Hays!!! Pati ako naguhuluhan sa pagkatao niya pero ayaw ko namang pagbintangan siya pero isa lang din ang tumatakbo sa isip ko ngayon. 'Kailangan kung hanapin ang kasagutan na naglalaro sa utak ko at yun ay ang pag-alam sa totoong buhay sa kapatid ko!'

************************************
-Naomi Georfo

Stabbed by the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon